“Ipagpalagay nalang natin.. Oo maraming maganda dun, pero may mas gaganda pa ba sa’yo?” kinilig naman ako dun sa sinabi niya, tapos niyakap niya ako. Parang ayoko na lang na matapos ang gabing ito.

********************

Maaga akong nagising kinabukasan. 5am pa lang.

Nakatunga-nga lang ako na nakatingin sa kawalan, iniisip ko pa rin kung ano ang iniisip ko kagabi pa. mga bagay na hindi ko alam kung saan tutungo o kung ano ang gagawin ngayong aalis na siya.

“JAZMYN!!!” bumalik naman and diwa ko ng napansin kong nakamasid lang si Mamu at sinisigawan ako. “Kanina pa kita tinatawag ah. Nakatumulala ka lang diyan. Aba kumilos ka na.” saka tumalikod.

Ngayon nap ala ako aalis. Ngayong araw na ito iiwan ko na ang lugar na kinalikhan ko. Ngayong araw na ito Magpapaalam ako sa taong minamahal ko.

Napayakap ako sa sarili ko. Kung bakit ba kasi kailangan na magkalayo kami.

Binalikan ako uli ni Mamu sa kwarto ng napansin niya sigurong hindi pa ako kumikilos. At yun sing bilis pa sa kidlat ang ginawa ko. Naligo, nagbihis, nag-suklay, lahat-lahat.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Ang dami na palang nagbago sa sarili ko, tulad ng pagiging inlove. Napaisip tuloy ako, Papano ba ba lahat pag wala na siya? Ganito pa rin ba ka-saya? Kaganda ang buhay?

“Ate! Tulala ka na naman.”

“Uy! Kathryn..” wala sa mood na sagot ko.

“Ate gusto kitang mamiss ngayon na. pero, iniisip ko pa lang ang benefits kung aalis ka.. nakuuuu! Choo! Choo! Na.” ang sama nito. Binatukan ko nga.

Nasimangot naman ako. Itong si Kathryn ang bata pa ring mag-isip. Palibhasa 1st year high school pa kasi.

“Pero sa totoo.. parang maiiyak na ako eh. Kasi aalis ka na. wala na akong tagapagtanggol. Wala na akong ate.. wala ng manga-ngaway sa mga kaaway ko. Higit sa lahat wala na akong Best Friend.” Sabi niya na niyakap ako.

Hinaplos ko naman ang buhok niya. Dahil hindi ko naman talaga ugali ang magpaka-drama hindi ko na siya sinagot.. siguro naman tama na yung mga gestures ko na.. mamimiss ko rin siya.

Saglit lang si Mamu naman na ang pumasok. Nagda-drama.

Tulad ng ginawa ni Kath, parehas lang naman ang ginawa ko eh. Yun. Yung hindi nagsasalita. Napipipi.

Minsan nga, naiisip ko na ang sama ko naming Apo o kapatid. Kasi hindi ko binibigyan ng pansin ang sinasabi at ginagawa nila tapos, pag yung mga friends ko yung nag-gaganito I’d be like the cheesiest friend ever. Pero kahhit ganun importante naman sila.  Hindi nga lang halata.

“Ma, Pahiram naman ng Phone.”

“Na naman?” si Kath. Nangingialam pa eh, piningot ko nga.

“Bakit? Wala ka bang Load?” Si Mamu.

Wala. Wala kasi ayoko na naiiyak ako na binabasa at nirereplyan ko ang mga text niyo.

Umiling ako. Hindi naman madamot si Mamu e, kaya binigay niya agad ang phone niya. Nag-offer pa nga siya na papasahan na lang daw ako ng load pero ako yung umayaw. Himala daw.

Tinext ko si Jed.

‘ui! Aalis na ako.’ Yan lang sinabi ko pero para akong tanga na naghihintay ng text niya. Ang labo naman. Akala ko pa naman okay pa kami kasi nga magkasama pa kami kagabi. Nagkukulitan. Pero wala talaga eh.

5 minutes…

8 minutes…

10…

13…

15…

Ano bay an!? 15 minutes na wala pa rin siyang reply. At hindi na talaga ako mapakali nun.

“Jazmyn! Andiyan na si Tito mo. Aalis na daw kayo.” Si Mamu.

Nilingon ko siya tapos tinignan ko ang phone na hawak-hawak ko. Wala pa rin siyang reply. Nagdadalwang isip na tuloy akong umalis.

Parang nabasa naman ni Mamu ang iniisip ko.

“Baka tulog pa yun.”

Nginitian ko siya, pero pilit.

 Tumayo naman si Mamu sa likod ko katapos sinusuklay niya ng daliri niya ang buhok ko.

“Wag kang mag-alala. Kung mahal ka nun maghihintay siya. At kung kayo talaga ang para sa isa’t isa kahit ano pang pagsubok ang dadating kayo talaga.” Nginitian ko naman uli siya this time totoo na..

Sana nga.. Sana nga makapag-hintay siya..

Til Death Do us Part [Under Construction]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora