Chapter 72*(Intense Confession)

2.2K 53 16
                                    

Chapter 72*
(Intense Confession)

@Karen's POV@

"Ready naba sila?"tanong ni Vinz sakin.
"Dapat kanina pa.Baka malate na tayo."sabi ko naman habang umuupo sa tabi nya.

Ang tagal kasi nina Rose eh.Ako kanina pako tapos.Itong sina Vinz nga dun na naligo kina Kaye para mapabilis lang.Pero sina Rose hanggang ngayon nasa taas pa.

"Sos.Parang sya naman tong gagraduate."sabi ni Gin na nakatayo lang sa may pinto.Inirapan ko nalang sya.

Graduation ni Kaye yun kaya gusto ko andun nako bago pa magsimula yung graduation.

"5 minues nalang magsisimula na yung graduation kaya kunting bilis naman girls!"pasigaw kong abi sa mga taong nasa taas pa.
"Ito na po."narinig ko namang sabi ni Jely.At mukhang pababa na nga sila.
"Lets go."sabi ko agad sa kanila nung makababa na sila.

Nagpaalam na din kami kay lola na aalis na kami.Sabi nya naman susunod nalang sya.Kaya umalis na nga kami at nagpunta na ng school nina Kaye.

Pagdating naman sa may gate nakita ko agad si Kaye kasama sina tita.Dun kasi simula ng pila ng mga graduates papuntang stage.

"Hi tita."napalingon naman sila sakin nung sabihin ko yun.Lumapit naman ako kay tita at niyakap sya.
"Hello po tito."lumapit din ako kay tito at niyakap din sya.Close nako sa kanila noh.Haha.

Huling nilapitan ko si Kaye.

"Gwapo mo ngayon ah."bulong ko sa kanya na kinangiti nya naman.
"Kilangan eh.Andito kasi yung babaeng mahal ko."napangiti na din ako sa sinabi nya.Bago sya niyakap.

Buti pa tong mhine ko ggraduate na.Kami next year pa.

"Hi Whe."napatingin naman kaming dalawa kay Alex na kakalapit lang samin.Mukhang may pinuntahan pa sya kanina kaya ngayon ko lang sya napansin.

Lumapit agad si Alex kay Charly.Nahuli kasi sila sa paglalakad.Ang bagal kasi.Kaya nauna nako.Tsaka gusto ko na makita tung isang toh noh.

"Ang tagal nyo naman guys."sabi ni Kaye sa kanila.
"Tanong mo sa mga girls dude."-Zen.Tinuro nya naman sina Jely na nasa likod nila.

Pagdating nila sa harap namin nagmano agad sila kay tita at tito.Ang bait noh.Kahit makukulit mga yan.Marunong din naman gumalang.

"Sorry ha.Hindi kasi kame katulad nyo na 10 minutes tapos na maligo."tinaasan pa ni Jely si Zen ng kilay pagkatapos sabihin yun.
"Bakit tama naman yun ah.Eh kayo bakit ang tagal nyo sa cr?Ano ginagawa nyo sa loob ng cr?"-Gin.Ayan magbabangayan pa ata sila dito.Dahil lang sa matagal natapos maligo yung iba.
"Naliligo."-Jean
"Sos baka natotolog kayo sa loob ng cr."-Zen.Itong si Zen at Gin talaga ayaw paawat sa pakikipagsagotan kina Jean at Jely.Ayaw magpatalo eh.
"Di ah.Grabe ka."-Jely

Napailing nalang kami habang nakikinig sa kanila.

Bakit ba magbabangayan pa eh andito nanaman kami.At good thing hindi pa kami late.

Napansin ko naman si Mae na lumapit sakin.Ayaw ata tumabi kay Charly.

Anyway narinig ko yung pinagusapan nila kagabi.And yeah sinadya ko talagang wagpaharapin sakin si Mae para mapilitan silang magusap.

Narinig ko din yung sinabi ni Charly na 'ang maging girlfriend ko'.Aminin nyo kinilig din kayo dun.Ako nga napangiti eh.Kaya lang itong si Mae naman ayaw maniwala.Halata naman dun sa pagkakasabi ni Charly na totoo yung sinasabi nya eh.Bat ba ayaw nya maniwala dun?

"Kaye dun lang kami sa loob ha."pagpapaalam ni tita samin.
"Sige po ma.Papasok na din kami mamaya."sabi ni Kaye sa kanila.

Umalis na nga sina tita at tito kasama si Alex.Hahanapan nya daw din kami ng mauupuan sa loob.

My Crush is a Lesbian(Lesbian love story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon