Chapter 3.1.2

565K 6.5K 239
                                    

CHAPTER 3.1.2

SEBASTIAN


That kiss...

That fucking kiss with Adison!

Damn it!

It wasn't like I didn'tkiss anyone like that before,but there was something about her that I couldn't explain. I needed to ask her... Pumayag kaya siya?Mukhang experienced naman siya. She knew exactly how to drive me crazy.

"Sir..." Si Spencer." Eto na po ang schedule ni Ms. Lane sa school." Inabot niya ang piraso ng papel kung saan naka-print ang schedule ni Adison sa school. He was really good at these.

"Thanks, Spencer." I nodded and he immediately left my office.

I scanned her schedule and smiled with the thoughts.

Good.

Maaga ang labas niya mamaya. Tonight, I'll ask her...Pero hindi kaya masyadong mabilis?O mas mabuti kaya kung pakiramdaman ko muna?Why is this hard?! Ugh! It was never this hard! Ngayon lang!

You're going nuts, Sebastian.

What if she rejectsme?! But she likes me! She let me kissed her! Oh jeez!

Snap out of it and work! Damn it!

Ito na siguro ang pinakanakakainip na araw para sa akin. The moment I laid my eyes to Adison, I totally lost it. Spencer had this weird grinned on his face every damn time he looked at me. Jeez, am I acting like a teenager now, eh?

Tulad nang nasa plano ay dumiretso kami ni Spencer sa school ni Adison. Naghintay ako sa lugar na alam kong makikita ko siya kaagad. Karamihan sa mga dumaraan ay nagtataka siguro sa aking presensya. A lot of pretty girls are walking by, but my attention was fixed to this girl walking towards me. Agad na rumehistro ang gulat sa kanyang mga mata nang masalubong ang titig ko. Parang na-concious siyang bigla sa kanyang hitsura at bahagya pang pinasadahan ng mga daliri ang nakalugay niyang buhok.

"Mr. Greene..." gulat pang bungad niya nang tuluyan na siyang makalapit sa aking kinatatayuan.

"Hi..." I smiled sweetly. I knew she can never resist me.

"Are you stalking me?" natatawa pang tanong niya at bahagya pang napasulyap sa aming paligid.

"Whatever you wanted to call it, I don't care," nakangiti rin namang sagot ko." Dinner?" Isinuksok ko ang aking mga kamay sa bulsa at pinanood ang ekspresyon ng kanyang magandang mukha. She's beautiful even without make-up. I am one lucky guy.

"Uhm..." Sumulyap pa siya sa mga babaeng naghahagikhikan habang nakatingin sa akin, but I made sure she got all my attention." Early dinner, you mean?"

"Yes." Tumango ako.

"Pero okay lang ba itong suot ko?" alanganin pang tanong niya. She's wearing a black jeans, body fitted blouse and a wedge shoes?I think that's how they called it.

"You lookedamazingly fine." I said while offering my right arm to her.

Alanganin man noong una ay kumapit rin siya sa aking braso papunta sa aking sasakyan na hindi naman kalayuan ang pinagpaparadahan.

Maaga pa lang ay may reservation na ako sa isang fine dining restaurant at naka-private room kami. Karaniwan ay dito ko dinadala ang mga babaeng pumapayag sa set-up ko. Bato na nga yata ang puso ko dahil kahit iyakan pa ako ng babae basta't ayaw ko na, iyon na 'yun. Para sa akin ay pare-parehas lang sila. Hindi madaling makuntento sa buhay. Kung ano man ako ngayon iyon ay dahil na rin sa pagsisikap kong iangat ang aking sarili. Hindi ko na gustong maramdaman na yurakan ang aking pagkatao dahil lang sa wala akong maibigay. At karaniwan naman sa mga babaeng ginamit ko ay pera lang din ang naging katapat.

LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon