Chapter 36.1.4

Magsimula sa umpisa
                                    

At ano pa nga bang i-expect sa asawa ko?

Yes, we made love.

A lot of times actually...

Talagang bumawi sa mga nakakaraang hindi kami nagkakatabi.

Pasaway talaga...

Medyo naloka lang ako sa supposedly vacation naming mag-asawa dahil sa totoo lang ay parang ginawa lang kaming babysitter ni Winona sa mga anak niya. Kinahapunan pa siya dumating sa resort kasama ang husband niya.

I think medyo familiar ang husband niya, pero hindi ko na lang din matandaan kung saan ko ba siya nakita.

"Adison? Is that you?" manghang tanong pa ng asawa niya habang minumukhaan ako.

What? Kilala nga niya ako? Huh?

"You knew each other?" nagtatakang tanong pa ni Winona. Kunot-noo namang napatitig lang din sa akin ang asawa ko.

Familiar siya, pero wala akong maalala.

"Huh? Err... Sorry... Do I know you?" nahihiya pang balik tanong ko. Hindi ko naman talaga maalala.

"It's me, Pierce," nakangiti pa niyang pakilala sa sarili habang titig na titig sa akin.

Pierce? Oh... Pierce... Shit...

"Pierce Regalado." Laglag ang panga kong tumitig sa kanyang mukha. He changed a lot. Kaya pala halos hindi ko siya makilala!

"Oh my Gad, Pierce! Whoa! You looked mature, pero gwapo ka pa rin, huh," gulat pang sabi ko habang hindi ko pa rin maalis ang titig sa kanya.

Bukod sa childhood sweetheart ko si Pierce ay may gatas pa ako sa labi noong maging kami. Pero hanggang doon lang dahil nga I was only... What? 17 yata.

"Yeah, well..." He shrugged kasabay ang matamis na ngiti.

Kung sa kagwapuhan lang ay hindi pahuhuli si Pierce kay Sebastian. Mas matangkad lang nang kaunti ang aking asawa, pero halos magkasing built ng katawan. Mukha rin siyang mature nang kaunti sa edad niya dahil na rin siguro sa tila ilang araw na hindi pag-aahit.

"So, you knew each other?" tanong pa ni Winona na kunot-noo pa rin.

"Childhood friends kami ni Adison. Dati ring namasukang katulong ang mother niya sa family namin noon sa province," paliwanag ni Pierce.

Sana naman ay wala na siyang sabihing hindi naman na kailangan.

"Ooh. . ." Tumangu-tango naman si Winona. "What a small world, huh?"

"Yeah... Small world," sabi rin naman ng asawa ko na parang nagseselos na hindi pa man.

Jealousy is all over his face.

"Really small world!" natatawa pang sabi ni Pierce. "I think she's only 16 or 17 noong maging girlfriend ko siya. But she's very young way back then and 'yun na nga nanirahan na kami abroad kaya nagkahiwalay kami."

Literal na natigilan kaming lahat sa kuwento niyang iyon.

Ang sarap niyang putulan ng dila! One thing na inayawan ko sa kanya noon, kiss and tell siya! Kalukring na lalaki 'to!

"Oh, first love?" sarcastic pang sabi ng aking asawa. That look from my husband... Haist...

"Matagal na panahon na 'yun at bata pa ako," protesta ko pa.

Mainit ang pakiramdam ko sa aking pisngi. Si Winona naman ay parang nabago ang mukha sa sinabi nang madaldal niyang asawa!

"Pero I must commend you, Adison. Ang suwerte mo at napangasawa mo ang isa sa richest bachelor in Asia."

"I am the lucky one, I guess," sagot naman din ng asawa ko na medyo mas seryoso ang ekspresyon ng mukha. 'Yung ganoong reaksyon niya ay karaniwang nakikita ko kapag kasamahan sa negosyo ang kausap.

"You both are," nakangiting sagot naman ni Pierce sabay akbay kay Winona. "By the way, thank you sa pag-babysit sa mga bagets naming, huh. May emergency lang kaya hindi kami nakauwi kaagad ni wifey."

"They are adorable kids. Okay lang naman sila alagaan," sagot ko naman sabay yakap na rin sa baywang nang tahimik kong asawa.

Mabait naman sana si Pierce, pero iyon nga lang, nakakaturn-off talaga ang pagiging vocal at out-of-line niya magsalita. Bigla tuloy akong napaisip kung ano ba nagustuhan ko sa kanya noon? Wala yata akong maisip...

"Sus... Sweet ka na pala ngayon, huh. Dati kasi hindi, e," sabi ulit ni Pierce. I tried really hard not to roll my eyes.

God, ang daldal pa rin niya! Hindi na nakakatuwa!

"Kung ganyan ka dati, e, baka tayo nagkatuluyan ngayon!" dagdag pa niya na nakapagpabigat sa paghinga ni Sebastian.

He didn't appreciate the joke.

I hate it.

"I was just kidding, okay?" bawi rin naman niya habang tawa nang tawa. Pero parang siya lang ang natawa sa joke niya. Kahit naman si Winona ay naiirita ang hitsura na ewan.

Humigpit ang hawak ng asawa ko sa aking balikat. Hindi man siya magsalita ay alam kong hindi niya nagugustuhan ang asta ni Pierce!

"Seb, Ady... Thanks sa pag-babysit kina Chloe at Xander, huh. Pasensya na talaga. May one day pa kayong i-enjoy ang beach. Sorry talaga," apologetic pang sabi ni Winona.

"Oo nga. Sa wakas ay may quality time na kami ng wife ko," sagot naman din ni Sebastian.

I don't know kung naiisip ko lang or what, pero parang may tigas ang pagkakasabi niya ng wife ko.

"Kami nga rin. We planned to get nude on the beach later," nakakaloko pang sabi ni Pierce kay Winona.

Mas manyak pa ang hitsura niya noong sabihin niya 'yun sa asawa niya. Buti na lang talaga at hindi kami nagkatuluyan ng lokong 'to.

"Sira!" Tinapik ni Winona ang asawa niya sa tagiliran, pero parang napipilitan lang na ewan.

"We'll drink all night later kapag tulog na mga bagets, huh. Walang KJ!" dagdag pa ni Pierce sabay tapik din sa balikat ng asawa ko.

"Sure," mapaklang sagot lang ni Sebastian.

Alam kong napilitan lang siyang sumagot. Sino ba naman kasing matutuwa sa humor ni Pierce? Wala pa rin talaga siyang pinagbago. Maangas at madaldal talaga! I wonder kung bakit nakatuluyan ni Winona 'to?

After that small talk with them ay lumayo muna kami sa kanila.



********

A/N:

Mga Bunso, 6 parts na lang to then epilogue na ha.  Thank u so much sa pagmamahal ninyong lahat at sa walang sawang nagmemensahe sa akin.  Naa-appreciate ko po kayong lahat ng sobra.  Mahal ko kayo!  Kawai! Kawai!

<3 ate dean

LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon