Part 8 - Traitor

2.2K 92 1
                                    


Xeira Kaye Fhore's POV

"Zeith"

Naupo ako sa tabi nya at tiningnan sya. Tulala parin at hindi nagsasalita, pero tumigil na ang pagluha nya.

"Zeith, kausapin mo ako" pakiusap ko
"Pinatay nila si Mama, alam ko, sila ang may gawa non."

Naguluhan akong bigla sa sinabi nya. Sinong sila? May alam na sya?

"Sinong sila ang sinasabi mo?"

Tumingin sya sakin ng diretso, punong puno ng galit ang mga mata nya. Aaminin ko na tuwang tuwa talaga ako sa lahat ng expression sa mukha nya, pero ngayon, hindi ko gusto ang nakikita ko sa mukha nya.

"Hindi mo ba talaga alam? O nagtatangatangahan ka lang?"

Nanlalamig ang mga kamay ko. At nakakaramdam ako ng kaba na ngayon ko lang naranasan. Daig pa nito yung kabang nararamdaman ko sa tuwing haharap sa daan daang demonyo.

"A-anong sinasabi mo?"

"Isa ka sa kanila, diba? Nung namatay si Mama, tsaka ko lang narealize na tama ang hinala ko! Sabihin mo Xeira, paano mo nalaman na may paparating noon?" Puno ng paghihinala ang boses nya, at masasabi kong may tono rin ng paninisi ito.

"Zeith--"
"Naramdaman mo sila diba? O baka naman alam mo talaga na dadating sila!"
"Hindi mo kasi naiintin--"

Inis na inis ako sa tuwing pinuputol ang sinasabi ko, pakiramdam ko kasi ayaw akong pakinggan. Pero ngayon, iba, wala akong maramdamang inis. Ang gusto ko lang ay ang makapagpaliwanag sa kanya, kahit na hindi naman kailangan.

"Alin ba ang hindi ko naiintindihan?! Sabihin mo! Sabihin mo kasi gulong gulo na ako, gulong gulo na ako sa mga nangyayari … hindi ko, wala na akong maintindihan. Hindi ko na alam kung anong totoo, kung anong … kung anong dapat kong paniwalaan, kung sinong dapat kong pagkatiwalaan. Hindi ko na alam!"

Hinila ko sya palapit sa akin, ang kaliwang kamay ko na nakahawak sa likod nya at ang kanan na nasa leeg nya para alalayan ang ulo nya pasandal sa balikat ko. At mula doon, ramdam na ramdam ko ang malakas na pagtibok ng puso nya, ang pagtaas baba ng balikat nya kasabay ng pagkabasa ng sarili kong balikat senyales na umiiyak nanaman sya.

"Ako Zeith, magtiwala ka sakin. Sasabihin ko lahat, lahat ng gusto mong malaman, lahat ng dapat mong malaman. Magtiwala ka sakin, tutulungan kita."

At muli narinig ko nanaman ang paghagulgol nya.

Ayoko ng ganito, hindi ako sanay na nakikita syang umiiyak. Mas gusto ko yung tumatawang sya, yung mukhang timang. Yun ang gusto ko.

— — —

"They're here."-kim
"Papasukin mo."-duke

Mula sa pinto ay pumasok sina Nike at Clyde, pakiusap ni Zeith, gusto nya nandito sila. Nagsiupuan silang lahat at nagkaroon ng nakakailang na katahimikan sa pagitan namin.

"Ehem" pag fake cough ni Duke
"Yung totoo? Wala tayong matatapos kung magtititigan lang tayo dito."-bes
"Ano bang meron? Nakakagulat kasi yung sunduang ganap."-nike
"We'll talk about Zeith, us, our real identity."

Nagtinginan pa sandali si Nike at Clyde bago humarap sa amin.

"What about … us?"-clyde
"Ano nga bang tungkol sa inyo?"-law
"Hey, hey, chill bro. No fights."-Kim
"Bakit ba kasi nandito sila?"-Rigid

"Pagkatao ni Zeith ang topic, hindi kayo." Madiing sabi ko
"Let's start with you, Zeith hanggang saan ba ang alam mo? Kailangan namin malaman, para masabi namin kung ano nalang ang kulang."

The Demon's Angel | ✔Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin