SIWMB 18: ❤ CARE

2.5K 128 0
                                    

LANCE P.O.V

Im standing here infront of there house, sino pa ba ? Syempre kayna Mich. I just want to say sorry and let her hear my explanations why I leave before.

Nasabi ko na, na mag bestfriends nga kami ni Mich dati diba.. but JM didn't know that were bestfriends.

Masasabi kong SUPER close kami sa isat-isa.. mas higit pa sa pagiging close nila ni JM

I know JM, because when Im with her she always talk about him..
but JM didn't know me.

We became friends since nakilala ko siya sa mismong bahay namin.

That time kasi anniversary nina mom and dad, and I didn't know na ang parents ni Mich ay kaibigan at business partner pala ng parents ko.

Day passed... naging komportable at malapit kami sa isat-isa, until tinutukso na kami ng mga parents namin. They always say's that were compatible to each other, bagay daw kami para sa isa't-isa.

I feel like I have butterflies in my stomach everytime Im with her. Then I realize that I like her no the right term is I love her. Yes I love her that FAST. Who could imagine that I confess my feelings towards her I hope that she have the same feelings to me pero nagkamali ako.

She confess to me too. Pero hindi yung nararamdaman niya para sakin, kundi yung nararamdaman niya sa kaibigan niya, kay JM

Masakit. Syempre masakit na ma-reject ,masakit na malamang mayroon siyang ibang minamahal.
Pero sabi ko sa sarili Ok lang yun, mga bata pa naman kami at sure ako mawawala din ang feelings ko para sa kanya at ganun din siya para kay JM.
I thought its just a simple crush.

Pero mali na naman ako, hanggang sa umabot kami ng high school.
Siya parin. Siya at siya parin talaga hanggang ngayon, tulad ko ganun rin si Mich si JM lang talaga. She said it will always be him.

Hanggang sa dumating yung time na kailangan kong magtransfer sa America because my father is sick, kailangan niyang ma-operahan sa lalong madaling panahon kaya my mom decided that I should tranfer there, baka daw kasi matagalan pa bago sila makauwi, ayaw naman ni mom na iwan ako sa bahay na ang kasama lamang ay mga katulong kaya yun.. hindi na ako nakapagpaalam kay Mich kasi rush hour na and my mom confiscate all my gadgets so I didn't have time to text, call, chat even send her a message.

And now I hope she may understand.

Pagkabukas sakin ni manang ng gate agad niya akong pinapasok at nagkamustahan bago dumating si Mich.

Agad naman akong ngumiti pagkakita ko sa kanya ganun din naman siya.

Ang laking tuwa ko ng marinig ko ang mga salitang sinabi niya sakin ng tangka kong magpaliwanag sa kanya ,

" Lance aaminin ko, nagtampo talaga ako sayo NOON.. kasi naman hindi ka man lang nag paalam, kahit ni isang salita wala akong narinig sayo, ni isang text wala akong nataggap mula sayo.. hindi ka man lang tumawag. Akala ko nga na dedu ka na pfft siyempre joke lang. Pero sabi ko nga NOON pa yun, kaya hindi mo na kailangan pang magpaliwanag, past is past my B2 "

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ng marinig kong sinabi niya iyon sakin.

Napakasaya ko dahil tinawag niya na ulit ako B2.. pfft hindi ko alam kung anong meaning ng tawag niyang iyon sakin pero masaya talaga ako dahil nagawa niyang intindihin ang nangyari dati kung bakit hindi nako nakapag paalam sa kanya.

Wala pa ako sa aking sarili kaya tumango na lang ako ng sabihin niyang pupunta lamang siyang kusina para magpaggawa ng merienda.

Ng pagkatayo niya ay bigla na lamang siyang natumba at nawalan ng malay, mabuti na lamang at naging maagap ako at nasambot ko siya.

