Chapter 1* (Introduction)

30.4K 247 33
                                    

hi po..this is my first story..short lang po toh..sana magustuhan nyo...yung di po gusto yong lesbian story..plzzz wag nyo nalang po basahin..tnx po..

============================

Chapter 1*

(Introduction)

@Vinz's POV@

Tapos na bakasyon pasukan nah bukas.Di nako 2nd yr.Level up nako.Hahaha.Anyway Im Vinna Dezon.Vinz nalang pala.Girl masyado yung name ko.Di ako masyadong girl.Maypagka tigasin kasi ako.Hahahaha.Pero di lang naman ako..4 kami.At makikilala nyo sila bukas.Sana nga lang pumasok.Mga gagong yun baka tamaan na naman ng katamara.Apat pala kami magkakapatid.

Pangatlo ako.Yung mga kapatid ko lalaki lahat.Sa kasamaang palad ako lang yung babae.Tapos di pako tunay na babae.

"Vinna matulog kana.May pasok na bukas."nanay ko pala yun.Siguro matotolog nah sya.Kasi dito sah bahay namin bawal magaksaya ng kuryente.Dapat pagtolog nah.Lahat ng ilaw nakapatay nah.

"Opo ma.Ililigpit kulang toh."pinasok kuna yung gitara ko sa lalagyan nito.Antok nah rin ako.Maaga pa ako bukas.

Hindi pala alam ni mama na tibz talaga ako.Kaya Vinna tawag sakin.Ang sagwa nga eh.

*(Kinabukasan)

Umaga na pala.Hay.Antok pako.Makaligo na nga baka sakaling mawala yung antok ko.Pumasok nako sa banyo at naligo.Pagkatapos non.Nagayos nako.Dahil mabait akong bata.Di ako naka uniform.Hahaha.Papogi muna baka may makilala akong chikz ngayon marami pa namang mga 1st yr.Pagkatapos non lumabas nako ng kwarto at nagalmusal.Bawal magotom ngayon.Mahabahaba yung speech ng prinsipal namin.Kasi 1st day nga.

"Ma alis napo ako.Tapos nako kumain."

Lumabas yung nanay ko sa kwarto nya.Binigyan nya ako ng 50 pesos.Baon ko para sa araw nah toh.

"Magingat ka.Pagkatapos ng pasok uwi agad.Wagna maglakwatsa."alam nyo yung kabisado nyu na ang sasabihin nya.Araw-araw naman kasi ganyan sya.Kainis na nga minsan eh.

"Opo."at lumabas nako ng bahay at nagantay ng tricycle.Medyo malayo yung paaralan ko eh.Pero Kaya naman lakarin.Kaso baka malate nako.

May paparating na ding tricycle kaya pinara kuna.Buti di pa puno.Humonto ito sa harap ko.May nakita akong 2 babae na naka upo sa loob.

"Hi Vinz good morning."ngiting sabi ni Mae.Schoolmate ko pala.Magkaclasseh silang dalawa ni Karen.Katabi nyang babae ngayon.Nasa section A sila.Matalino talaga sila.Ako section C.Kahit section C ako.Masaya parin.Marami kasing bagay na nasa section C nah wala sa section A.Tulad ng kulitan boung araw.Sila kasi sobrang seryoso.

Yung bahay nila dun lang sa maykanto.

"Bait mo talaga Vinz di ka naka uniform.Feeling freshmen ka."tumawa si Karen habang tinitingnan ako.Ang cute talaga ng babaeng toh pagnakatawa.Kaya crush ko yan eh.Hahaha

Sumakay nako dun sa Upuan.Sa likod ng driver.Tapos pinaandar na ni manong yung tricycle.

"Hindi ako naka uniform kasi 1st day po ngayon."

"Kahit nah noh."tsk.Wag na nga lang patulan.Di ako mananalo dito kahit kailan.

Maganda yang si Karen.Naging binibini sya dito sa lugar namin.Kaya imposible talagang walang magkagusto dyan.Ako nga na tibo.Nagkagusto.Lalaki pa kaya.

After 10mins. nakarating nadin kami sa school.Madami nang students pero wala pang flag.Nagbayad na kami kay manong.

