[W.O.F] CHAPTER 8: TO KILL OR TO BE KILLED

2.2K 102 3
                                    

*sword flashes sfx*

Hirap na hirap na ako. Hindi ko na kaya pang lumaban. Sa totoo lang, gusto ko ng sumuko pero hindi pwede.

Hindi pwede.

Naniniwala akong matatapos din ito. Matatapos din ang paghihirap naming lahat. Mararating ko rin ang dulo nito. Konting tiis nalang. Konting tiis nalang at makakaharap ko muli kung sino ang may pakana ng lahat ng ito.

Tatalunin ko siya.

Tatapusin ko siya.


K I R O

Natahimik ako nang may biglang nag-flash sa utak ko. Naalala ko nanaman ang mga bagay na 'yun. Naalala ko ang WOS at si Ashe.

Grabe. Sa totoo lang, ang galing niya. Sobrang galing ng gumawa ng larong 'to dahil nakagawa siya ng ganito. Kakaiba ang talinong meron siya. Pero sayang, ni hindi man lang niya ito ginamit sa mabuti. Kung ano man ang dahilan niya, alam kong hindi 'yun nararapat na dahilan dahil marami na siyang buhay na kinuha. Marami nang namatay dahil sa kanya.

Lumabas na kaming apat sa bahay na tinitirahan namin. Muli akong lumingon dito. May posibilidad na baka hindi na kami makabalik pa dito. Kailangan naming harapin kung ano man ang gusto niyang harapin namin at talunin ang mga ito dahil 'yun lang ang paraan para matapos namin ang mundong 'to.

"Mukhang hindi mo magugustuhan ang mga mangyayari Kiro." bigla akong natigilan nang marinig ko ang mga sinabi ni Yuri.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya sa isip ko.

"Alam na naming mangyayari 'to. Hindi lang namin alam kung saan at kailan. Pero Kiro, kaya mo ba? Handa ka ba?" tanong niya.

"Kailangang kayanin Yuri. Kailangang paghandaan." sabi ko sa kanya.

"Kahit na sabihin kong... sa mundong ito... na sa mundong ito..." nararamdaman ko na parang gusto na niyang umiyak.

Bakit Yuri? Ano bang gusto mong sabihin?

"It's me again, folks."

Napatigil ako sa kinatatayuan ko. Parang nawala lahat ng iniisip ko nang marinig ko muli ang boses na 'yun. Ang boses na nagpayanig ng mundo ko. Napatingin ako kay Clyde. Parang hindi siya mapakali.

"Okay ka lang?" tanong sa kanya ni Silver.

"Hindi." diretso niyang sagot.

"Have you folks been missing to hear my voice?" tanong ng GM.

"Miss your voice? Pwe! Bakit hindi na niya lang diretsuhin?" inis na sabi ni Silver.

"A-ayoko... a-ayokong marinig..." sabi ni Clyde habang nakatakip ang kanyang mga kamay sa tenga niya. Kahit ako nagtataka na din sa mga kinikilos niya.

"Ano ba Clyde?! Ano bang nangyayari sa'yo?! Nag-aalala na ako eh!" sabi sa kanya ni Zeth.

"Yuri." tawag ko sa kanya sa isip ko.

"Yuri!" tawag ko uli pero hindi niya ako sinasagot.

"It's funny to see faces just like that. Fear, agony! Hahaha!" sabi niya at humalakhak siya ng napakalakas.

"No one can defeat me! No one! Only I and no one else will rule this world! No one can destroy me!" malakas niyang sigaw at nag-echo 'yun sa buong paligid.

"Listen folks, you'll gonna love this." sabi niya at huminto siya.

"Not because I am tired of watching you die, I will say that WOF is the last world of FWO. You heard right! This is the last world of FWO. But don't be too happy. Too much happiness kills. As I will tell you next." sabi niya.

FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon