dangerous chapter one

Comenzar desde el principio
                                    

"Miss?! Wala ka bang naririnig? Ang sabi ko umalis ka dyan." Sabi nya kay Rose at nanatili lang itong nakayuko at hindi tumitingin sakanya. Kinamot ng lalake ang kanyang buhok ng makitang parang wala ito sa sarili. At sinubukan nya itong kalabitin, pero nang hahawakan nya palang ito ay lumalayo na ito sakanya. Takot na takot. Nagsimula na rin syang magtaka sa mga kilos nito.

Kinagat nya ang mga labi nya at tinitigan ang mukha ni Rose. Nakita nya ang mga sugat at mga pasa nito. At ang sugat sa paa kakalakad. Nagsimula syang mag alala sa babae. Napabuntong hininga sya dito.

"Miss? Alam mo ba kung saan ka nakatira?" Tanong nya. Pero hindi pa rin sya kumikibo. He crossed his arms and rub his chin.

Nagsi-businahan na ang mga kotse sa harapan nila dahil sa tagal nilang nakatayo doon,

"Hoy!? Umalis kayo dyan! Hinaharangan nyo yung daan!" Sigaw ng isang nagmamaneho sa kalsada.

"Sige po!" Sigaw naman ng lalake. At ibinaling ulit ang tingin niya kay Rose.

"Miss, uh..." Bumuntong hininga sya, "if you don't mind, get inside of my car first and tell me your address and I'll take you home, okay?" Mahinahong sabi nya kay Rose. Pero hindi ito kumikibo. Hinawakan nya ito sa likod para alalayan papasok ng kotse nya.

Hindi naman umatras si Rose at sumama lang sa lalake. Lutang sya at hindi alam ang ginagawa kaya't hindi nya alam na kasama nya na pala ang lalake aa loob ng kotse.

Habang nag mamaneho ang lalake ay tingin ito ng tingin kay Rose. Nang may makitang pwedeng magpark ng kotse ay agad nya iyong itinigil. At tinitignan nya kung kailan ito kikibo o kung hindi ba ito baliw. He cleared his throat and started to ask,

"Uh... Miss, tell me your address so that I'll ba able to take you home..." He said calmly. Pero walang reply si Rose sakanya. Napabuntong hininga na lamang sya.

"Ohh... kay? So, I think you're not going to answer me." He chuckled, pero hindi nya napatawa si Rose. Kinagat nya ulit ang mga labi nya,

"Miss?" Inilapit nya ang mukha nya kay Rose na hindi nakatingin sakanya, "I said.. Tell me where you live!" Itinaas nya ang mga kilay nya. Minsan ay mainitin din ang ulo ni Henry at hindi rin sya sanay sa mga ganitong tao.

Walang sagot.

"I said tell me your address so that-" napatigil sya sa pagsasalita ng umiyak si Rose. Umiyak ng malakas at hindi nahihiya sakanya. Tinakpan nito ang mukha nya gamit ang mga kamay at humagulhol sa pag iyak. Nagsimula na syang mag alala para kay Rose.

"M-miss?" Hinawakan nya ang balikat nito, "may problema ka ba? Pwede mong sabihin sakin? I-i can give at least, advice?" Sabi nya kay Rose na walang tigil sa pag iyak. Nagsalita ulit sya,

"Miss? Are you okay? Are you deaf? Or mute? Please answer-" napatigil ulit sya sa pag sasalita ng inalis ni Rose ang kamay nya sa kanyang mukha, at dahan dahang tumingin sakanya.

Nakita nya ang kulay brown na mga mata ni Rose, napapaligiran din ang kulay puting mata nya ng pula marahil dahil sa pag iyak. At ang namumula din ang mga pisngi nito. Ang labi nyang nagkalat na red lipstick sa mukha. Mukhang pinag samantahalan si Rose sa lagay ng hitsura nya. Napatulala lang ang lalaki sa mukha nya. Na kahit ganon ay hindi maaalis ang ganda sa mukha nito. Ngunit nababalot ng lungkot at problema. Gusto nyang malaman ang lahat ng mga iyon.

Nang tumitig si Rose sakanya habang umiiyak ay napatulala lang sya dito. Nakabukas ang bibig nya sa natatanging ganda nito.

"Uh..." Hinawakan nya ang braso nito at marahang hinaplos, "M-miss... Kung hindi mo iisipin ng masama, papatuluyin muna kita sa bahay ko then..." Napabuntong hininga sya, "then sabihin mo sakin kung saan ang bahay mo," Sabi nya kay Rose na hindi tumitigil sa pag iyak, "o-okay?" Tanong nya. Alam nya ng hindi ito sasagot kaya't hindi nya na ito hinintay pa.

Tinitigan nya lang si Rose. Dahan-dahan nyang inilapit ang kamay nya sa mukha ni Rose para punasan ang mga luha nito.

Dahan-dahan.

At ng maidikit nya na ito ay pinunasan nya ang luha ni Rose gamit ang hinlalaki nya. Natuwa sya na hindi ito umiwas sa hawak nya. Patuloy nyang pinunasan ang mga luha nito.

"Tahan na..." Bulong nya kay Rose. Dahilan para tumigil si Rose sa pag iyak at tumitig sa mga mata nya. Napalunok sya sa titig nito. Inalis nya ang kamay nya sa mukha ni Rose at ngumiti.

"Everything's going to be fine, okay?" Pag comfort nya kay Rose. Tumigil na si Rose sa pag iyak. Dahan dahang itinungo ni Rose ang ulo nya sa hindi kilalang lalaki, pagbibigay ibig sabihin na sang ayon sya dito.

Dahilan naman para mapangiti ang lalaki sakanya, tumungo din ito.

"Okay. Good." At bumuntong hininga din sya at umatras na para mag maneho. Ini-start nya na ang makina at nag maneho papunta ng kanyang bahay.

Nanatiling tahimik si Rose sa tabi nya.

Hanggang ngayon ay hindi nya pa din alam kung bakit nya inaya ito na tumuloy sa bahay nya. Basta ang alam nya lang ay naawa siya dito. At hindi niya lang basta basta kayang iwan sa daan at dahilan pa para may mangyaring masama sakanya. At kargo pa nito ng konsensya niya. Kahit ganon ay hindi niya kayang isipin.

Nagtataka lang sya sa mga bakas na sugat at pasa sa parte ng katawan ni Rose.

Sino kaya ang may gawa nito sakanya?

Ano kayang nangayari sakanya?

Mga tanong sa isipan nya sa utak na gusto nyang masagot. Gusto nyang malaman mula kay Rose. Hindi nya naman ito kilala o alam ang pangalan at pagkatao, ay gusto nya itong tulungan. Tulungan ng walang kapalit. Tulungan ng walang dahilan o pag aalinlangan.

Ngunit may isa pang tanong sa utak nya na gustong maisagot...

Ano kayang pangalan nya?

"I'm Rose."

Nagulat sya ng habang nagmamaneho sya ay magsalita si Rose.

Saktong sakto at nagstop ang traffic light. Agad nyang tinapakan ang preno at kasabay nun ay ang pagtitig niya kay Rose. Nakatingin lamang ito sakanya. Pero sa hina at hinhin ng boses ni Rose ay hindi nya ito naintindihan. Gusto nya ulit marinig ang boses ni niya. Gusto nyang malaman ang pangalan nya. Pero natatakot sya na baka hindi na ulit ito sumagot kapag itinanong niya.

Pero patuloy nya pa ding sinubukan...

"W-what?" Mahinahong tanong nya.

***

Hi, My Lovely Readers!

You guys don't know how excited I am to write this first chapter. I hope you guys love it!

And don't forget to vote! It inspires me to do more. :)

Just keep swimming... Just keep reading... (I'm kinda fan of Finding Dory. Lol.)

dangerously love y'all,

Classy.

Dangerous RoseDonde viven las historias. Descúbrelo ahora