Pagkadikit ng mga balat namin ay naramdaman kong napaka-init niya, sinasabi ko na nga ba at nilalagnat siya kaya binuhat ko siya at dadalhin na sa kanyang kwarto ng biglang dumating si manang at nagulat ng makita niyang walang malay si Mich.

" jusmiyo! Anong nangyari kay Charity? " agad na tanong ni manang

" bigla na lamang pong nahimatay sa tingin ko po ay nilalagnat siya, manang pakikuha naman po ako ng isang towel at isang lalagyan ng tubig "

Pakiusap ko dali-dali namang pumunta si manang sa kusina kaya umakyat na ako at dinala siya sa kwarto niya.

Pagkahiga ko sa kanya ay sinalat ko ang kanyang noo, agad akong napailing ..sobrang init niya.

Naalala ko dati ng tuwing may sakit siya ako lagi ang tinatawagan niya at pinapupunta dito sa kanilang bahay para alagaan siya. Tss.. ginagawa akong katulong -________-

Tok tok tok

Pumasok si manang na may dalang tubig at towel..

" Hijo, ikaw na muna ang bahala kay Charity, ikaw na ang magpunas para bumaba ang lagnat tutal lagi mo naman itong ginagawa dati "
Nakangiting sabi sakin ni manang pagkatapos mailapag sa lamesa ang dala-dala.

" sige ho manang ako ng bahala kay Mich ,salamat ho " magalang na sabi ko

" bababa muna ako para mapagluto ko si Charity ng mainit na sabaw, maiwan na kita "

Ngumiti na lang ako at tumango

Kinuha ko sa lamesa ang basang towel at naupo sa tabi ng kama. Pinunasan ko siya tulad ng dati kong ginagawa sa kanya tuwing siya'y may sakit.

Ng matapos ako sa braso ay sa mukha naman ako nagtungo at nagsimulang magpunas.

Napaka-amo ng kanyang mukha, para siyang isang anghel na natutulog na may invisible wings and halo. Pfft

Pinagmasdan ko siya at napatigil sa pagpupunas, magandang mukha, matangos na ilong, bilugang mga pisngi, mahabang pilik mata at

At

Kissable lips.. napakaganda ng korte ng kanyang labi , parang katulad ng sa mga manika. Mapula-pula at makintab.

Napatigil ako sa aking iniisip ng marinig ko siyang nag salita.

" alam kong maganda ako, pero wag mo naman akong pagmasdan masyado. I might melt you know"

Nakangising sabi niya sabay bukas ng kanyang mga mata.

Bigla naman akong namula.. kahit hindi ko nakikita alam kong namumula ramdam ko kasi eh.

" H-hoy hindi kaya kita tinitignan dyan "

Agad na kumunot ang noo ko at nagpatuloy na lang sa pagpunas sa kanya para hindi mahalatang nagsisinungaling ako

Tumawa na lang siya

" haaaay nako B2.. I know you very well, kilala kita may pagnanasa ka sakin noon pa man pfft "

Sabi ni Mich habang nagpipigil ng tawa.

Hindi na lamang ako umimik.

Bigla na lang akong nagulat ng hawakan niya iyong mga kamay kong pumupunas sa kanya at saka siya tumingin sakin ng seryoso.

" salamat "

Agad na kumunot ang noo ko sa narinig.. salamat? Salamat para saan.. para dito sa ginagawa ko sa kanya ngayon?

" salamat saan Mich? "
Nagtataka kong tanong sa kanya

Bigla siyang ngumiti

" salamat sa LAHAT-LAHAT Lance "









Tip: May mga bagay na kailangan nating ipaliwanag upang mas maintindihan nila ang gusto nating sabihin. Mahalagang pakinggan ang paliwanag ng isang tao upang malaman mo kung ano yung TOTOO.












-ellimaCutie

Don't forget to leave Vote and Comment.. salamat😘

A/N: miss niyo na ba ang "JMCM"?
Hahaha wait wait lang kayo😅 (1181 words)

Xoxo:*

Secretly Inlove With My Bestfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now