Part 5 - The Fuck.

2.9K 100 7
                                    


Jian Zeith Teamo's POV

"Anong mukha yan?"
"Mukha ng gwapo, wag kang kokontra sasapakin kita."

Nagpatuloy ako sa pagpapabalik balik hanggang sa mahilo ako at maupo nalang katabi ni Xeira. Nasa backstage kami at nagreready na para sa performance namin sa opening ceremony ng Sport's fest mamaya, yung performance naming isang gabi lang namin pinagpractisan, yung performance naming hindi ko alam kung performance bang matatawag o kalokohan lang. Tae naman oh, ayoko na! Natatae yata ako.

"Bakit ka ba kinakabahan? May stage fright ka ba?"
"O-oo yata, minsan."

Hindi ko nga maintindihan kung bakit ako kinakabahan, samantalang sa basketball games namin marami rin namang nanonood pero okay lang ako, mas masaya nga kapag maraming suporters. Ewan ko ba, dahil yata kokonti kami ngayon, eh sa basketball sampu kami sa court, nagtatakbuhan pa at magulo kaya alam mong hindi sayo nakafocus ang mga tao.

"Papalpak ka" sabi nya habang pinapupukpok yung drum sticks nya
"Ano?!"
"Malilito ka dahil sa kaba mo, kaya papalpak ka. Baka nga hindi ka makagalaw mamaya." Naka smirk na sabi nya
"Wow ah! Salamat sa suporta!"

Kinuha ko yung gitara ko at nag strum. Lalo aong kinakabahan sa kanya eh!

"Just remember our practice, kung anong ginawa mo dun, yun na yun. Wag kang kakabahan, hindi ka naman magisa, magkasama tayo."

Napatingin ako sa kanya ng sabihin nya yon. Oo nga, magkasama kami. Kaming dalawa.

*Dugdugdugdugdug

"S-sandali, labas lang ako."
Tumakbo ako palabas hanggang sa lugar na walang tao, then tsaka ako sumigaw.

"AHHHHHHHHHHH!!"

Ano ba kasi to? Bakit ganon? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko sa kanya? Inaatake ba ako sa puso? Mamamatay na ba ako?!

"Hoy! Anong sinisigaw mo jan?"
"Wag ngayon Nike, utang na loob."

Naupo ako sa isa sa mga bench, sumunod naman sya.
"Anong nangyari? May problema ba dude?"
"Ewan, di ko maintindihan."
"Ang alin?"

Tumingin ako sa kanya at mukha naman syang seryoso ngayon ... pero hindi parin, ayoko sabihin. Tumingin nalang ako ng deretso sa harap ko bago sumagot.

"Yung tsinelas ko kasi sa bahay, ang saya kapag palagi kong suot, komportable. Kaya lang yung aso ng kapitbahay, may balak yatang nakawin kapag wala ako, kinakabahan tuloy ako."
"Haha yun lang ba problema mo? Aba e di wag mo huhubarin! Kahit san ka magpunta isuot mo, kahit hindi bagay sa damit mo. Wag mong ipapanakaw sa aso, baka kagatin, masira pa."
"Hindi ba mas okay kung hayaan ko nalang sa aso? Baka mamaya ako pa yung kagatin, ako pa yung masaktan."

Tumayo na sya habang natatawa
"Ikaw bahala, choice mo naman yan eh. Siguraduhin mo lang na kapag naagaw ng aso yung tsinelas, palitan mo kaagad at wag kang magyayapak ... masakit yon!"
Umalis na sya pagkasabi non

Bakit ganon? Pakiramdam ko mas lalo akong naguluhan. Tsinelas ba talaga yung pinagusapan namin?

Asar! Can anyone tell me what's happening?!

- - -

"Kalma Zeith, I'm here."
Tinapik pa ako ni Xeira sa balikat bago naupo sa drum set nya. Oo drum set, tapos ako may gitara. Hindi lang kasi basta kanta ang gagawin namin, kami rin mismo ang tutugtog. Lupet no?

Inilibot ko ang mata ko sa paligid at tanaw na tanaw ko mula dito sa stage ang libo libong estudyante ng ibat ibang school na kasama sa Sport's fest.

The Demon's Angel | ✔Where stories live. Discover now