Chapter 12.1.2

471K 4.8K 72
                                    

CHAPTER 12.1.2

ADISON

Pupungas-pungas akong bumangon sa bed at nag-inat ng mga braso. Pero ganoon na lang din ang panlalaki ng aking mga mata nang mapagtantong wala ako sa aking kwarto. Shit. Nakatulog na naman pala ako sa bed niya! Baka nahiya lang siyang gisingin ako...

Ugh, Ady!

Nilingon ko ang desk clock, it's only 6:30 in the morning. Nasa banyo pa kaya siya? Bumangon ako sa bed at ipinulupot ang kumot sa aking katawan. Nakaayos ang long gown sa wooden chair pati na rin angaking lingerie. Lumapit ako sa closet ni Sebastian at nagbuklat ng t-shirt at brief na puwede kong isuot. Sana ay hindi niya mahalatang may nawawala na sa mga briefs niya! Just the thought made me grinned like a crazy fool.

"What are you doing?"

Napalundag ako sa sobrang gulat at mabilis na nasapo ang aking dibdib.

"Ginulat mo naman ako!" nakairap na sabi ko at wala sa sariling pinagmasdan ang kanyang matipunong katawan.

Damn, he's hot!

"What are you looking on my closet?" nagtatakang tanong pa niya sabay kunot-noong humakbang palapit sa akin. Nang tuluyan siyang makalapit ay pinigilan ko ang mapapikit. He smelled so good...

"Uhm..."

Nahihiya kong iniangat ang kanyang brief at mariing kinagat ang aking labi.

"Hmm?" Taas ang kilay niyang tumitig sa hawak kong brief niya bago magbalik nang tingin sa akin.

"Ayoko na kasi isuot ang panty ko. Ayokorin namang lumabas na ganito lang papunta sa kwarto ko."

"You're going to wear my brief?" he asked, looking bemused.

"S-sana..." nakangiwi pang sagot ko." Okay lang ba?"

"Bakit ka pa nagpapaalam sa akin? May ginamit ka na ngang isa,'di ba?" natatawa pang aniya.

"Huh?" Alam niya?!

"Believe me. Alam ko kapag may nawawala sa mga gamit ko." He smirked.

"You're not mad?" alanganin pang tanong ko.

"I am not," mabilis pang sagot niya sabay harap sa kanyang closet para kumuha nang isusuot pang-opisina." Are you going to watch me get dress?"

"Nope!" Mabilis akong umiling. "I want you without it," pilya pang sagot ko bagomagdiretso sa banyo. Hindi ko na alam kung ano ang kanyang reaction, pero hindi ko maiwasang matawa sa kalokahan ko. At dahil nasa banyo na lang din ako ay naligo na rin ako.

Hindi naman ako nagtagal sa paliligo at gusto ko pang makita si Sebastian bago pumasok sa opisina. Suot ko na ang kanyang t-shirt at brief. At dahil alam kong hindi niya magugustuhang wala akong bra sa harap ni Spencer ay isinuot ko na lang ulit ang kagabing suot ko. Mamaya na lang ako magpapalit sa kwarto ko. Saktong paglabas ko sa kanyang kwarto ay naabutan ko siyang naghihintay sa dining table.

I swear, hindi ko pagsasawaan ang kagwapuhang iyon ni Sebastian.

"Hello..." malambing pang bati ko.

Sino bang hindi ma-iinlove kay Sebastian?

He's good looking.

He's rich.

He's sweet.

He's possessive and I love him...

God, I love him!

Am I in big trouble now?

"Hey, gorgeous..." He smiled sweetly. "Sabay na tayong mag-breakfast."

"Buti naman hinintay mo pa ako. "Naupo ako sa kanyang tabi atinipitsaaking legs ang kanyang t-shirt upang hindi ako makitaan.

"Baka kasi gabihin ako nang uwi mamaya. May naka-set akong meeting out-of-town."

"Huh? Out-of-town?" Hindi ko naiwasang madismaya at malungkot.

"Yeah. So, 'wag mo na ako hintayin. I think late na talaga ako makakauwi," he said casually. Parang sa akin lang big deal ang pag-alis niyang iyon.

Jeez, Ady. Gagabihin lang nang uwi napa-praning ka na?

Umupo ako nang maayos at pilit na itinuon ang atensyon ko sa pagkain. Simpleng fried rice, sunny side up egg and bacon ang nakagayak na breakfast namin. Sobrang fan yata siya ng bacon dahil hindi iyon nawawala tuwing umaga. Black coffee ang nakalaman sa kanyang mug at hot chocolate naman ang sa akin.

"Where?" pasimpleng tanong ko bago magsimulang kumain.

"Baguio," tipid namang sagot niya habang pinapasadahan nang tingin ang suot kong t-shirt.

"Ang layo naman..."

"We'll be using the helicopter."

"Whoa... You're helicopter?"

Laglag ang panga kong napatitig sa kanya. Ilang businessman ang kagaya niyang may sariling helicopter?! I didn't imagine that he could really be that rich.

You're one lucky lad, Ady!

"My helicopter." Umismid siya bago nagtuloy sa pagkain. "Would you like Norma to keep you company?" Sinulyapan niya si Tita Norma na ngumiti lang.

"No, I'll be fine," tipid namang sagot ko.

"Okay..." Tumangu-tango siya at nagpatuloy ulit sa pagkain.

"I'll just call you kung maaga man akong makakauwi later, huh." Pinisil niya ang aking pisngi. Tinulungan ko na rin siyang isuot ang kanyang coat.

"Okay..." Tumangu-tango ako. "Mag-iingat ka, okay?"

"I will." Ngumiti siya at nakakalokong inangat ang t-shirt ko. "Suot mo talaga..." Napapailing pang sabi niya nang makitang suot ko talaga ang brief niya.

"Yeah..." Nag-init nang husto ang aking pisngi at kahit pa may nagaganap na sa pagitan naming dalawa ay nakakahiya pa rin ang gan'un.

"As much as I want to take you in bed, I'm running late. Again." He sighed and grabbed his attaché case.

"Ingat ka, huh. I'll miss you."

"Male-late lang ako nang uwi. I won't be gone long," natatawa pang sabi niya.

O. A. ko lang.

"I know... Mamimiss lang naman kita."

"I'll miss..." Mas lumapit siya sa akin and he cupped my center. Oh my... "...this" He grinned devilishly.

Umawang ang aking labi at pilit na pinaglabanan ang kuryenteng mabilis na nanulay sa aking buong katawan.

"Ohh..."

"Call me," nangingiti sabi niya sabay halik nang mabilis sa labi ko. "I'm going..."

Tumango ako at inihatid siya sa main door habang mahigpit na magkahawak ang aming mga kamay.

"Bye, Baby..." paalam pa niya sabay mabilis akong kinudlitan nang halik sa labi bago pa man siya sumakay sa elevator.

Hindi ko napigil ang pagsilay nang ngiti sa aking labi dahil sa hindi ko maipaliwanag na kilig.

Sobrang sarap sa pakiramdam.

Dapat ko bang pigilan 'to?

Dapat ba akong umasa na mamahalin din niya ako?

Paano nga kung hindi niya magawa?

Masasaktan lang ako.

Paniguradong ako lang ang iiyak sa huli kapag hindi ko pinigilan 'to.

What to do?!

Think hard, Ady!

Think really hard! 

LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon