dangerous chapter five

Start from the beginning
                                    

"Patay na sila!" Sigaw nya sa akin, kasabay ang malakas na pagiyak, "patay na sila, Rose! Wala na sila mama!" Tinakpan nya ang mukha nya at umiyak ng umiyak, "Iniwan na nila tayo!" Sigaw nya sakin, patuloy ang pag iyak.

Natulala ako sa sinabi nya. Napanganga.  Hindi ko napigilan ang luha na tumulo sa aking mga pisngi. Gaano ko man ito pigilan.

"N-no!" Hinawakan nya ang braso ko para pahimasmasin pero inalis ko iyon, "Hinde! Hindi totoo yan! Wag mong sabihin yan!" Tumayo ako at mahigpit na hinawi ang buhok ko.

"Alam ko, Rose. Sobrang sakit. Hindi din ako makapaniwala nung una kong makita sa dyaryo. Pero Rose," tumayo na din sya, "napanuod ko sa balita... Binanggit ang mga pangalan nila... Pinaghahanap na daw sila.. Pero imposible ng matagpuang buhay..." Umiyak sya ng umiyak at niyakap ako ng mahigpit. Pero hindi ko tinugunan ang yakap nya. Nakatayo lang ako at umiiyak.

"Hindi..." Nanghina ang boses ko,

Tinulak ko si Ate papalayo sa akin, "hindi totoo yan!" Sigaw ko. At umatras ako sakanya. Tinakpan nya lang ang bibig nya sa sobrang pag iyak.

"Hindi ko naniniwala sayo!" Sigaw ko sakanya. "Hindi totoo lahat ng sinasabi mo!" Sigaw ko sakanya habang umiiyak,

"Bawiin mi yung sinabi mo ate! Please! Bawiin mo-"

"Yun ang too, Rose."

I was froze from what my Ate Flora said. My eyes fill with tears and keep falling down to my cheeks. I was breathing sharply. I shook my head and clenched my hands into fists. I can feel my palms are wounding because of my sharp nails. But I don't care,

"No!" I shouted and shaking my head, "THAT is not true!"

Pagkatapos nun ay tumakbo ako papaalis ng bahay namin. Hindi na ako pumasok ng araw na iyon, kahit pa naka-uniform ako. Tumakbo lang ako ng tumakbo sa kahit saan. Kahit walang patutunguhan. Habang tumatakbo ay patuloy ang pag hagulhol ko. Umiyak ako ng umiyak non. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari.

Araw na ang nakalipas, hindi pa rin nahahanap ang mga bangkay nila mama at papa.

Linggo, at buwan ang ginugol namin para lang mahanap sila. Pero wala.

Nabigo kami.

Ang 18th birthday ko. Napunta sa isang malungkot at masalimuot na pagluluksa. Nahanap ang katawan nila mama. Pero bangkay nalang nila 'yon. Namatay sila. Hindi ako nakapag debut non. Hindi ko naramdaman na maisayaw ng tatay ko. Hindi ko naranasan na mag-gown at ititurin na prinsesa kahit sa iisang araw lang. Ay yun ay dahil sa namatay sila. Iniwan nila kami ni ate.

May taon na ang nakalipas ay naghirap kami ni ate. Hindi na kami nakakain ng maayos sa isang araw. At nagsimula na din kaming mahirapan na mabayaran ang tuition fees ko dahil private school ako. Nagdesisyon si ate na palipatin na lang ako ng public school, pero hindi ako pumayag.

Nagwala ako, naglayas at hindi nagpakita. Dahil doon ay natakot sya. Nang mahanap niya ako, sinabi nya na gagawan nya ng paraan para lang mapagpatuloy ko ang pag aaral ko sa private school. Kaya bumalik ako sa bahay. Pero nag iba na ang ugali ko pagbalik ko.

Nag iba ako.

Nang nangyare ang lahat ng iyon, nagalit ako sa mundo. Nagalit ako sa diyos dahil sa nangyari sa amin ni ate. Dahil hindi nya iniligtas ang mga magulang ko, kahit na ang lakas ng paniniwala nila dito. Pero wala. Wala siyang nagawa.

Simula noon, hindi na naging maayos ang sarili ko. Bumaba ang grades ko, nagcu-cutting ako at nagsimula na din akong mag lipstick kapag pumapasok. At magkabisyo. Nagyosi ako. At hindi lang yan, naging party girl ako. Babaeng palaging nasa bar, at maraming kalandian. Masaya ang pakiramdam ko nun. Pakiramdam ko ay doon ko lang napapasaya ang sarili ko.

Dangerous RoseWhere stories live. Discover now