[W.O.S] CHAPTER 15: THE GAME MASTER'S CHANGE OF PLANS

3.2K 153 2
                                    

W I S H (Z E T H)

"Kyle."

"Sir!"

"Sam." (Sam is Mika)

"Sir!"

"Michael." (Michael is Miguel)

"Sir!"

"Clyde." (Clyde is Carl)

"Sir!"

"Zeth."

"Zeth."

"Where's Zeth?!"

"Sir!" sigaw ko. Buti nalang nakahabol ako! Naghe-head count na pala sila.

"Saan ka galing?" tanong ng leader sa'kin.

"Ah-- sir! Sa cr po." sabi ko sa kanya. Natawa siya.

"Is that so? Okay let's continue." sabi niya at pumila na ako. Buti nalang hindi siya bad mood ngayon kundi patay ako.

"Bakit ang tagal mo? Muntik ka na dun ah. Nasaan si Kiro?" bulong sa'kin ni kuya Carl.

"Nagpaiwan siya." nakayukong sabi ko.

"Ano? Alam niya ba ang pwedeng mangyari sa kanya pag nagkataon?" bulong niya uli. Alam kong nag-aalala rin si kuya Carl kay Kiro ngayon.

"Yun na nga eh--" napatahimik ako nang biglang sumingit sa usapan namin 'yung leader.

"Mukhang maganda pinag-uusapan niyo ah. Share niyo naman." sabi niya. Ngayon ko lang napansin na tapos na pala siya magbilang.

"Wala po 'to sir, hindi naman po importante. Pasensya na po." sabi ni kuya Carl.

"Wala nga ba talaga Zeth?" pag-uulit niya.

"Y-yes sir." sagot ko sa kanya. Kinakabahan ako. Ngayon lang ako nakapagsinungaling ng ganito sa buong buhay ko.

Tumango nalang siya at pumunta na sa harap. Di ko na rin pinapakita na hindi ako komportable para di nila mahalata.

"Alright! Ito unang araw na hindi na tayo kikilos sa pansarili lamang dahil ngayon, isa na tayong grupo. Ako ang nahalal na maging leader niyo upang maging gabay niyo sa mundong ito. Ako rin ang mangunguna sa lahat at sa mga darating na pangyayari. Digmaan man o kahit saan. Nawa sana maging matagumpay ang ating hangarin at matuklas kung sino talaga ang nasa likod ng mga pangyayaring ito. Nawa sana magtulungan tayong lahat." sabi niya at nagsipalakpakan ang mga tao.

"Bibigyan ko kayo ng sampung minuto upang maghanda sa darating nating paglalakbay." iyon na ang huling sinabi niya at nagsi-alisan na ang mga tao para kunin ang mga gamit nila. Nagsi-alisan na rin ang iba pang mga opisyal kaya kami nalang ang natira sa labas.

"Kailangan mong magpaliwanag Wish." sabi sa akin ni Kuya Carl. Pumunta kami sa isang lugar na walang tao para walang ibang makarinig ng pag-uusapan namin. Busy ang mga tao ngayon sa paghahanda kaya nagawa naming makalayo sa kanila.

"Wish, alam mo bang nag-alala kami sa'yo?" sabi sa'kin ni Mika.

"Akala namin di ka na babalik eh." sabi naman ni Miguel.

"Pwede ba, ako muna ang magtatanong sa kanya. Ang mahalaga, nandito siya't kaharap na natin siya ngayon." sabi ni kuya Carl sa kanila. Tumingin sila sa'kin at nagsimula na akong magsalita.

"Hinanap namin siya kung saan-saan. Kung saan-saan na rin kami nakarating. Inabot kami ng ilang oras sa paghahanap." sabi ko at tumingin sa kanila.

FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon