Park

702 22 3
                                    

Mika's POV

Isang araw na ang lumipas mula nang iwan nya ako, nang iwan ako ni Ara.

Masakit, sobra. Hindi ko matanggap! Gumising ako ng walang Ara sa tabi ko, wala din ang mga gamit nya. Palit na nga pala sila ni Cyd.

Mas mabuti na din sakin, para makamove on. Tutulungan naman ako ni Cyd, kahit mahirap kakayanin.

Pumasok si Cyd sa kwarto, sa dala dala gamit nya.

"Hoy babaeng di makamove on! Tumayo tayo ka na dyan! Umayos ka na magmomove on ka pa!" sabi nya

"Nahiya naman ako sayo! Parang nakamove on ka na ah!"

Natawa nalang kami parehas sa sinabi namin, napapagaan nya ang pakiramdam ko komportable talaga ako pag kasama ko sya.

Nag ayos na ako, tsaka bumaba. Hindi ako sanay na sisimulan ko ang umaga na wala sya. Ang sakit, sobrang sakit.

Pagbaba ko nakita ko sya lalapitan ko na sana sya at tatawagin pero may humawak ng kamay ko para pigilan ako.

"Tama na Mika"  sabi ni cyd at hinila nya ako papunta sa lamesa.

"Kumain ka ng walang nag iintindi sayo, umayos ka wala na kayo" wika ni Cyd

Tumango nalang ako tsaka kumain, pagkatapos kong kumain dumiretso ako sa lababo pero biglang pumatak ang luha ko.

Siguro dahil naaalala ko dati na laging si Ara ang maghuhugas ng pinagkainan ko, hindi ako kundi si Ara kasi gusto nya prinsesa nya ako kaso wala eh naging si Bang ang reyna.

"Oh ano? Iiyak ka na naman? Ghad Mika, di ka pa ba nagsasawa? Yang kakaiyak mo! Yang iniiyakan mo ba worth it!?" Cyd

Niyakap nya ako matapos nyang sabihin yun, patuloy parin ako sa pag iyak. Pinahidan ko ang luha ko tsaka naligo, pupunta akong park. Sa park kung saan sya bumitaw.

Matapos kong maligo ay dumiretso na akong Park. Pagdating ko don, nakita ko yung swing na inuupuan namin kung san sya bumitaw, kung san nya ako binitawan..

LUGAR KUNG SAN SYA UMAYAW.

Umupo ako don tsaka umiyak, bat di ko pa rin matanggap? Yung kahapon na pagbitaw nya.

Ang sakit sakit, yung umayaw sya kasi may iba na.

Umalis muna ako para pumunta sa kung saan, kakain lang ako tsaka magpapalipas ng oras.

Matapos ang 5 hours na pagalis ko, bumalik ako sa park.

Umupo ulit ako sa swing pero may lumapit sakin.

"Neng! Nasan na yung kasama mo lagi? Si ate utoy? Kahapon pa kayong di bumibili ng ice cream saken ah!" natatawang wika ni Kuya na lagi namang binibilihan ng ice cream.

Si ate utoy na sinasabi nya ay si Ara,suki na nya kasi kami. Nakakamiss na bibili kameng dalawa pero wala na eh. WALA NG KAMI.

"Di ko na po sya makakasama eh, ibang babae na po ang isasama nya dito." maluha luhang sabi ko kay Kuya

"Wala na ba kayo neng?"

"Pano nyo po nalaman na may kami?"

"Sinabi kasi sakin ni ate utoy na asawa ka na daw nya, natawa nga ako eh. Tapos sinabi nya sakin na girlfriend ka nya at masayang masaya sya sayo. Kaya nya daw gawin lahat para sayo, ganon ka daw nya kamahal. Sayo daw nya gustong sumaya ng panghabang buhay at gusto nyang magkapamilya kasama ka."

Naluha ako sa sinabi ni kuya, pero bakit wala na ngayon?

Bakit ganun kadaling iwan ako para sa ibang babae!?

"Bakit nya po kaya ako pinagpalit?" lumuluhang sabi ko sakanya

"Pinagpalit ka nya?"

"Opo, naghiwalay na po kami kahapon kasi sabi nya mahal nya pa si Bang. Eh  pano naman po ako?"

"Di ako makapaniwalang magagawa ni ate utoy yon, mahal na mahal ka non eh. Tuwing nakaupo kayo sa swing, tinititigan ko kayo habang nagtatawanan kitang kita ko kung gano kayo kasaya at kung gano kayo kainlove"

"Wala po eh, iniwan nya na ako."

"Wag kang mag alala anak, makakaya mo yan. Tanggapin mo nalang na wala na kayo at hinding hindi na kayo babalik sa dati. Acceptance lang ne, bumangon ka para sa sarili mo."

"Salamat kuya! Uuwi na po ako."

"Ingat neng!"

Tumahan muna ako bago umuwi, tinitigan ko ang park bago umalis pero may humila sakin.

Si Cyd na naman.

"Huli na to na babalik ka dyan ng hindi ka pa nakakamove on." mariin nyang sabi sakin.

Sana ako nalang siya, para mahalin mo din ako.

I will never be Bang Pineda.

EuphoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon