Tumayo na ako para kumuha ng damit at maligo. Hindi ko na rin tinakpan ang sarili ko at wala na rin naman si Clyde. Mamaya ko na lang siya pupuntahan sa labas. Mag-aayos muna ako bago magkita sa kanya.

Naabutan ko siya sa kusina. Nagluluto ito at panay ang tingin sa cellphone niya. Bawat galaw niya ay titingin siya doon. Nilapitan ko siya at nakitang nanonood siya sa youtube. Tiningnan ko ang niluluto niya. Natawa ako sa ginagawa niya. Ano ang nakain niya ngayon at nagluluto siya?

"Bakit naisipan mong magluto ngayon, baby?"

"Masama ba na ipagluto kita?" Nakakunot ang noo nito na nakatingin sakin. Wala naman masama kaso nangingitim na ang hotdog at hindi niya pa inaalis sa frying pan. Hindi na namin makakain ito. Tinanggal ko at nilagay sa pinggan.

"Ako na lang, Clyde."

"Ayoko. Gusto kitang ipagluto. Pinagod kita kagabi kaya dapat wala kang gagawin ngayon. Baka may masakit sayo kaya huwag kang gagalaw dyan. I can do this, I can cook for you, baby."

Hindi ko alam kung kikiligin ako o maiinis sa kanya. Kailangan bang ipaalala ang nangyari kagabi. Ayoko munang maalala at makita na naman niyang mamula ang pisngi ko kapag nababanggit ito.

"This damn video is hard to follow. I'll find who uploaded this and force him eat this fucking hotdog!" I heard him cuss. I chuckled because he is cute when he blamed the uploader.

"Do you want my help?" He look at me and continue what he was doing. He ignored my offer. He really wants to do it by himself.

"I can teach you. Forget the video and focus on me, baby."

Tumayo ako sa tabi niya. Tinanggal ko ang nasunog na niluluto niya. Ang dami na niyang nasayang na hotdog kaya kailangan ko na siyang turuan. Tumabi ito at nakatingin sa ginagawa ko.

"Hiwain mo yung gilid ng hotdog para maluto rin yung loob kapag piniprito mo."

Naramdaman ko ang pagyakap niya mula sa likod ko at hinawakan ang kamay ko habang nagpiprito ako. Nakikinig siya kaya hinayaan ko na gawin niya ito. Tinanggal ko ang naluto at naglagay ulit ako.

"Ikaw naman, Clyde." Aalis na ako para siya naman ang magluto kaso hindi niya ako binitawan.

"Ipagpatuloy mo lang yan. Nakikinig ako, baby. Mas gusto ko ang pinagkakabalahan ko."

"Clyde, stop sucking my neck. You could leave a hickey again." I tap his arms to stop him but he didn't listen. He continue his business in my neck and I can't concentrate on what I'm doing.

"Good morning, Sir Clyde-" Nagulat ako ng may magsalita sa pinto ng kusina at naapakan ko ang paa ni Clyde. Nasaktan ito pero hindi ko naman sinasadya. Natigil na rin siya at nakita ko na nakatalikod na si Sarah sa amin. Nakita niya ang ginagawa namin!

"S-Sir, pwede na po ba akong humarap?" Hindi ko kayang humarap kay Sarah. Kasalanan niya to. Pinatitigil ko na ayaw pa, nakita tuloy kami ng secretary niya. Tiningnan ko siya ng masama at hindi man lang siya naapektuhan sa ginawa ko.

"You can, Sarah. What are you doing here?"

"Sir, tumawag po si Mr. Teng na ngayon na daw po yung meeting niyo. Aalis daw po siya sa date ng napag-usapan niyo."

"Bakit hindi mo na lang ako tinawagan at nagpunta ka pa dito? Naistorbo mo kami." Kinurot ko siya sa huling sinabi niya. Umayos siya.

"Tinatawagan ko po kayo kaso wala pong sumasagot kaya nagpunta na ako dito. 10 pm ang sinabi ni Mr. Teng na oras ng meeting niyo."

Pinauwi na niya si Sarah pagkatapos sabihin ang mga bilin niya dito. Akala ko dayoff niya ngayon, maiiwan naman akong mag-isa dito.

"I'm sorry, baby. Babawi na lang ako sayo kapag natapos na ang trabaho ko."

My So Strict Boss (Bachelor Series)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz