Charpter 16* (Boycut)

6.1K 73 0
                                    

Second Chapter parin toh ng flashback ni Vinz.Sorry kong ngayon lang.Tinamad ako eh.Hahaha

============================

Chapter 16*

(Boycut)

Ngayon eh school days kaya walang masyadong tao sa barber shop.Kaya for sure matatapos to agad.

Pagdating ko naman sa barber shop.1 lang yung nagpapagupit.

"Oh Vinz.Ano ginagawa mo dito?"napatingin ako dun sa isang lalaki na kakalabas lang dun sa may kabilang pinto.
"Kian.Eh magpapagupit.Ikaw?"
"Gumugupit."
"Huh?Marunong ka ba?"
"Oo kaya.Si Uncle Max may ari nito."
"Ahh oo nga pala."

Schoolmate ko yang si Kian di kami masyado naguusap sa school.Pano ba naman kasi sa sobrang gwapo ng mukong nato.Palaging may nakapalibot na babae.Graduating na yan ngayon.Section A din sya tulad nila Rose.Kaya lang nasa kabilang building sila since 4th year na sya.

"Sige upo kana jan pre."pre tawag nya sakin.Kasi nga diba tibz ako.Since elementary din magkaibigan na kami.

Umupo naman ako dun sa upuan na nakaharap dun sa salamin.

"Ano ba gusto mong gupit?"
"Boy cut."lumaki yung mata nya.Nakakagulat ba kung yun ang gusto ko?
"Seryoso ka jan?"
"Mukha ba akong nagbibiro?"tinignan ko sya ng seryoso.Ayan naging ok na yung mukha nya.
"Hindi naman."

Sinimulan na nya akong gupitan.Habang ako nagbabas ng magazine.Siguro mga ilang minuto din bago natapos.Di ko din tinitignan yung sarili ko habang ginugupitan pa ako.Gusto ko ng surprise eh.Hahaha

"Yan.Ano ok na ba sayo yan?Mukha ka ng lalaki."tumingin ako dun sa salamin.At wow.Ang laki ng pinagbago ng itsura ko.Para nakong lalaki.Ang sarap tignan.Parang freedom yung naramdaman ko."Sigurado akong mapapasagot mo lahat ng mga babaeng liligawan mo."kung makita kaya toh ni Rose.Sasagotin kaya ako non?Hindi si guro may bf na yun eh.Si Ray.
"Salamat pre.Ayos na toh."ngumiti ako sa tuwa.Ang cool ko tignan.Kamukha ko na si Sam Conception.Hahaha
"Basta ikaw pre walang problema yan."inabot ko na sa kanya yung 100 pesos.Nung una ayaw nyang tanggapin.Pero nung huli naman.Tinanggap naman nya.Takot ata mapagalitan ng Uncle Max nya.

Umuwi naman agad ako sa bahay.Gusto ko makita ulit si mama.Makapagthank you ulit.Tapos maggagabi na rin.

Pumasok ako sa bahay.Sino na naman kaya nagbukas ng pinto?Di man lang sinara.Pagnakita toh ni mama.Magsesermon na naman yun.Ang ingay pa naman non pagnagagalit.Rinig pati dun sa kapitbahay.

"Ma dito na po ako."dumiritso ako dun sa kusina kasi nauuhaw ako.
"Hoy gago sino ka?"
"Magnanakaw ka noh."hinawakan nila ako.Mukhang may balak ata tong wrestlingin ako ah.Nakatalikod kasi ako sa kanila eh.Kaya malamang di nila ako nakilala dahil sa new look ko.

Mga kuya ko talaga.Si Kuya Ram ata yung mayhawak ng dalawa kung kamay.Tapos si Kuya Loyd naman yung humawak sa liig ko.

"Kuyaaa!Si Vinna toh!Papatayin nyo pa ako eh!"sumigaw ako non kasi feeling ko babalian na nila ako ng boto.

Binitiwan naman agad nila ako.Nagetz na siguro nila dahil dun sa boses ko.

"Bat ganyan itsura mo?"hinarap ako ni Kuya Ram sa kanila.

Alam naman nila na tibz talaga ako.Si mama at papa lang naman yung wala pangalam.Ngayon si papa nalang.

"Ganito ako eh.Tsaka si mama yung nagbigay ng pera para dito."
"Langya ka.Mas gwapo ka pa sakin."binatokan naman ako ni Kuya Loyd.Gago toh ah.Patayin ko kaya toh.
"Baka magkagusto girlfriend ko sayo ha.Uupakan talaga kita."alam ko maganda gf nitong si Kuya Ram.Nameet ko last year nung Christmas.Pero wala akong gusto dun noh.Si Rose lang sakin.
"Gago ka.May iba akong gusto noh.Sayo na gf mo.Kainin mo."uminom ako ng tubig.Di pa ko nakakainom.Dahil sa mga toh.
"Eh sino ba yang gusto mo huh?Babae ba yan?"

Pagkatapos kung uminom tsaka lang ako sumagot.Alangan namang sumagot ako habang umiinom."Secret.At oo babae yun."
"Gf mo na ba?"-Kuya Loyd
"Hindi pa."
"Ang slow mo.Hahaha"tinawanan pako ni Kuya Ram.
"Kapal mo."

Naglakad nako non papuntang sala.Makapanoud nga ng movie.Yun oh.Kasisimula pa lang ng The Avengers sa star movie.

Sina Kuya naman pumasok sa kwarto nila.Mas matanda si Kuya Loyd kisa kay Kuya Ram.3 yr college na si Kuya Loyd.Civil Engineering si Kuya Loyd.Habang si Kuya Ram naman 1st yr college.Nautical naman course nya.Wala na daw silang pasok kasi Intrumz nila.Same school din sila.

(Kinabukasan)

Pasokan na naman.Pero di ako naka uniform kasi sabi ni maam.Practice daw kami sa umaga.Tapos sa hapon na kami papasok sa classeh.

Naglalakad na ako papuntang building namin.Napadaan ako dun sa building ng mga 2nd year yun kasi unang building mula sa gate.

Kailangan ko papala magmadali kasi yung guitar ko na gagamitin ko para dun sa contest eh hinatid na ni Kian sa room.Hiniram nya kagabii.

Papasok na sana ako ng room ng may tumawag sa pangalan ko.

"Vinz?"napatingin ako dun sa groupo ng mga babae malapit sa room namin.
"Jean."isa sa mga babae na nasa groupo na yun.

Meet Jean from 3rd yr. section B.Friends kami since 1st yr.Nagsimula kaming maging magkaibigan mula nung sinampal nya ko.Oo sinampal nya ko.Ang sakit nga eh.Wala naman akong kasalanan.Kasi akala nya ako yung umaway sa bestfriend nya na di ko naman kilala.Nagsorry naman sya pagkatapos nyang malaman na hindi pala ako.Yung isang kaclasseh ko pala na nagtransfer sa ibang school.Kinabukasan naman non pinilit nya ako magmovie house para makabawi daw sya.Kaya yun after class namin nagmovie house kaming dalawa.At dun nagsimula ang aming friendship.

"Ano yan?"tinuro nya ako.Pero di ko magetz kung alin ang tinutoro nya.Lumapit sya sakin.
"Alin?"
"Gupit mo."
"Ahh.Ito?"tinuro ko yung buhok ko."Ok lang ba?"
"Yeah.You look handsome."ngumiti sya pagkatapos nyang sabihin yun.Bulira talaga tong kaibigan ko.
"Wala akong 1 peso."
"Totoo nga.Pinapakita mo na talaga yung personality mo."lumapit sya sakin at ginulo yung buhok ko.
"Tnx ha.Ginulo mo pa ayos ko."inalis ko yung kamay nya sa ulo ko.Tumawa lang sya.Baliw talaga.
"Pupunta kaming canteen ng mga classmate ko.Sama ka?"
"Wag na.Wala naman akong kakilala jan eh."actually may kilala naman talaga ako jan.Kaya lang di ko masyado ka close.
"Ok lang yun noh."
"Next time na lang may gagawin pa din ako eh."
"Sige na nga.Basta next time ha."

Naglalakad na ako non palayo sa kanya."Yeah sure.By--"hala may nabangga ako.Di kasi ako nakatingin eh.Tsaka naka atras pa yung lakad ko.

"Sorry miss."pinulot ko agad yung mga lebro nya."Miss ito na mga leb--"di ko na tuloy sasabihin ko.Si Rose.Ngayon lang ulit kami nagkita.Syempre nagulat ako.Naalala ko tuloy yung time na una kaming nagkakilala.Nabangga ko rin sya non.
"Vinz."d*mn it.How I miss that voice.Sarap nyang yakapin.Bat ang lungkot ng mga mata nya?
"I'm sorry Rose."sorry sa lahat.Nakita ko yung damit nya na natapunan na naman ng milo.Nako naman.Bat parang bumabalik kami sa dati?

Kinuha ko yung extra t-shirt ko sa bag.Buti nalang may dala ako ngayon.Inabot ko sa kanya yung damit."Here.Soutin mo nalang.I have to go."

Hindi nako nagbye.Basta umalis na agad ako sa harap nya.Mali ito eh.Hindi pako ok.Hindi pa kami pwede magkita.Kahit ang hirap nya nang iwasan.Pero kasi naman eh.May boyfriend na nga yung tao.Wala na akong pagasa.

#End of Flashback#

Yan tapos na.Karugtung ng flashback ko eh yung POV ni Rose sa Chapter 12.

My Crush is a Lesbian(Lesbian love story)Where stories live. Discover now