Part 9 - Suicide Squad

2.4K 99 3
                                    

Jian Zeith Teamo's POV

"May traydor sa grupong ito."

Halata ang pagkagulat sa mukha namin nang sabihin yan ni Xeira

Traydor? Sinong magtatraydor samin? Lord, masyado ng maraming nangyari ngayong gabi, hindi ba pwedeng tapusin na? Please, gusto ko nalang makita si Mama. Kung isa nanaman ito sa mga bangungot ko, utang na loob gusto ko ng magising.

"Ano? Impossible yan!"-ren
"Sino, Xeira?"-rigid
"Kilala mo ba?"-joel

Tumango lang si Xeira bago tumingin sa aming lahat, at nahinto yon kay … Clyde.

"W-what?"-clyde
"Hindi, hindi. Mali kayo, kaibigan namin si Clyde!"-nike
Traydor si Clyde? Hindi, hindi pwede, bestfriend ko sya.

Nagulat nalang ako sa mga sumunod na nangyari. Itinutok ni Clyde ang kaliwang palad nya sa gawi ko, at mula doon ay lumabas ang isang napaka itim na enerhiya.

Hindi ako makagalaw, para bang nadikit na sa lupa ang mga paa ko, hindi ko na alam ang gagawin ng mga oras na yon. Pero … may isang tao ang tumayo sa harap ko at parang hangin na sinangga ang atakeng iyon. Xeira

"Get him!" Utos nya

Kitang kita ko kung paanong nanlaban sa kanila si Clyde, diretso ang tingin ng mga nanlilisik na mata nya sa akin. Kung tingnan nya ako ngayon ay parang hindi nya ako kaibigan, parang galit na galit sya at gusto nya akong patayin … malayong malayo sa Clyde na kaibigan ko.

"Zeith, I'm sorry."

Sumunod kong naramdaman ay ang mainit na yakap mula kay Xeira, ang babaeng nagligtas ng buhay ko.

"Nakakatawa, bestfriend ko yun eh, tapos papatayin ako? Hah! Ayos!" Unti unti ko ng naramdaman ang paginit ng mga mata ko.
"Una si Mama, ngayon si Clyde. Sino namang susunod? Si Nike?! Ikaw?"

Mas humigpit ang pagkakayakap nya sa akin.

"Hindi. Mananatili ako Zeith, hindi kita iiwan." Sa mga kataga nyang yon ay tuluyan ng bumagsak ang mga luhang kanina pa nagpipilit lumabas.

"Bakit ba tinutulungan mo ako? Reaper ka diba? Dapat hulihin mo rin ako. Bakit … itinataya mo ang … ang buhay mo para sakin?"

Humiwalay sya sa pagkakayakap sa akin at tiningnan ako diretso sa mata, hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko at pinahid ng hintuturo nya ang mga luha doon.

"Timang ka talaga. Hindi ba obvious? Mahal kasi kita." Sumilay ang napakagandang ngiti sa mala anghel nyang mukha
"At handa akong mamatay para sayo … para lang sayo."

Mahal kasi kita.

Tangina. Shet.

handa akong mamatay para sayopara lang sayo.

Sa lahat ng nangyari sa gabing to, ito lang yata ang maganda. Yung mahal nya ako, tapos mahal ko sya. Yung handa syang mamatay para sakin, at ganon din ako sa kanya.

"Timang nga ako. Timang na timang sayo! I love you."

Hindi na uso yung kagaya sa movies na unti unting naglalapit ang mukha tapos magkikiss. Kapag nakakita ka ng chance, sunggab agad. Parang ako, parang kami, parang itong pagkakataong to, parang itong storyang ko. Walang matatapos kung dadahandahanin, walang matatapos kung unti unti, kaya dapat sunggaban, mabilisan. Yung kasing bilis ng tibok ng puso ko.

"Ayos sa timing ah."-nike
"Pakshet tong dalawang to. Ngayon pa talaga nagchukchakan?"-eris
"Ehem! May nanonood ehem!"-bes

— — —

The Demon's Angel | ✔Where stories live. Discover now