Surprise

908 26 0
                                    

Mika's POV

Nakasakay kami sa kotse ni Cyd, libre nya daw ako eh. Kanina pa kaming nakasakay pero di pa din kami nakakadating.

"Hoy! San ba tayo kakain? Kanina pa tayo eh! Gutom na ako!" sabi ko sakanya

"EDI BUMALIK KA NA! OKAY LANG MAKAKATIPID PA AKO!" sigaw nya

"Joke lang eto naman" natawa naman kami parehas

Nakarating kami sa kakainan namin, luh? May restaurant ba dito? Mukhang park eh.

Nauna akong bumaba,san ba kakainan namin dito? Daming ilaw eh

"San ba ta-----" di ko naituloy yung itatanong ko kay Cyd dahil paglingon ko wala na siya. San ba naman yun nagpupupunta?

Bigla namang namatay lahat ng ilaw,nagulat ako.

"CYD!!! NASAN KA NA!?" sigaw ko

Pero walang sumasagot sakin, asan na ba si Cyddd!??

Luh biglang namatay lahat ng ilaw. Grabe na to! Di ko na kaya naiihi na ako, nakakatakot.

"MIKA"

Boses nya palang kilala ko na, di ko alam kung san nanggaling pero sigurado akong nanggaling yun sa taong pinakamamahal ko.

"Siguro di mo inexpect na may ganitong sorpresa ako ngayon hahaha happy anniversary mahal! I love you!"

Pagkasabi niya biglang nagbukas ang mga ilaw na nakatapat sakanya. Nakaupo sya at may dalang bulaklak.

Nakita ko ang mukha ng pinakamamahal kong si Ara Galang.

"Mika Aereen Reyes, Happy Anniversary. You're my greatest hello and my hardest goodbye. I want to thank you for everything. Thank you for holding me so tight. Thank you for making me feel that I'm worth fighting for, that I'm worth waiting. Tandaan mo palagi nandito ako para sayo, bilang bestfriend mo at bilang future asawa mo. I love you Mika! This is all for you, my greatest love."

Nagbukas lahat ng ilaw at nakita ko ang mga bulaklak na nakakalat sa red carpet papunta sa table na puno ng favorite foods ko. Di ko maiwasang maiyak sa saya. Sa saya na dinulot nya sa buhay ko.

Lumapit sya sakin, at binigay ang bulaklak.

"For you,my queen" nakangiting wika nya.

Tinanggap ko ang bulaklak tsaka siya niyakap at hinalikan.

"Thank you for your effort, I seriously didn't expect this. Always remember that you're worth it. I love you, always and forever." naiiyak na sabi ko sakanya.

Nilahad nya ang kamay nya at hinawakan ko yun at sabay kaming pumunta sa table.

Napansin ko din na may isang malaking table at nakaupo ang team mates ko dun at nakangiti saming dalawa. Kami lang nakahiwalay, tinulungan siguro nila si Ara.

"HAY NAKO ARA, LAKI NG NAGASTOS MO PERO SERYOSO MAGBREBREAK DIN KAYO."

Natawa kaming lahat sa sinabi ng isang bitter, walang iba kundi si Cyd.

"REALTALK ATE'S, MAGHIHIWALAY DIN KAYO." sakay naman ni Dawn sa trip niya.

Bakit wala si Kianna?

"Masaya ka ba?" tanong ni Ara sakin

"Masaya, masayang masaya. Sana ikaw na, hanggang sa huli."

"Yeah, I am."

---------

Nang matapos kami ay umuwi na kami at sabay kami sa kotse nya. Yung team mates ko nagsabay sabay na.

She never fails to make me happy. I am very thankful to have you, babe.

EuphoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon