CHAPTER 2

2.1K 43 1
                                    

Chapter 2: The boys

Hope's POV

"Let's close our eyes and bow our heads, and feel the presence of our Lord..." sabi ng estudyanteng nanginginig pa sa kaba. Nakapila na kami para sa flag ceremony ng Monday.

I crossed my arms habang naghihintay na matapos ang prayer. Pagkatapos na pagkatapos ng prayer ay may bagong estudyanteng umakyat sa platform at nag-kumpas sa awiting Lupang Hinirang.

Unti unti akong lumayo sa pila naming 4th year at lumapit sa pila ng 1st year na bahagyang malayo at papalapit na sa mga guro. Sa dulo ng pila nila ay nakatayo at kumakanta ng seryoso ang isang babaeng mukhang mahinhin at mahiyain.

May maiksing buhok na umaabot lamang sa balikat ngunit nakatakip sa kanyang mukha. Hindi siya gaanong katangkaran kaya tinanong ko sa aking sarili kung bakit nasa hulihan siya at mukhang nilalayuan.

Pero hindi naman yung ang pinunta ko dito. Kailangan ko ng isang taong magsasabi kay Hannah na pumuntang rooftop. At siya, siya ang magsasabi nito.

Bago ko siya kausapin ay tumingin-tingin muna ako sa paligid upang tignan kung may nakatingin ba. Si Hannah, na ngayo'y may pasa pa ang mukha at mga sugat sa braso, ay nakatingin sa unahan habang itinataas ang bandila ng Pilipinas.

Nang makita kong walang taong nakakita sakin o nakatuon ang atensyon sa paglalakad ko ay pumila na ako sa pila ng 1st year, upang magkasunod kami.

Natapos ang pagkanta ng Lupang Hinirang at ako nama'y kinausap na ang babaeng nasa harapan ko.

"I wonder why you're being avoided by your classmates." Una kong sabi. Medyo nilapit ko ang bibig ko sa kanya upang marinig niya kahit na mahina ang boses ko.

Lumingon siya sa akin. Nakita ko ang mga mata niyang may kaba. Nakita ko rin ang kanyang mga kamay na nanginginig. Hindi na ako nagtaka nang makita kong may luhang tumulo galing sa kanyang mata.

"Wag niyo po akong papahirapan, nagmamakaawa ako." Mahina niyang sabi. Tinanggal nuya ang kanyang nerd glasses at pinunasan ang kanyang luha. How pathetic!

"Hindi kita papahirapan, basta susundin mo ang mga ipapagawa ko sayo." Agad agad siyang tumango sa sinabi ko. Hindi naman ganun kahirap ang ipapagawa ko sa kanya kaya masuwerte pa rin siya.

"Mamayang lunch time, kailangan mong puntahan si Hannah Lim at sabihing pumunta siya sa rooftop ng old building. Gumawa ka ng palusot, kahit anong palusot basta mapapunta mo siya doon. Hindi niya dapat malaman na inutusan ka namin o na kami ang nagpapapunta sa kanya doon. Walang kahit sino man ang dapat makaalam nito." Nanlaki ang mga mata niya. Alam niya kung anong nangyari kay Hannah dahil kumalat ito sa buong school.

"At pag may nakaalam nito, ikaw ang malalagot. Naiintindihan mo?" Tumango siya ng mabilis at tumalikod na sa akin upang pagtuunan ng pansin ang prinicipal namin na nagsasalita sa harap.

Napakabastos niya upang talikuran ako ng ganun. Ngunit alam ko namang natatakot lang siyang humarap sakin kaya't papalagpasin ko ang pag talikod niya sakin.

Before I finally went to our line, I caught a pair of eyes watching over me. He was watching intently with his eyes narrowing over me.

Imbis na kabahan ako ay, ngumiti ako. Oo, yung ngiting mapangasar at nakakaloko.

Nawala ang pagkacurious sa kanyang mga mata at nagbigay rin ng isang ngiti. Ngiting tinatapatan ang evil smile ko.

Hindi ko maiwasan na magulat ngunit hindi ko iyon ipinakita.

Dito sa campus, kahit na ang mga lalaki ay natatakot sakin lalo na kung bibigyan ko sila ng ganung ngiti. Pero, siya lang ang tanging lalaking naalala kong nagbigay rin ng ngiting katapat ng akin.

Sino naman kaya itong lalaking nagkaroon ng lakas ng loob na tapatan ako? Ang tanging alam ko lang ay isa siya sa mga transferee.

"You may now go to your respective classrooms and I wish you a blessed week, thank you." Tinapos na ng principal namin ang kanyang announcement at nagsikanya-kanyang takbuhan ang mga estudyante sa kani-kanilang mga classrooms.

Dumaan si…

Teka, ano nga bang pangalan niya? Basta, yung 1st year na babaeng inutusan ko. Dumaan siya sa aking harap at nagkasalubong ang aming mga mata.

I stared at her and raised my eyebrows, silently asking her if everything was clear. She just nodded in response with a spark of fear and guilty in her eyes.

Umakyat na sila ng second floor upang pumunta sa classroom nila. Susundan ko na sana sila nang bigla naman akong napatigil sa paglalakad.

Yung lalaki…

Yung lalaki kanina. Hindi ako nagkakamaling siya iyon, pero ngayon ay may mga kasama na siya. 4 mga lalaking matitipuno. Silang lima, naglalakad sila sa gitna na parang sila ang hari ng campus.

Yung ibang nakasabay nilang maglakad ay biglang huminto at nag bow sa kanila.

Napakunot ako ng noo, nangibabaw ang kuryosidad sa akin. Sino sila?

Bigla nalang ako nabalik sa realidad ng maramdaman ko ang malamig na tubig na ibinuhos sa akin. Basang basa ako, mula ulo hanggang paa.

Humagalpak iyong limang lalaki at itinutok nila sa akin ang camera. Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala sila.

"Miss, pasensya na kung nabasa kita ah. Masyado mo na kasi kaming pinagpapantasyahan. Gusto mo picture nalang tayo?" Tumawa ulit sila.

Tumingin ako sa paligid, wala ng mga estudyante bukod kila Rachelle, Liyana at Isabel na pare-parehong nakataas ang kilay at sa limang lalaking ito.

Umuusok na ang tenga ko sa sobrang galit. Gusto kong magwala at suntukin itong mga lalaking ito pero pinilit ko pa ring maging mahinahon.

"Sure." Ipinakita kong muli ang evil smile ko. Nag-apir naman sila dahil sa sagot ko habang tumatawa-tawa.

"Ayon! Hahahaha gusto pala ng picture!" Hindi pa rin sila natatapos tumawa at mukhang mas lalo pa atang lumakas ang mga boses nila.

"Yeah, marami kasing daga sa bahay and I could totally use your picture to scare those rats away."

Dahil sa sinabi ko ay bigla nalang silang natigilan sa kakatawa. Nangunot ang noo nila. Now, it's our turn to laugh.

"Aba, ang lakas mo manginsulto ah!" Sabi niya at kinuyom ang kanyang palad.

Para namang matatakot ako sa kanya.

"Oops, nainsulto ka ba? I didn't mean to offend you, I was just stating a fact." Ngumiti ako sa kanya na may halong kaplastikan.

"Hoy! Ayusin mo yang mga sinasabi mo! Pumapatol ako sa babae!"

"Talaga? Paano ba yan, pumapatol din ako sa lalaki?" Tumawa ako ng mahina.

Hindi siya sumagot ngunit nanatili ang panghahamon sa kanyang mga mata.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanyang habang tinitignan siya sa mata. Nang makalapit ako ay hinawakan ko ang kwelyo niya at hinila ito dahilan ng paglapit ng mukha niya sa akin.

"Huwag na huwag mo akong susubukan, Mr. whoever-you-are. Hindi mo alam kung sinong binabangga mo." Sabi ko.

And after that, I walked out of that place.

THE BAD GIRLS OF BAD BOYS (TBGOBB)Where stories live. Discover now