SIWMB 14: ❤ DATE (1)

2.4K 96 0
                                    

JM P.O.V

Kanina pa akong nandito sa may harap ng salamin.. hindi ko malaman kung ano ba ang isusuot ko

Para naman akong babae nito sh*t

Napatingin na lang ako sa may kama, nagkalat na mga t-shirts, polo, pants, sapatos.. ang nakita ko -_____-
*sigh*

Napaupo na lang ako, hindi ko talaga alam kung anong isusuot ko hindi naman ako ganito eh.

Tok tok tok

" pasok! "

Pagkabukas ng pinto.. nakita kong pumasok yung kapatid ko, si Avril.
Avril Shanice Natividad ang full name niya.

Nagulat pa nga siya nung makita niya yung mga damit kong nakakalat sa kama at meron pa sa sahig.. tsk!

" kuya, ano ba naman itong kwarto mo? Bakit ganyan itsura mo? Anong nangyari ha kuya? May nangyari ba? "

-________- sunod sunod na tanong niya
sakin.

" may lakad kasi ako Avril.. at pwede isa isa lang ang tanong? Mahina ang kalaban ok? "

Pagtingin ko sa kanya abot tenga na ang ngiti.. nag mu-mukha na siyang aso eh, Kumunot naman ang noo ko sa pagkakangiti niyang iyon.

" uuyyyy.. si kuya, may date kayo ni ate Charity no? Sabi ko na nga ba may gusto ka sa kanya, ayyiieee"
Panunukso niya sakin,

Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niyang iyon
si CM ka-date ko? Nagpapatawa ba siya.. eh bestfriend ko yun eh

" are you joking me? CM is my bestfriend not my girlfriend "

Bigla namang nawala ang ngiti niya at biglang tumaas ang kilay

Tignan mo ito hindi malaman kung anong ugali.

" porke't bestfriend hindi na pwedeng maging bestfriend? Eh kung hindi si ate Charity ang ka-date mo kuya, sino? "

Ganyan na talaga ugali niyang kapatid kong iyan,
Pabago bago.. kaya hindi nako magtataka kapag tumandang dalaga ito pfft, naalala ko bigla si CM parehas na parehas kasi sila ng ugali ni Avril eh

Kaya siguro gustong gusto siya ni Avril, parehas silang childish pfft

" bakit ka tumatawa kuya? Sino sabi yung ka-date mo ha? "

Ayan isa pa iyang ugali niyang iyan.. lahat na lang ng bagay napapansin niya, madali niyang mabasa ang isip ng tao may sa mangkukulam ata itong kapatid ko.

" wala.. si Margarette ang ka-date ko, yung nililigawan ko "

Plain na sabi ko sa kanya

Pagkasabi ko nun..nagulat na lang ako nung bigla nalang niyang ipinadyak-padyak sa floor ang paa niya,

Ganito siya kapag nagta-tantrums, sanay nako

" kuya! Bakit si Margarette ha? Nililigawan mo? Ayoko dun! "

Umirap pa siya sakin pagkatapos niyang sabihin iyon.

Expect ko ng aayawan niya si Margarette.. ewan ko diyan kung bakit ayaw niya kay Margarette, ang sabi niya sakin maarte daw si Margarette. Pero hindi naman mabait nga siya eh.

" bakit ba ayaw mo kay Margarette ha? Mabait naman siya eh "

Mas lalo pa siyang umirap sakin at inilagay pa ang dalawang kamay sa may bandang tiyan.. sa tayo niyang iyon parang siya pa ang mas matanda saming dalawa =______=

" mabait? Si Margarette mabait, yun ang akala mo kuya .. diyan kana nga aalis nako pupunta ako sa school namin may gagawin kaming project. Ikaw rin umalis kana at makipag-date sa girlfriend mong malaki ang mata! "

Aba't ito talagang batang ito.. napaka sutil
Palibhasa na-spoiled kasi nina mom and dad eh. Tss

" hoy Avril! Gumalang ka nga, mas matanda ako sayo! "

Sigaw ko sa kanya
napatayo ako sa inuupuan ko at nakita kong pababa na siya ng hagdan kaya humarap siya sakin at inirapan lang ako.

Talaga nga naman.. tsk tsk tsk
Napailing na lang ako at pumasok na ulit sa may kwarto

Tinignan ko ulit yung nakalapag na mga damit sa kama ko.. at pumili na
ng isusuot ko para sa date namin ni Margarette. Hayaan na kung alin dito mahalaga magmukha akong tao

Nung makapili nako pumasok nako sa CR para makapag-palit.

Simpleng damit at pants lang ang napili ko

Pagtingin ko sa orasan 9:30 a.m palang tamang tama saktong 10 nandun nako sa kanila. Susunduin ko kasi si Margarette sa kanila

Nagmadali nakong bumaba at dali-daling pumunta na sa kotse ko.

This day is very special, because today is the day that I will ask her if she's ready to be my girlfriend. Alam kong masyadong madali but hindi nako makapaghintay.

Sa tuwing may lalapit sa kanyang mga lalaki nagseselos ako at wala naman akong karapatan para palayuin yong mga iyon kay Margarette. Pero kung kami na may karapatan nako sa kanya. Mas mapo-protektahan ko siya.

Kaya naman Im ready to ask her if she already wants me to be his boyfriend ^______^







Tip: wala namang masamang magselos.. dahil wala namang patakaran dito sa mundo na papatayin ang isang tao kapag nagselos ito, natural lang na mag selos kung nagmamahal ka.








-ellimaCutie

Vote and Comment Guys
Salamat ng marami (790 words)

Xoxo:*

Secretly Inlove With My Bestfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now