Hmm... Sabi naman niya hindi siya magpapagabi, a? Pero bakit wala pa rin siya?

Ewan ko ba kung ano ang pumasok sa kukote ko at naisipan kong bumaba sa lobby. Nakamata lang naman sa akin si Raul noon na nag-perimeter check. May pailan-ilan din na nakatambay sa lobby na puro halos kaedaran ko lang. Kinakabahan akong naupo sa bakanteng sofa at itinuon ang buong atensyon sa main entrance.

Hindi naman din ako masyadong nagtagal sa paghihintay nang matanawan ko ang asawa ko na may kasamang babae?!

Don't tell me, babae ang friend na sinasabi niya?!

You've got to be kidding me!

Dumiretso ako nang upo sa sofa at hinintay na mahagip ako nang kanyang paningin. Nang magawi ang tingin sa akin ay agad na gumuhit ang gulat sa kanyang mukha. Pero napalitan rin naman nang ngiti ang pagkagulat niya.

Nakaalalay pa siya sa siko n'ung babaeng yun?! Sino ba 'yun?

"Hello, my wife!" nakangiting bungad pa niya. Buti naman at tinawag niya akong wife sa harapan n'ung babaeng friend niya. Mas gusto ko 'yun!

"Hello, my husband!" masayang bati ko rin naman sa kanya sabay halik sa labi niya.

Yeah, just marking what is mine.

"Oh, by the way..." Binalingan rin naman niya nang tingin 'yung babae na agad naman ding nakangiti sa akin.

Okay, she's not really that bad. Mas maganda nga lang ako sa kanya.

"Baby, this is Winona. Close friend ko siya ng college days," pakilala pa ni Sebastian. Pilit naman akong ngumiti at tumango. "Winona, she's Adison, my beautiful wife."

Good Sebastian...

"Nice to finally meet you, Adison," aniya nang nakangiti pa rin sabay abot ng kanyang kamay.

She seemed nice. Magkakaproblema lang kami kapag may gusto siya sa asawa ko.

"Nice to meet you too, Winona." Tipid akong ngumiti at inabot ang kamay niya.

"She's been living abroad for years now. Ngayon lang ulit kami nagkita." Kuwento pa ng asawa ko na, oh well, glowing?

Huh? Relax, Ady! Wala kang dapat ipagselos sa close friend.

"Oh..." Shit! Say something, Ady! "Married?"

Iyon talaga ang lumabas sa bibig ko?!

"Uhm, yes..." Bahagya pa siyang tumango.

Thank God!

"Tara muna sa penthouse," anyaya ko pa.

"N-aku hindi na muna, Adison. Medyo nahihilo na rin kasi ako. Medyo nakainom kasi kami ni Sebastian."

Huh? Nakipag-inuman ang asawa ko sa close friend niya?! Jeez, bakit ba ganito ang feeling ko? Pakiramdam ko lahat na lang ng babae may pagnanasa sa asawa ko?!

"Maybe next time," nakangiting sabi pa niya.

At may next time pa talaga?

"S-sure..."

I'm not sure of that.

"Are you sure, ayaw mong sa penthouse ka muna mag-stay, may spare room pa naman kami," sabi pa ni Sebastian na muntik nang makapagtaas sa kilay ko.

Oh no, Sebastian!

"I'll be fine at your hotel, Sebastian. At least ngayon alam ko na itong condo unit mo." Namamangha pa niyang iginala ang tingin sa paligid. "I still can't believe na ganito ka na ka-rich. Para kang tumama sa lotto."

LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Where stories live. Discover now