Chapter 23 : EPILOGUE of 1st Part (BOOK 1)

513 16 0
                                    

DAD's MESSAGE Final Chapter
_______________

Pagkatapos ng pagsabog ng barkong merong Zombies ay tumungo na kami sa aming destinasyon. Hindi pa naman kami malayo sa Sunny Rise dahil makikita mo pa ang naguusok na mga tents at mga barko. Nakita din namin ang mga Jets na naghahanda na sa paghulog ng mga bomba.

"Harold bilisan mo! Baka maabutan pa tayo ng pagsabog!" Sigaw ni Josh kay Harold. Naramdaman ko naman ang pagbilis ng barko. Napatingin naman ako sa hawak hawak kong bag. Ang bag ni Daddy.

"What are you waiting for?" Napatingin ako kay Josh na umupo sa tabi ko. Hinalikan naman niya ako sa noo ko.

"Hoy kayo ha!? Alam ba ni Jacob yang affair niyo?" Napatingin naman kami ni Jacob sa nagsalita. Si Almery na ngumingiti ng nakakaloka.

"Anong alam ko?" Nakita kong papunta dito si Jacob. Aalisin ko sana ang paghahawak ni Josh sa kamay ko kaso hindi siya pumayag eh.

"Kuya. Misis ko." Sabi ni Josh kay Jacob at pinakita pa niya ang kamay namin na nag hholding hands. Nahiya ako tuloy. Naku ba naman oh! Naramdaman ko naman ang pamumula ng mga pisngi ko! Nakita ko namang ngumisi si Jacob.

"Alam mo? Gusto ka niya noon pa. Yan nga ang dahilan kung bakit kasama mo siya sa Detention room eh. Humingi siya ng permiso kay Miss. Na samahan ka daw niya sa detention room." Umalis na si Jacob at nakita kong namula ang mukha ni Josh.

"Totoo ba yon ha?! Ikaw pala ang may gusto sa akin noon pa eh!" Sabi ko sa kaniya. Hindi na siya nagsalita at natulog na sa balikat ko. At siya pa ang natulog ha!? Tsk. Binuksan ko naman ang bag at nakita ko ang laptop ni Dad na may papel na nakadikit.

Binasa ko naman ito.

'Anak, kung nababasa mo na ito ay siguradong wala na ako at kasama mo na ngayon si Kallie. Ang anak ng Presidente. Wag niyo siyang pababayaan dahil siya lang ang paraan para makaligtas kayo. Pasensya na dahil hindi kita masamahan ha? Pasensya na din dahil minsan lang ako nakakauwi sa bahay. Marami ka pang dapat malaman anak. May Ate ka. Her name is Jasmin. May asawa na iyon. Kasama niya ang totoo mong ina. Sa laptop kong ito ay merong family picture natin. Mga 3months old ka palang dito at yung ate mo ay 7years palang. Siya na ang bahalang magpapaliwanag sayo ng lahat. Pati na rin sa pangyayaring ito. Isa ako sa mga tauhan ng dating nuclear power plant. Pasensya na dahil hindi ko nasabi sa iyo. Masyadong komplikado ang mga ito para sayo. Sa laptop ko din ay merong mapa kung saan kayo pupunta. Ang Medina Island. Doon dinadala ang mga taong nakaligtas sa infection. Secured iyon at hindi basta bastang makapasok ang kahit sino. Meron akong tinagong ID sa bag 15 ID lang ang meron diyan. Hindi ko kase alam kung ilan ang kasama mo kaya yan lang ang nakuha ko. Alam naman ni Kallie ang gagawin sa mga ID niyo siya na ang bahala diyan. Hanggang dito lang ako anak. Sana makarating kayo sa isla ng maayos. Paalam anak! Always remember that I love you...'

Doon nagtatapos ang sulat ni Dad. Pinunasan ko naman ang mga luha ko at binuksan ang laptop. Nakaencypt na ito sa map at nag bblink na pulang dot ay makikita mo at parang gumagalaw ito. Sa di kalayun ay merong isla na may pangalang Medina Island.

"Medina Island huh?" Nakita ko si Josh na tumitingin din sa mapa.

*BOOOOOGGGGGGGSSSSSSSHHHHH!

Napatumba naman ako at muntik ko nang mahulog ang Laptop. Malakas naman ang pagbagsak ng mga alon sa barko namin. The extinction has already began. Kitang kita dito sa barko kung paano nahuhulog ang mga bomba at kung paano sumasabog ito. May isang malakas na pagsabog ang narinig namin at dulot nito ang malakas na hangin. Napahawak naman ako sa poste ng barko. Ganun din ang mga kasama ko.

"Ang lakas nun ah!" Sabi ni Jeb habang pinoprotektahan ang asawang si Danica.

Papunta naman dito si Josh.

"Sinabi ko na kay Jacob about kay Dad mo at sa isla. Siya nalang daw ang bahala sa pagpunta doon." Sabi nito at inakbayan ako. Minamasdan ko naman ang mga nasusunog na mga puno at matataas na gusali. May mga tao pa kayang nandoon? Kung iniimagine ko ay napapikit nalang ako. Paano naman kung meron diba? Kawawa naman sila.

"Guys!" Napatingin naman kami sa likuran dahil doon nanggaling ang sigaw. "What the f*ck!?" Bulong ni Josh.

"Guys Take Cover!!!" Sigaw ni Jacob sa amin habang pinapasok ang iba naming kasama sa loob ng barko. A huge wave is approaching us. A Tsunami!

Is this the end of our Journey?






~END~

Book 1

SUNNY RISE: Escape From The City Of Zombies!Where stories live. Discover now