Chapter 45* (Back To School)

3K 66 3
                                    

Chapter 45*

(Back to School)

 

@Karen’s POV@

                               

“Karen!”sigaw agad ni Gin nung makita nya palabas na ako ng ferry at palapit na sa kanila.

 

Namiss ko sila.Lumapit ako sa kanila ng nakangiti.Yayakapin na sana ako ni Gin ng pigilan sya bigla ni Mae.

 

“Tika nga muna.”nilayo nya naman si Gin sakin.“Pwede ako muna?Ako bestfriend dito diba?”ahaha.Napatawa nalang ako sa ginawa ni Mae.Niyakap nya naman ako.“I miss you best friend.”

“I miss you too.”niyakap ko din sya ng mahigpit.Namiss ko din kasi sya eh.Kahit nagtatampo toh sakin.Hindi ko kasi sya natawagan nung new year.Naging busy ako kasama sina Kaye.

Speaking of Kaye.

Mahal nya din ako.Sobrang natuwa ako sa sinabi nya.Akala ko hindi nya ko mahal.Buti nalang naabutan nya pa ako sa pier.Sa sobrang tuwa ko hindi ako makapag salita.Yung feeling na gusto mo na ilabas.Pero hindi mo alam pano.Ganon yung nangyari kanina.

“Mukhang hindi naman ah.”napabitaw naman ako sa pagkakayakap kay Mae.At napatingin kay Charly.“May naiwan ka ba?”

 

Napangiti naman ako sa sinabi nya.“Meron.Pero hindi ko pweding isama.”

 

“Hindi kasya sa bag mo?”inosenting tanong ni Zen.Akala nya siguro gamit yun naewan ko.Ang tinutukoy lang naman ni Charly eh si Kaye.Hindi pa naman nya alam ang tungkol sa nangyari kanina.Pero mukhang may hint na sya.

“Hindi sya bagay.”sagot ko kay Zen.

“Pero bagay kayo.”napatingin naman lahat kay Trixa.Hindi rin alam ni Trixa yung nangyari kanina.Actually wala pa akung sinabihan.Pero may hint na din siguro sya gaya ni Charly.

“Tara na nga sa sasakyan.Naiinip na yung isa dun.”sabi ni Gin na naglalakad papuntang sasakyan nina Charly.Yun ulit dala nilang sasakyan.Yung ginamit namin nung hinatid nila ako dito.

“Sinong naiinip?”tanong ko sa kanila habang naglalakad kami papuntang van.Si Trixa naman nagdala ng bag ko.

 

Hindi ako sinagot ni Gin.Binuksan nya lang yung pinto ng van.At nakita ko kung sino tinotukoy nya.Nakaupo lang sya dun sa loob habang hawak yung fone nya.Tinitingnana nya ata yung mga pictures ni Rose.

Napatingin naman sya samin.

 

“Hi Vinz.”nakangiti kung sabi sakanya.Napansin ko kasing malungkot yung itsura nya.

“Oh hi.”ngumiti sya pero halatang pilit.Kawawa naman tung baby Vinz ko.Hahaha.Namiss ko syang tawaging baby.But this time.Naramdaman kunang hindi na ako nahihirapang pakitunguhan si Vinz.Kasi iba na yung nandito sa puso ko.

My Crush is a Lesbian(Lesbian love story)Where stories live. Discover now