"Wag mo ngang ipanakot sakin yan Tabs. Tsk! It's not good to hear. Alam mo ba yon?"



"Anong drama yan Moks?"



"Eh paano naman kasi parang kayang kaya mo akong ipagpalit dahil lang sa pagkain. Tsk."



"HAHAHAHAHA! Abnormal ka talaga! Gutom lang yan Moks. Tara na nga." Hay buti naman naisipan nya ng umalis dito noh.



***

[Aliyah's POV]


HAHAHA! Sarap talaga pagtripan ni Moks. Naisahan ko na naman sya. Aba! Eh sa gutom ako eh, atsaka kulang pa pambayad yun sa pagbato nya sakin kanina.



"Good Morning Pards." Geez! Nakita naman ako agad ng mga lokong to.



"Tigilan mo ako. Hapon na kaya. Halatang mga hindi rin kayo nagsipasok ng umaga. Tsk." Half-day nalang ipapasok namin ni Moks, buong umaga kaming kumain sa park eh, ay ako lang pala.



"Eh wala ka Pards eh, hindi narin kami pumasok." Sinisi pa ako? =__=



"Letse Roby! So B.I ako ganun?"



"Easy Pards. Grabe ka naman! Love ka lang talaga namin."



Bobolahin na naman ako ng mga to eh. Sila ang kabarkada ko dito sa school. Sabi ko nga sa inyo, I'm one of the guys. Puro lalaki ang kasama ko dito, puro mga loko pa. Kaya wag lang magkakamali si Moks na sabihin sa mga ungas nato yung nakita nya paniguradong tutuksuhin ako ng mga to.



"Tigilan nyo ako. Wala ako sa mood makipaglokohan sa inyo."



"Oh Kent bakit nakabusangot ka dyan?" Pagpansin ni Marvin kay Moks. Pfft-- Mukhang tanga si Moks, bahala sya dyan, pagtitripan pa yan ng mga ungas na'to.



"F*ck you!" Sagot naman ni Moks. Woah! Wala sa mood ang mokong. Haha! Pagtripan pa yan. Ang bait kong bestfriend noh?



"F*ck you more Pards! HAHAHA! Sabi na nga ba ako ang type mo eh." Pang-aasar sa kanya ni Roby, inakbayan pa si Moks. Putsa! Ayan na sila.



"Anong gusto mong unahin ko PARDS? Yang mukha mo para hindi ka na makapang-chicks? O yang nasa ibaba para hindi ka na magka-anak?" Pananakot na tanong naman ni Moks. I'm enjoying their scene. Bwahaha! >:D

Breaking the FRIENDZONE (JulQuen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon