SIWMB 21: ❤ WHY?

2.3K 114 2
                                    

Margarette on the multimedia ☝

LANCE P.O.V

Ting ting ting

Sa wakas nag bell na -______-
Boring naman ng klase ngayon

At kanina pa ako nababahala kung bakit hindi nag-attend ng class namin si Mich. Naka 3 subjects na kami pero hanggang ngayon wala parin siya. May nangyari kayang hindi maganda?

Lumabas na ako ng room namin at naglakad-lakad baka sakaling makita ko siya.

Una kong pinuntahan ay ang rooftop.. dahil nung highschool pa lang kami hilig niya ang tumambay sa rooftop ng school namin, pero pagkapunta ko, wala akong nakitang tao.

Sunod kong pinuntahan ay ang Cafeteria, sigurado gutom na iyon ngayon at dun lang siya pwedeng bumili ng pagkain.

But to my surprise its not Mich I see. Its Margarette eating alone and I guess wala siyang kasama.

Simula nung umalis ako nawalan na rin ako ng balita sa kanya, at ngayon ko lang ulit siya nakita.

Lumapit ako sa kanya, at agad namang umangat ang ulo nya ng maramdaman niyang may tao sa harapan niya.

Masasabi kong nagulat siya ng makita niya ako. Umupo ako sa upuan na nasa harapan niya, so magkaharap kami ngayon.

Ngumiti ako sa kanya.

" hi Margarette, long time no see. Kamusta ka na? "

Bati ko sa kanya. But still she's looking at me and she never answer my question.

Napangiti na lang ako ng mapait.

Madaming tao ang nagagalit dahil sa hindi ako nakapag-paalam sa kanila nung umalis ako.

Yeah. I know its my fault, and I feel sorry for that.

Mas nauna kong naging kaibigan si Mich kaysa kay Margarette pero hindi yun alam ni Margarette. Ang alam niya she's my first friend but the truth is its Mich.

Masasabi kong napaka sweet niyang bestfriend sakin dati. Simula ng makita ko siyang umiiyak nun sa playground sa may plaza habang naka-upo siya sa swing naawa ako sa kanya that time kasi I hate to see girls crying. And specially when the reason is boys -_______- I just hate it. Kaya napapasama ang ibang mga lalaki na katulad ko eh, dahil yun sa mga tarantadong lalaki na ang ginawa ay magpa-iyak ng babae tss...

" look Margarette. Im sorry ok? Pls. Sana maintindihan mo kung bakit hindi na ako nakapagpaalam sayo nung time na umalis ako kasi masyadong na kaming nagmamadali ni mama para makapunta ng ibang bansa para ipagamot si papa. I hope you've understand "

" ahmm . No Lance you don't need to say sorry, I understand. Im just shock that your here. Dito ka rin nag-aaral? "

Masaya ako na naintindihan niya yung sitwasyon ko, afterall she's my bestfriend.

Oh . Hindi ako bading ok? Porke't ba puro babae ang mga naging bestfriend ko bading na agad?

" yes. Im already studying here, I didn't know you are also here. So kamusta ka na? "

Tanong ko ulit sa kanya dahil hindi niya nasagot yung tanong ko kanina.

Ngumiti siya sakin pero parang may iba. Parang may gusto siyang sabihin na ayaw niya. Hindi siya mapakali.

" hey you alright? Is there something bothering you? "

" A-ah ok naman ako Kyle. Ikaw? "

Kumunot yung noo ko habang nakatingin sa kanya.

May mali eh. Kilala ko na siya, kapag ka ganyan siya na hindi mapakali, may tinatago iyan. Tsk haaaay nako Garette hindi kapa rin nagbabago.

Secretly Inlove With My Bestfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now