Part 4.2 - Us

2.4K 98 0
                                    


Flashback
Sa bahay ni Zeith

"Uhh may gusto ka? Juice, coffee?"

Ang awkward naman nito. Kami lang dalawa dito sa bahay, tapos gabi pa. Nasan na ba si Mama?

"Ikaw." Seryosong sagot nya
"A-ano?"
"Ikaw, kung anong meron jan." Sumandal sya sa sofa at pumikit, itinaas pa nya yung paa nya sa center table.

Wow naman. At home na at home ah? Bahay mo?

"Wag mo nga itaas paa mo!"

Sinipa ko yung paa nya kaya nalaglag yon. Sinamaan naman nya ako ng tingin.

"Bakit ba? Malinis naman paa ko."
"Naka palda ka ho."
"Naka short din ako, tingnan mo pa."

Binigyan ko sya ng 'Gago-ka-ba-yung-totoo-look'.

"Tss. Nasan na yung juice ko?"
"Sandali ah? Kahiya naman sayo."
"Timang."

Pumunta nalang ako ng kusina para ipagtimpla sya. Nakakaasar talaga yung babaeng yon. Minsan sobrang cold, most of the time nakakabwisit. Sarap ipatapon sa bermuda triangle, o kaya ipakulong kasama si Laila Delima, pwede ring ipadala nalang sa Mindanao.

Pabalik na sana ako sa living room ng may mahigip ang beautiful tantalizing eyes ko.

"Hehehe"

— — —

"Oh! Juice mo."

Inabot ko na sa kanya yung strawberry flavored juice nya tsaka umupo. Binuksan ko pa yung tv at naupo kunwari pero ang totoo ay tinitingnan ko sya. Inangat na nya yung baso at ininom.

Hehehe humanda ka.

"Pftshhhkkschhhkkkshhh!!"

Naibuga nya yung iniinom nya at napatayo.

"Bloody heck! What the hell did you put on this drink?" Sigaw nya sabay takbo sa kusina

"Phffft bwahahahaha shet hahahahaha a-ang hahahah epic pwahahaha!"

Sinundan ko sya sa kusina at natagpuan sa sink, nagmumumog. Namumula pa yung tenga at ilong nya.

Grabe talaga. Kung nakita nyo lang yung mukha nya ng malasahan nya yung juice. Epic fail! Shet!

Matapos nyang magmumog ay tumingin sya sakin ng seryoso, bagay na nakapag patahimik sa akin, nakakatakot kasi yung itsura nya, sobrang seryoso at salubong pa yung kilay.

"Uhh practice na tayo? Hehe" alanganing sabi ko
"What did you put on that?" Galit na tanong nya

Oo, galit. Feeling ko magtatransform na sya into a monster dahil sa ginawa ko. Palapit sya ng palapit sa akin kaya paatras ako ng paatras.

"Ano yung kwan. Uhh hehe"
"Anong nilagay mo?"

Bakit ba sya lapit ng lapit? Tapos ang seryoso nya pa? Joke lang naman yon eh.

"Hotsaucelangnamanyonwagmoseryosohin" sagot ko
"Ano?!"
"Hot sauce, nilagyan ko ng hot sauce. Joke lang naman eh"

"Huh!" Singhal nya

Lumapit pa sya ng lumapit hanggang sa wala na akong maatrasan, sukol na ako. Ajuju Nilapit nya sa mukha ko yung mukha nya at tinitigan ako.

"Joke? You think that's funny?"

Napalunok ako. Ang lapit nya. Halos 1 inch nalang yata ang layo nya sa mukha ko kaya hindi na rin ako makagalaw.

*dugdugdugdugdugdug

Hinawakan nya ang pisngi ko tsaka ngumiti ng nakakaloko.

"Aw! Aray aray!"
"Ano? Nakakatawa pa ba?"

Hinila at pinilipit nya pa ng todo yung tenga ko.

"Wahh! Aray ko. Bitaw bitawan mo!"

Nang bitawan nya ay hinimas himas ko yun.

"Tara, magpractice na tayo."

Tinalikuran nya na ako at nag lakad pabalik ng sala.

Waaaahh! Feeling ko pumipintig yung tenga ko, pero bakit parang pumipintig din yung puso ko? Lalo na nung ang lapit nya.

Shet! Erase erase! Ang sakit tuloy ng tenga ko

End of Flashback

Yan yung nangyari ng magpractice kami sa bahay. Disaster!

The Demon's Angel | ✔Where stories live. Discover now