"Uy Vinz punta na kami sa room namin.Bye"nagwave na si Mae sakin pati narin si Karen.

"Bye."nagwave nadin ako.San ko nga ba hahanapin mga tropa ko?

Naglakad-lakad muna ako sa ground.Baka sakaling makita ko.Di naman toh masyado malaki ang school kaya madali ko nang makita sila.

At ayon na nga nasa canteen yung dalawa.Si Charly at Zen.Lesbian din sila.Mga kabarkada ko.Si Gin nalang wala.Lesbian din yun.Sabi ko sa inyo eh.Di ako nagiisa.4 kami magbabarkada.L4 kami.As in Lesbian 4.

"Mga brod.Musta bakasyon?"tanong ko sa kanila.

"Uy brod dito kana pala.Tagal mo naman."nagbiso-biso kami ni Charly.Hindi yung kiss sa pisngi ahh.Yung simpling Hawak sa kanang kamay tapos tapik sa balikat.Yun.Hindi kami bading.

Si Charly a.k.a Charlyn pala.Lola nyan Biology teacher dito.Sobrang strik daw non.Kahit tingin palang non.Nakakatakot nah.Buti nga tung isang toh.Di masyado nagsusungit.Di rin yan madali mapikon.Mabait yan.

Si Zen a.k.a Zenia.Sobrang friendly.Funny face din yan masyado.Kaya pagnakilala nyo tawa lang kayo ng tawa sa mga jokes nyan.

"Nako brod kahapon pa kami naka uwi dito.Galing pa kaming Iligan.Pagod pa nga ako eh."sagot ni Charly.

Lumapit naman sa akin si Zen at nagbiso-biso din.Yung hindi pangbading ah.

"Sa bahay lang ako.Eh ikaw?"tanong din ni Zen.

"Sa bahay lang din ako."

Wala pa si Gin a.k.a Gina.Late na naman siguro yun.Wala paring pagbabago.Tamad non eh.Kain pa ng kain medyo mataba na tuloy.

Naghintay lang kami dun sa canteen.Ang tagal pa kasi magflag.

"MGA BRODDDDDDD!!!"

napalingon kami dun sa sumigaw.At ayon si Gin.Tumatakbo palapit sa amin.Himala hindi nalate.

"Mga brod musta buhay nati?"tanong nya nong nakalapit na sya.Tumawa kaming 4.Kasi parang timang lang.Walang nagbago sa amin eh.

"Gago ka talaga muntik kana malate.Hahaha."sabi Zen.

"Hindi ako malalate noh.Walang flag kung wala ako.Hahaha"

"Ano kaba?Yung flag o yung tali?"pangaasar na tanong ni Charly.

"Ako yung pole."hahaha.Baliw nakisabay.

"Buti pa hanapin na natin room natin."sabi ko habang natatawa parin.

"Wag na.3rd yr. section C pa din tayo.Yung tabi ng English Dept. yung room natin ngayon."sabi ni Zen na huminto na sa kakatawa.

"Pano mo nalaman?"tanong ko naman.

"Galing ako sa room na yun kanina."-Zen

*Riiiiiiiiinnnggggg*

*Riiiiiiiiinnnggggg*

Bill na pala.Magsisimula na yung flag.

"Pila na tayo mga brod."sabi ni Gin.

"Sandali lang kunin ko lang panyo ko sa bag."sabi ko sa kanila.Tapos tumalikod ako para kunin yung panyo sa bag ko.

Sila naman naglalakad na pero hindi naman mabilis.Nung makita ko yung panyo sa bag ko.Kinuha ko na at hinawakan.

"Mga brod sa----"

Anak ng picacho!!

"what the.?!Look what have you done.?!"

Tumingin ako dun sa babaeng nabangga ko.Mayhawak syang plastic cup.Maylaman yun.Mukhang milo ata.

============================

Cut muna guys.Update ko sa inyo bukas siguro o mamayang gabi.Abangan nyo kung sino yung nabangga ni Vinz na babae.

My Crush is a Lesbian(Lesbian love story)Where stories live. Discover now