Chapter 37.1.3

320K 4.2K 126
                                    

CHAPTER 37.1.3

ADISON

Nagdaan ang ilang linggo bago pa man kami makabalita kay Winona. Iyon nga lang, ang nakakalungkot na balita ay mukhang maghihiwalay na sila. Hindi na kinaya ni Winona ang pinaggagagawa ng asawa niya gayong wala naman siyang ginagawang masama talaga. Tamang iyak lang siya nang iyak sa aming mag-asawa noong ikinukuwento niya iyon. Nakakalungkot lang dahil ramdam ko kung gaano siya nagpakatanga sa pagmamahal niya kay Pierce.

Haist... Iba-iba talaga ang mga lalaki. Buti na lang talaga at prince charming si Sebastian at hindi palaka. Buti na lang talaga.

Papunta ako sa ob-gyne para sana sa contraceptive injection ko. Pero ewan ko ba kung ano ang pumasok sa kukote ko at sa halip kasi na magpa-inject ako ay nagpacheck-up ako kung possible ba akong magbuntis. So far, positibo naman ang sinabi sa akin ng OB ko. Hindi ko pa rin alam ang pinapasok ko. Pero ewan ko ba... Bahala na!

Pagkauwi ko galing ng ob-gyne ay naabutan ko na ang asawa kong halos kadarating lang din pala galing ng opisina. Susunduin talaga niya ako sa OB ko, pero tumanggi na lang din ako at pauwi na rin naman ako. Wala naman din akong balak sabihin sa kanya na hindi na ako nagpa-inject. Ang dami kasing pumapasok sa utak ko.

What if hindi ako mabuntis agad? What if hindi ko pa kayaning maging Mommy? Haist... Puro what ifs na lang. Ayoko lang din masyadong umasa ang asawa ko. Bahala na si batman kung mabubuntis man ako.

"Hey, Baby... Are you okay?"

Huh? Bakit ano ba hitsura ko?

"I-I'm okay... Bakit mo naman naitanong?" kinakabahang tanong ko pa habang nakakunot-noo. Halos kakatapos lang namin mag-dinner at ngayon nga ay parehas kaming nakasandal sa headboard ng bed at nanonood.

"You seemed space-out. May nangyari ba?" nag-alala pang tanong niya sabay hawak sa kamay ko at hinalikan pa niya iyon.

"Wala naman. Pagod lang siguro." Tipid akong ngumiti at mahigpit na yumakap sa kanya.

"Hmm... Something is definitely bugging you. You can tell me..." Hinagud-hagod pa niya ang likod ko.

"Wala..." Bahagya pa akong umiling. "Pagod nga lang 'to." Tiningala ko siya at banayad na pinisil ang kanyang pisngi.

"Are you sure?" Ikiniskis lang niya ang ilong niya sa akin.

"Yes..." tumatangong sagot ko sabay kabig sa kanyang batok para halikan siya.

He immediately tilted his head to deepen our kiss and gently held me on my nape.

God, this is it. Alam kong d'un na kami papunta ng asawa ko sa klase nang paghalik niya sa akin. Parang virgin lang, pero kinakabahan talaga ako. Shit.

"A-re you alright, Baby?" nag-aalangan pa siyang huminto at mataman akong tinitigan sa mukha.

"I-I'm f-ine..."

Shit. Ngayon pa ba ako mabulol?

"Hmm..." Bahagya pa siyang lumayo sa akin at tinitigan na naman ako. Para bang may kung ano siyang hinahanap sa reaksyon ko.

But no. I can't tell him.

"You look pretty tensed... Tell me, what's bugging you?"

"Pagod lang talaga, okay..." Napabuntong-hininga lang ako.

I don't want to tell him na unprotected na ako.

"Sige na nga kung hindi mo kaya okay lang..."

W-hat? Anong hindi kaya?!

Agad siyang humiwalay sa akin at bumalik sa pagkakasandal sa headboard ng bed.

"Uhm, Baby... Okay lang ako."

Pati yata punong-tainga ko ay nag-iinit!

"Sabi mo pagod ka. Okay lang na diet ako today. Magpahinga ka na lang muna." Mapait pa siyang ngumiti at pinisil lang ang aking pisngi.

Jusko! Ayaw ko namang mag-diet!

"Come on. Go to sleep." Ibinuka pa niya ang kanyang braso para i-accommodate ako.

Sabi nang ayoko nga mag-diet!

Pero sa halip na sundin ko siya ay umupo ako sa may bandang puson niya at tinunton ang hem ng sandong suot niya.

"Whoa... Whoa..." gulat pang nasambit niya. "I thought pagod ka. What are you doing?" Alanganin pa siyang napangiti lalo pa nga't hindi ko naman ugali ang magpaka-aggressive sa kanya.

"Pagod ako, yes! Pero ayokong mag-diet!" Sinimangutan ko siya at ako naman ang naghubad ng nighties na suot ko. As in panty lang ang itinira ko!

"You amazed me," natatawa pang aniya sabay kabig sa akin palapit kaya't halos nakadantay na rin ang boobs ko sa kanyang dibdib. We are so near that his hot breath is almost fanning my face.

"I need this connection with you, Baby... I need to feel you..." Hindi ko na rin naman ipinagkaila ang nararamdaman ko. Asawa ko naman siya. Wala naman sigurong masama kung open ako pagdating doon.

"I need you too, Baby. Believe me, ayoko ring mag-diet," nakangising sabi panniya. "But at times you're not into it, tell me, okay?"

"Aish! Tigas ng ulo! Ayoko nga mag-diet, 'di ba?" Umismid ako at mas lalo lang siyang natawa.

"Fine... Madali naman akong kausap." Ipinulupot niya ang kanyang mga kamay sa aking katawan at muli akong hinalikan.

At ano pa nga bang kapupuntahan naming mag-asawa? Gosh, natural lover ang asawa ko sa kama. He's way too irresistible. At kahit yata may sakit ako ay hahanap-hanapin ng katawan ko ang asawa ko.

I am under his spell at mukhang hindi ko na rin ito makokontra pa. And yeah, ayoko rin nga palang kontrahin dahil gusto kong maging under his spell for the rest of my life.


LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon