NANJ : 30

1.3K 46 22
                                    

HANAH'S POV

"Thank you babe! Maaasahan ka talaga!" Excited kong sinabi kay Sam nang makita ko ang walang malay na katawan ni Jamie sa kwarto ko.

"Seryoso ka na ba dito? Hanah. Masyado mo na siyang napahirapan. Hindi mo ba talaga mapapatawad ang kapatid mo?" Nawala naman ang ngiti ko sa sinabi niya.

Ugh bakit ba lagi nalang siyang kumokontra!? Hindi pa pwedeng ako lang ang pwedeng masaya!?

Lagi niyang pinamumukang napakadami ko nang nagawa pero para sakin kulang na kulang pa yon.

Oo kulang pa yon kumpara sa mga paghihirap kong naranasan sa Pilipinas kasama ang tatay ko.

Ginahasa. Binugbog at inalila. Tapos eto sila, lumaking maaayos ang buhay!? Punyeta lang diba?

"Alam mo nakakairita ka na! Lagi mo nalang pinamumukang ako ang kontrabida dito pero hindi! Sila! Sila ang masasama! Eto nanaman ba tayo Sam!?" Napasapo nalang ako sa noo habang nagiintay sa sagot niya.

"Hindi kasi madaling makita yung kaibigan kong nahihirapan tapos ako pa yung kasabwat diyan. Pero alam mo naman kung gaano kita kamahal diba!? Iniwan mo ako para sa ex mo pero eto akong nagiintay na balikan mo. Pumayag din ako sa lahat ng plano mo tapos sinunod ko ang lahat. Nagpapayo lang naman ako na tigilan mo na ang pakikielam sa buhay ng iba. Mabuhay na tayo ng normal. May anak na tayo pero mas iniintindi mo parin yang paghihiganti sa kapatid mo."

"Alam mo kung ayaw mo sabihin mo lang. Hindi ka naman mahalaga sakin. Lumayas kana. Dalhin mo yang anak mo!"

"Anak natin Hanah."

"Sam!?" Napalingon naman kami kay Jamie na biglang nagkamalay.

"Hah. Gising ka na pala?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi halata. Boba. Ano ba to!? Nasaan ako!? Bakit ako nakatali!?"

"Kasi hindi ka nakawala." Sarkastikong tugon ko dahil nagsisimula nanamang kumulo ang dugo ko.

"Gago wag moko gayahin. Di sayo bagay. Hipon ka." At dahil sa sinabi niya, sinapak ko siya.

"Ayus-ayusin mo pananalita mo ha kundi gigilitan kita!" Sigaw ko.

Bwiset!!!

"Itulad mo pa ako sayo. Di ako seafood no." Sasampalin ko sana siya kaso pinigilan ako nitong Sam na to.

"ANO BA!? Hindi na yan nagseryoso oh. Dapat lang na makatikim yan sakin."

"Sorry allergic ako sa hipon." Sagot nanaman niya.

"Tang ina---"

"TUMAHIMIK NA NGA KAYO! Puro walang kwenta naman pinagaawayan niyo pucha." Sigaw ni Sam

Kinuha naman ni Sam yung duct tape at nilagyan nito si Jamie.

Tama lang yan babe. Sakin kadin pala kakampi.


"Pagod na ako. Dito muna yang babaeng yan hanggang sa hanapin ng pamilya niya." Sabi ko bago lumabas ng kwarto

JAMIE'S POV

Inintay muna ni Sam makalabas ng kwarto si Hanah bago nagsalita.

"Jamie." Sabi niya pero tiningnan ko lang siya ng seryoso.

"Sorry hindi ko sinasadyang mangyari sayo to."

Gago ka sinong nagdala sakin dito maliban sayo?

"Sorry talaga."

"Uy."

"Sorry na." Tinititigan ko parin siya.

"Sagot ka naman. Uy!"

Bobo pano ako magsasalita kung may tape!?!??

"Ay oonga. Sorry." Sabi niya bago tinanggal yung tape.

"Aray! Makahigit naman to kala mo ikaw nakatape dito!" Malakas kong sigaw sa kanya kasi bagong dikit yon syempre masakit tas medyo may bigote ako. Sakit punyemas.

"Sorry na." Sabi niya ulit.

"Kakasuka na sorry mo ha. Kung pinapakawalan mo nalang ako tatanggapin ko pa yan. Ni hindi ko nga maisip ang dahilan kung bakit kinidnap niyo ako eh."

"Kailangan talaga. Sorry."

"Tigilan mo na nga ako sa sorry mo. Bwiset ka. Matapos ko kayong tulungan ng anak mo eto ibabalik mo sakin!?"

"Hindi mo pa maiintindihan."

"Hindi naman ako ganung kabobo no. May utak pa rin naman ako. Go. Sabihin mo." Angal ko.


Hindi naman talaga ako bobo diba? Inaasar ata ako neto eh.


"Hindi pwede."


"Weh weh edi uuwi nako. Pakawalan mo ako. Wala palang dahilan eh ano to lokohan?" Sasagot pa sana siya kaso tinawag na siya ni Hanah.

ANO BANG NANGYAYARI!?!?

================================

End of Chapter
Don't forget to vote and comment


Ginanahan akong tapusin na to. Nagkaron na din ng patutunguhan tong story na to sa wakas. Medyo mabagal ang update since hindi naman ako professional writer. Wag niyoko ibash hahaha. Shengks.

Nililigawan Ako Ni JiminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon