E P I L O G U E

3.7K 136 29
                                    

K I R O

Naramdaman kong gumalaw ang mga mata ko dahil sa sinag ng araw at unti-unti ko itong idinilat. Napatingin agad ako sa paligid ko at wala akong ibang makita kundi kulay puting mga gamit. May malaking bintana sa kanan ko at kulay asul ang kurtina nito.

Umupo ako at naramdaman ko ang mabigat na bagay na nakasuot sa ulo ko. Agad ko itong tinanggal at napatingin ako sa kamay ko. May hose na nakatusok dito.

"N-nasaan ba ako?" bigkas ko. Maya-maya, bumukas ang pinto at may biglang pumasok.

"Ah okay po maraming salamat po--" hindi na niya natapos ang pagsasalita niya nang bigla siyang mapatingin sakin.

"D-Diyos ko... Ares, Ares! Gising ka na!" sigaw ng Kuya ko.

K-kuya ko? Ibig sabihin ba nun nakabalik na ako sa real world? Napangiti ako kasabay ng pagtulo ng luha ko.

"Sa wakas. Sa wakas nakabalik na din ako..."

"Doc! Gising na ang kapatid ko!" tuwang-tuwa na sabi ni Kuya. Agad siyang lumapit at niyakap ako. Sobrang namiss ko ang Kuya ko.

"Tol, nagbalik ka na... hindi ako makapaniwala! Akala ko mawawala ka na sa akin." sabi niya sa akin.

"Oo Kuya. Nandito na ako. Wag ka ng mag-alala, nandito na ako." nakangiting sagot ko sa kanya.

"Kamusta? Anong nararamdaman mo? May masakit pa ba?" natatarantang tanong niya.

"C-chill ka lang Kuya haha. Medyo masakit nalang ng konti ang ulo ko." sagot ko sa kanya.

"Mabuti naman talaga at nagising ka na... Alalang-alala na talaga ako eh. Pero hindi ako sumuko kasi naniniwala akong magbabalik ka din. Salamat din sa hindi mo pagsuko ah? Masayang-masaya ako Ares. Alam mo bang three years kang na-comatose?" sabi ni Kuya.

Three years?! Grabe ang tagal nun!

"T-three years?" di makapaniwalang sabi ko.

"Oo Morven. Three years kang nakahilata at tanging isip mo lang ang gumagana. Mabuti naman at natapos na rin ang FWO. Alam kong pinagbayaran na ng may pakana nito ang lahat. Walang puso ang may gawa sa inyo nito. Maraming tao ang namatay dahil sa kanya." biglang sabi ni Doc.

Tama ka dyan Doc. Oo, malaki nga ang pagkakamali niya. Pero kung titingnan mo, mas grabe pa ang mga pinagdaanan niya. Hindi ko na magawang magalit sa Kuya ni Ashe.

"Lahat naman po ng mga bagay na nangyayari ay may dahilan." tanging sagot ko nalang sa doktor.

"Ang mahalaga, gising ka na." sabi sakin ni kuya at nginitian ko siya. Binuksan ni Kuya ang tv at ibinabalita dito ang pagtatapos ng FWO.

[Reporter: Hindi tayo namamalikmata lang dahil nagbalik na nga talaga ang mga taong sumubok na pasukin ang kilala at pinakasikat na VRMMORPG sa buong mundo. Ito ay ang FWO o sa mas kilala natin sa pangalang Fantasy World Online. Ayon sa mga players, marami silang pinagdaanan sa larong iyon na talaga nga namang buhay nila ang pinaglaban nila. Hindi ito inasahan ng lahat at binansagan pa nga itong survival game na kung saan, kapag namatay ka sa game, patay ka na din sa totoong buhay. Kahit ako, hindi makapaniwala sa mga nangyayaring ito.]

[Reporter: Tatlong iba't-ibang mundo daw ang pinasok nila at ang pinakahuling mundo ang naging, diumano, bangungot at nagbigay ng trauma sa kanila. Talagang makikita niyo, mga kababayan, hindi biro ang kanilang pinagdaanan sa larong ito.]

Habang nagbabalita 'yung reporter, pinapakita sa background ng camera ang mga player na nakaligtas at nagising na din katulad ko. Nagulat nalang ako nang may isang lalaking biglang umagaw ng microphone niya at nagsalita.

FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon