Chapter 55*(What If)

2.5K 60 6
                                    

Chapter 55*

(What If)

@Vinz's POV@

Harap sa salamin.Ayos ng kunti sa buhok.Ayos ng kunti sa uniform.Ngiti ng kunti sa salamin.Magpabango ng kunti baka makita ko agad yung mahal ko ngayon.Kaya dapat mabango ako.

Ok na.

Ganito talaga guys paginspired.Haha

Kinuha ko yung phone ko.Eh titxt ko si Rose na papunta nakong school.

Ganito kami araw-araw ni Rose.Tinitxt ko sya pagpaalis nako.

Kwento ko pa ba sa inyo kung ano nangyari pagkatapos ng pageant?Wag na guys.Ang importante dun.Ok na kami.Girlfriend kuna ulit sya.

Everything work as plan.And again.Umiyak nanaman sya.Dala na din ng pressure ko.Napaiyak din ako nung sinabi nya yung yes.Ang tagal ko hinintay yun.Sobrang namiss ko sya nun eh.Kaya nayakap ko sya agad.Kung hindi dahil sa mga kaibigan ko.Walang Vinz at Rose ngayon.

Lumabas nako ng kwarto ko.Paglabas ko nakita ko naman si mama na nakaupo sa sofa.Lumapit naman ako sa kanya dala yung bag ko.

"Ma alis na po ako."sabi ko sa kanya pagkalapit ko.

"Oh ito baon mo."may kinuha naman si mama sa bulsa nya.Inabot nya naman sakin yung 50 pesos.

Magsasalita pa sana si mama.Pero inunahan ko na sya.

"Pagkatapos ng pasok uwi agad.Wag na maglakwatsa.Ok po ma.Alam ko na po yan."ngumiti naman ako sa kanya.Tapos hinalikan ko sya sa pisngi."Bye ma.Thank you po."

 

Tumalikod nako at naglakad nako papuntang pintuan ng bigla akong tawagin ni mama.

"Vinna."oh diba ganda ng name ko.Binanggit nanaman nya.Sabing Vinz nalang eh.

"Po?"nilingun ko naman sya.

"Kailan mo ba balak dalhin yang girlfriend mo dito?"napatitig naman ako kay mama.

Alam nya nang ok na kami ni Rose.Alam nya na din na girlfriend kuna yun.Pero hindi ko pa naisip na gusto nyang makilala si Rose personaly.Parati kasi akung nagkwekwento sa kanya tungkol kay Rose.

"Hindi ko pa alam ma.Pero dadalhin ko po sya dito.Soon."ngumiti naman ulit ako sa kanya.Tumango lang si mama sakin."Bye po."

 

Paglabas ko ng bahay nagantay ako ng tricycle.

At dahil masaya ako sa mga nangyari this past few days.Kasama na dun yung dates namin nung Saturday.Nagkabukingan na yung iba.

Sina Jely at Zen.Hindi ko ineexpect yun.Hindi naman kasi sila ganon ka close.Sa pagkakaalam ko.Yun pala.Matagal nang nanliligaw si Zen kay Jely.Sinecreto pa talaga nila yun samin.Wala silang sinabihan ni kahit sino.Kung hindi pa namin sila nakita na magkasamang namasyal hindi namin malalaman.Hindi sumama samin gumala si Zen kasi daw may lakad sya.Yun pala may date sya.Pero masaya parin ako para sa kaibigan ko.Kahit nakakatampo kasi naglilihim na sya samin.

My Crush is a Lesbian(Lesbian love story)Место, где живут истории. Откройте их для себя