CHAPTER 5

1K 23 0
                                    

Chapter 5: Knife

Hope's POV

"Nakakainis talaga yung lalaking yun! Argh!" Narinig ko pang pagrereklamo ni Rachelle.

Papunta na kami ngayon sa cafeteria dahil 30 minutes nalang at mag lu-lunch break na. Marami ding estudyante dito kaya nga nahihirapan kaming um-order lalo na pag medyo late na kaming pumunta sa canteen.

"Kaya nga, eh! Bwisit!" Galit na galit ding sabi ni Yana.

"Mga pa-epal yung mga yun eh." Nakakunot noong sabi ni Isabel.

"Ano bang nangyari?" Hindi ko na napigilang magtanong dahil sa mga reaksyon nila. Tumingin si Rachelle sakin at nagsimula ng magkuwento tungkol sa nangyari sa kanya kanina.

"Eh kasi ganito, diba pumunta ako ng SciMath club para makapag-register. Sakto naman nandoon si Khyle. He also registered to that club. Then, we had a short meeting and when they elected me as the club's president, tinalisod niya ako! Kaya, napahiya ako sa mga ka-members ko. Tsk! Ang sarap tadyakan nung mukha!" Nagpapapadyak pa siya habang nagkukuwento.

"At saka, alam mo ba? Si Xaylk, sasali daw sa Mr. University. Nagkita kami doon sa registration, at ayun, masyado na namang ipinagmamayabang kung gaano siya karapat-dapat na maging Mr. University para sa school year na ito. Sinasabi pa niya na mukha daw akong na love at first sight sa kanya nung una ko siyang nakita sa room. Love at first sight niya mukha niya!" Umirap si Isabel.

Nilingon ko si Liyana. "Ikaw? Anong ikukuwento mo?"

"Nakapili na si Ma'am ng drama piece namin para sa Ulympics. Kahit na matagal pa iyon, sabi niya, mas okay daw na mapaghandaan talaga namin para naman daw may mapanalunan ang Basic Education Department." Wika ni Yana.

University Olympics, also known as Ulympics (Pronounced as Yulimpiks). Last school year, ginanap ito noong first week of September.

Isa ito sa pinakainaabangang event sa buong academic year. Dahil sa kadahilanang, isang week na walang klase, puro booths at stalls ang bawat sulok ng campus, at makakanood ka ng games sa gymnasium.

Sa Ulympics, bawat department ay magkakalaban. Basic Education Department (BED) versus Senior High School (SHS) versus CASE versus CCS versus Engineering at iba pang department ng college.

Maraming competition tuwing Ulympics, bukod sa Ball Games ay mayroon ding Battle of the Bands, Quiz Bee, Dramatization, Boy Band, HipHop Dance Competition at sobrang dami pang iba.

"Ako ang main lead na babae at si Mateo naman ang main lead sa lalaki. Medyo intimate ang relationship ng role namin kaya inasar-asar niya ako na makakachansing kuno ako. Tss." Dugtong niya at ipinagkrus ang mga braso.

Umupo na kami sa isang table. Pumunta naman si Liyana sa counter at siya na ang nag-order ng lahat ng kakainin namin.

Wala pa gaanong tao. Siguro busy pa din ang mga estudyante sa kani-kanilang clubs.

"By the way, Hope. Tuloy pa rin ba yung tungkol kay Hannah?" Tanong ni Isabel habang nagsusuklay ng mahaba niyang buhok.

Sumilay ang ngisi sa labi ko. "Syempre naman."

Pag dating ni Liyana sa table, may hawak na siyang tray na may lamang mga pagkain. Kumain agad kami kaya't pagkatapos ng ilang minuto ay tapos na kami.

Pagkatapos naming kumain ay saka palang dumami ang estudyante sa loob ng cafeteria.

Tumayo na kami at umalis sa cafeteria. Sabay-sabay kaming naglakad papunta sa rooftop ng old building.

Habang naglalakad kami ay kumuha ako ng sigarilyo at sinindihan ito.

Medyo malayo talaga itong old building na ito sa bagong building ngayon na ginagamit ng mga estudyante.

Nasa likuran pa ng BED Building ngayon ang old building at hindi na talaga ito ginagamit.

Pinagbabawalan na kaming pumunta sa building na ito sa kadahilanang hindi na matibay ang building na ito at maaaring may madisgrasya pa.

Sobrang tahimik din dito. Puro halaman at puno ang nakapalibot dito.

Pumasok kami ng walang imik. Ako ang nauunang maglakad kaysa sa kanila. Sa unang palapag ay wala masyadong gamit. Bukod sa sira-sirang piraso ng kahoy at alikabok ay wala na akong nakita.

Katulad ng nauna, wala na rin akong nakitang mga gamit sa pangalawang palapag kaya't umakyat na ulit kami hanggang sa nakarating ako sa rooftop.

Pagbukas ko palang ng pintuan ay sumalubong na agad sa akin ang malakas na hangin.

Ibinato ko ang sigarilyo ko at inapakan ito. Lumapit ako sa patong-patong na kahoy at kumuha ng kahoy na matulis ang dulo.

Inikot ko ang aking paningin at agad na kumulo ang aking dugo ng walang makitang tao doon.

Nasaan na si Hannah?

"Where the hell is that ugly being?" Galit na sigaw ko.

"Wag mong pairalin yang pagiging short-tempered mo, Hope. Maghintay pa tayo ng ilang minuto." Sabi ni Rachelle.

Naghintay nga kami. Ngunit, ilang minuto na ang nakalipas ay wala pa rin si Hannah.

Naghintay kami hanggang sa matapos ang lunch break. Walang dumating na Hannah.

Papatayin ko talaga yung babaeng inutusan ko kanina! Humanda siya!

"Tapos na ang lunch break, Hope. Bumalik na tayo sa classroom." Sabi ni Isabel at pumasok na ulit sila sa loob ng building.

Maya-maya ay biglang kumulog ng malakas. Ngayon ko lang napansin, madilim ang langit.

Tumingala ako at naramdaman ko nalang ang biglang pagbagsak ng mga patak ng ulan.

I hate rain.

Tuwing umuulan ay bumabalik sa akin ang mga pangyayari sa nakaraan kong gusto ko ng kalimutan.

Noong naghiwalay ang parents ko, nagmamakaawa ako noon kay Mama na wag na siyang umalis, ngunit hindi siya nakinig. Pinanood kong umalis ang sasakyan niya at ng lalaki niya habang nababasa ako sa ulan.

Hindi ko alam kung bakit, pero tuwing umuulan ay malungkot din ako.

Pero dati iyon, noong mga panahong nalulungkot pa ako. Dahil ngayon, wala na akong ibang nararamdaman kundi galit.

Idinilat ko ang aking mga mata at napalingon nalang akong bigla ng may nakita akong tao sa peripheral vision ko.

Hindi ako nagkakamali, tao iyon sa likod ng mga kahoy na nasa rooftop.

Kumunot agad ang noo ko, kahit na umuulan pa ay sobrang linaw kong nakita ang taong iyon.

Dahan-dahan akong lumapit sa mga kahoy, ngunit wala akong nadatnan doong tao.

Wala akong nakitang tao, ngunit nakita ko ang isang kutsilyo.

*^*

Author's Note:

I suggest na ulitin niyo po iyong pagbabasa dahil may mga nagbago po talaga, sa names at sa scenes.

Pero kung ayaw niyo pong ulitin, okay lang din. Baka lang po kasi maguluhan kayo sa mga changes.

Pasensya at salamat!

THE BAD GIRLS OF BAD BOYS (TBGOBB)Where stories live. Discover now