Chapter 3

768 31 3
                                    

THE START
_________

"So that's the reason why every year theres a monitoring in the school. And not just an ordinary monitoring, all of the guest were scientist." Sabi ni Jacob

"So totoo palang merong underground nuclear power plant ang school na ito?" Tanong ni Josh.

Nakakatakot namang isipin na merong ganung pangyayari sa ilalim ng school namin.

"But it's been 82 years since pinatayo ang paaralan na ito. It will not happen again right?" Sabi naman ni Jacob na parang natakot din sa binasa namin. Tumango nalang ako para mapagaan ang mga loob nila.

"So, thats the purpose of the huge brick fence outside." Mahinang sabi ni Josh. Ngayon ko lang din naalala ang malaking bricked fence na nakapalibot sa school. Baka may purpose talaga iyon.

"Okay I'm going to go upstairs. This kind of stuffs are getting me a goosebumps." Sabi ni Jacob at umalis na papuntang itaas.

Then I feel kinda weird. Then I realized something. The water container at the corner was slowly shaking . Tumingin naman ako sa tabi ko. Nagmamasid din si Josh.

"Earthquake?" Tanong niya. Napakamot nalang ako sa ulo ko.

"Hind!? Baka volcanic eruption! May bolcan kase dito sa school! Malamang lindol! Naku ba naman!" May gana pa talaga akong magsalita ng ganun no? Hahahaha okay back to reality.

*BOOIGGGSSSHHH

"Aaaahhhh!" Nahulugan ba naman ako ng mga frames!

Rinig ko naman ang pagtunog ng Alarm na siyang nagbigay ng ingay sa maarteng tao sa paaralan ng Atom!

"Ang arte!" Hinawakan ni Josh ang kamay ko at nagmadaling pumunta sa ilalim ng steel table. Patuloy parin ang paglilindol. Ang tanging magagawa ko lang sa ngayon ay tinitingnan ang mga nahuhulog na mga frames at ang pagulong gulong na water container. Maririnig mo ang mga takbuhan ng mga tao sa labas kahit dito ka sa Detention Room.

Ilang minuto ang nakalipas at huminto ang lindol. Naalala ko naman si Jacob.

"Tara! Puntahan natin si Jacob baka napano na!" Nauna akong tumakbo papunta sa taas. Napatigil ako nung nakita kong sira-sira na ang mga gamit.

"Jacob! Jacob!" Sigaw ko habang iniikot ang paningin ko sa kwartong ito. Nakita ko naman na gumalaw ang cabinet na may mga semento at kung ano anong kahoy sa taas.

"I'm here! Help me, please." Mahinang sabi ni Jacob na halatang hindi makahinga ng maayos. Naunang tumakbo si Josh at binuhat ang nakaharang sa cabinet. Tinulungan ko narin siyang magbuhat at nakitang maraming sugat ang natamo ni Jacob. Inalalayan namin ito at kinuha ko ang upuan na nakalapag sa sahig at pinaupo si Jacob.

"There's a first aid kit inside that drawer." Mahinang saad ni Jacob habang tinuturo ang Drawer. Mabilis ko namang pinuntahan iyon at kinuha ang 1st aid Kit.

"Akin na, ako na ang bahala dito." Sabi ni Jacob habang kinukuha ang bandage. Kaya niya ba talaga? Nakita ko namang umalis si Josh. Kinuha ko nalang ang bandage at ako na mismo ang naglagay. Bago ko pa gawin iyon nilinis ko muna ang mga sugat nito bago lagyan ng bandage.

"F*ck!" Napatingin naman kami kay Josh.

"Are you okay?" Tanong ko.

"How in the Hell are we going to go Out? The door won't open. I think there is something blocking the door." Pagsasalita niya habang umiikot sa room. Bigla nalang kaming nakarinig ng sigaw.

"AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH!"

Nagkatinginan kaming tatlo sa room.

"What was that?" Nanginginig kong tanong.

SUNNY RISE: Escape From The City Of Zombies!Where stories live. Discover now