Chapter 1: Miss Nerd

2.1K 35 0
                                    

Hi, ako si Acelle Zyrish Sandoval. 17 years old. Nag-aaral ng bussiness management sa Bartolome University na pagmamay-ari ng lolo ng lalaking mahal ko. Oo, mahal ko siya, kaya lang hindi niya alam at may girlfriend na siya. Ang lalaking iyon ay si Chleo Josh Bartolome.

Siya lang ang nagpatibok ng puso ko. Siya lang ang minamahal ko. Siya lang ang sasabihan ko ng I love you bukod sa parents ko. Speaking of my parents, ang nanay ko ay si Amanda Sandoval at ang tatay ko ay si Noel Sandoval. Actually, hindi ko talaga tunay na tatay si papa. My mom got pregnant before but hindi siya pinanagutan ng real father ko.  At natagpuan ni mama si papa at nainlove sila kaya sila nagpakasal.

May half-brother ako. Siya si Jaydee Joel Sandoval. Tawag namin sa kanya ay JJ. Makulit pero mabait ang kapatid ko na yun. Grade 6 na siya.  Cute siya at kamukha niya si papa. Ako naman kamukha ko si mama syempre.

"Ace!" Lumingon ako at nakita ko ang bestfriend ko. Siya si Ansherina Rodriguez.

Siya lang ang nag-iisa kong bestfriend sa school. Oo nga pala, nandito ako ngayon sa school at hindi pa nagsisimula ang klase namin.

"Oh, bakit?" Tanong ko.

"Ace, andyan na si Chleo!" Sabi niya.

O___O

Wait, what?! Nandyan na siya?! OMG! Hindi ako nainform! Oo nga pala, almost 1 month siyang wala sa school kasi kinasal yung ate niya pero pinsan niya sa U.S kaya kararating niya lang ngayon.

"Talaga?!" Hindi ko makapaniwalang tanong.

"Mukha ba akong nagsisinungaling Ace?"

"Hindi! Kasi mukha kang mamamatay tao!" Sigaw ko.

"Ay, grabe siya oh." Sabi niya.

"Oh, ano na?! Tara na at salubungin si crush!" Sabi ko at akmang aalis na kaso....

"Excuse me lang ha. Ako ang sasalubong kay Chleo. Because I am his girlfriend." Sabi niya at tinulak ako. Siyempre, napaatras.

Siya lang naman ang girlfriend ng crush ko. Siya si Trixie Martin. Siya at ang mga kaibigan niya na sina Vianna San Jose at Lirielle Zuñiga ang pinakamean girls dito sa campus. Famous sila, oo at volleyball players pa. Pero hindi sila kasing ganda ni Marian Rivera para maging mayabang sa mga babaeng nobody at nerd na katulad ko. Bully sila lalo na sa mga nerd at hindi mayaman tulad namin ni Ansh.

"Ang haba talaga ng sungay ng babaeng yun!" Sigaw ni Ansh.

"Hayaan mo na." Sabi ko.

"Psh. Hay naku Ace! Kung ganyan na lang lagi na hindi tayo lumalaban sa mga bibeng yun, mas lalo silang mambubully sa atin!" Sabi pa ni Ansh.

"Wala na akong paki. Hayaan mo na lang." Sabi ko at umupo sa mesa ko.

"Sige, sabi mo eh." Sabi ni Ansh.

"Punta na nga lang tayo sa canteen! Gutom na rin ako eh!" Sabi ko na lang.

Same course kami ni Ansh. Same section din kaya lagi kaming magkasama. She is like a sister to me. Sobrang bait niya sa akin at sa pamilya ko.

I'M INLOVE WITH A NERDWhere stories live. Discover now