I won't give up on you

738 16 1
                                    

Ara's POV

Dahil sa nangyari kagabi lalong lumakas ang loob ko na wag siyang sukuan.

Mahal nya pa din ako kaya ipapaglaban ko siya, ako naman siguro ang magsakripisyo para sakanya.

Bumaba ako para magluto ng breakfast para sakanya, pagbaba niya pinakain ko siya.

"Mika kain ka na, nagluto ako para sayo" nakangiti kong sabi sakanya.

"Kaya kong magluto ng sarili kong breakfast." cold niyang tugon sakin.

Tsaka siya nagluto ng kanya, umpisa palang to kaya kakayanin ko to.

Nagring yung cellphone ni Mika at sinagot niya to.

Matapos niyang kausapin yung nasa phone tumaas siya at pagbaba niya nakabihis na siya siguro aalis ulit sila ni Jerome.

Mika's POV

Tumawag sakin si Jerome at inaaya niya akong lumabas susunduin sana niya ako pero sinabi ko na pupunta nalang ako don.

Nilapitan ko sya tsaka niya ako niyakap naramdaman kong may mga luhang pumapatak sa balikat ko.

Nakita kong umiiyak siya.

"Bat ka umiiyak?" nag aalalang tanong ko sakanya.

"Mamimiss kita." sagot niya

"Ha?" nagtatakang tanong ko

"Wala, basta lagi mong tatandaan mahal na mahal kita." tugon niya

"Mahal na mahal din kita." sagot ko tsaka ko hinigpitan ang yakap ko sakanya.

Naglibot kami sa mall at ginabi na din kami, hinatid niya ako sa dorm tsaka hinalikan ako sa noo.

"Ingat ka lagi, Mika." sabi niya sakin

"Mas mag ingat ka noh! Drive safely ha." paalala ko sakanya.

Pumasok na ako sa loob ng dorm tsaka natulog.

Nagising ako mga 8:30 am pagkababa ko eto na naman si Ara.

"Kain ka Mika oh." alok niya sakin

Di ko nalang ito pinansin tsaka ako pumunta sa sala.

May kumakatok naman sa labas, binuksan ko yung pinto at nakita ko si Ricci sa labas.

"Oh Ricci andito ka pala." gulat kong sabi sakanya.

"May pinabibigay si Jerome sayo." tsaka siya may binigay na sulat sakin.

Kinuha ko naman iyon

"Alam ba ni Cyd na nandito ka?" tanong ko

"Hindi, tumigil na ako ng panliligaw sakanya kasi gusto ko maging masaya siya." sagot niya tsaka pumunta sa kotse niya.

Binasa ko ang sulat.

Mika,

Kapag binasa mo to siguro nasa eroplano na ako. Aalis na muna ako kasi gusto ko maging mas masaya ka, hindi man ako ang maging rason non basta masaya ka. Alam kong mahal mo pa din siya, mahal mo pa si Ara. Nakikita ko yun, kung paano ka tumingin sakanya. Magpaparaya ako pero sa oras na saktan ka niya babalik ako at babawiin kita ulit. Paalam, Mika. Mamimiss kita pero para sayo to.
                                                                  -Jerome

Naluha ako sa nabasa ko, nagawa niyang magparaya para sa kaligayahan ko.

Pumunta ako sa kwarto at tinawagan ko siya pero hindi niya sinasagot.

Tinext ko rin siya pero walang reply

Ilang oras na ako nag iintay ng reply niya pero wala pa din.

Napagdesisyonan ko na pumuntang bar, nasaktan pa din ako sa pag alis niya.

Nakailang shots na naman ako pero may dumating ulit.

Si Carol, Kianna, Kim, Cyd.

"Mika ano ba naman yan!" agaw ni Cyd sa iniinom ko.

"Ano ba Cyd! Hayaan mo akong ganito!" sigaw ko sakanya.

"Kaya ka ba nagkakaganyan kasi umalis si Jerome o dahil sa katotohanan na mahal mo pa din si Ara?" tanong ni Carol sakin.

"Gusto niyo bang malaman ang totoo? Umiiyak ako kase dahil sa dalawang dahilan na yon! Pero mas masakit yung katotohanan, Carol!" sagot ko

"Patawarin mo na si Ara, Mika. Mahal na mahal ka non naging gago lang talaga yun. Hindi mo alam kung gano naging kamiserable ang buhay niya nung nalaman niyang wala ka na at gumuho ang mundo niya nung nalaman niyang huli na siya. Mika, mahal ka niya. Patawarin mo na siya please." sabi ni Kim

"Akala niyo ba ganung kadali yun? Akala niyo ba ganun kadali ibalik ang tiwalang nasira na? Nasaktan ako ni Ara ng sobra kaya natatakot akong maulit yun! Ikaw ba Cyd? Diba mahirap!?" umiiyak kong sabi sakanila.

"Mika magkaiba yun pinatawad ko na si Kim at pinayagan ko siyang ligawan ako. Oo naging mahirap para sayo pero sa tingin ko sapat na Ye ang paghihirap ni Ara." sabi niya.

"Sorry ate Ye, kasalanan ko naman talaga. Kung di ko lang ipinagmeet si Ara at Bang noon edi sana di ka nasasaktan at nahihirapan ngayon." naiiyak na sabi ni Kianna.

"Wala kang kasalanan, Kianna. Pero sa ngayon hindi ko pa talaga kayang magtiwala ulit kay Ara." sagot ko.

"Mika, wag mong sayangin yung sakripisyo ni Jerome para sayo. Nagparaya siya dahil gusto ka niyang maging masaya. Wag mong sayangin yung pagmamahal sayo ni Jerome. Baka kasi mapagod si Ara kakasuyo sayo." sabi ni Carol.

"Wag kang magsayang ng oras, Mika." Cyd

"Baka balang araw iba na ang suyuin ni Ara at hindi na ikaw." Kim

Napatawad na kita, Ara. Pero ang hirap ibalik nung tiwala eh. Wag muna ngayon kasi ang hirap at ang sakit pa din.

EuphoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon