Chapter 11

9.7K 409 24
                                    


Dalawang buwan na rin nakakalipas simula nung dumating kami sa hacienda ni Rain. Madalas busy ang mga kaibigan namin at minsan ay wala sila dito. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari dahil madalas ay kasama ko si Rain sa kwarto. Madalas kaming mag-usap ngayon ni Rain dahil na rin na palagi akong nasa kwarto. Napapansin ko sa kanya kapag may ibang tao kaming kasama ay tahimik lang sya madalas. Hindi rin sya ganon ngumingiti na madalas nyang gawin kapag kaming dalawa.

Minsan ang corny nya, nagiging sweet sya bigla at minsan ay nang-aasar sya. Hindi ko maiwasan na mahiya at pagmulahan ng mukha lalo na kapag nagiging sweet sya. Sa tuwing nagiging sweet sya minsan ay hindi ko maiwasan na ikumpara sya kay Jin. Iba yung nararamdaman ko kapag nagiging sweet sakin si Rain. Bumibilis ang tibok ng puso ko na hindi nangyayari kay Jin. Minsan ay simple lang yung sinasabi ni Rain pero nahihiya at pinagmumulahan na ako ng mukha na hindi rin nangyayari kay Jin. Kaya napapaisip ako na baka nga dahil may relasyon kami ni Rain noon at kung hindi dahil kay Jin ay hindi kami maghihiwalay. Siguro ay sya nga talaga ang tinitibok ng puso ko at mahal na mahal ko.

Nararamadaman ko naman na may gusto ako kay Rain pero ayoko muna itong sabihin sa kanya. Gusto ko munang tapusin kung ano meron samin ni Jin. Kahit na kasinungalingan lang ang lahat, nakasama ko sya ng isang taon bilang asawa. Gusto kong malaman bakit nya ginawa ang lahat ng 'to at mapapatawad ko sya kung hahayaan nya na kami ni Rain. Sa mga kwento nila Sandy sakin, naging mabuti kaming magkaibigan ni Jin at gusto ko 'yon ibalik.

Kaya hinihiling ko na sana matapos na ang lahat ng 'to.

Si Rain kahit papaano ay okay na yung mga sugat nya pero hindi pa rin sya ganon pwede magkikilos ng maayos dahil ilan yung tama na natamo nya. Nakakapaglakad naman sya pero mabagal. Madalas pa rin syang nasa kwarto. Sabi nya mas gugustuhin nyang nasa kwarto kaysa sa labas na ang iingay ng mga tao.

Hindi lang sa pagpla-plano kung paano hulihin si Jin, nagkakasayahin rin kasi sila at ayaw ni Rain ng maingay. Ang future ni Rain ay nakakaya na yung mga ingay ng mga kaibigan nya kaya minsan ay nasa tabi lang sya ng mga nagkakasiyahan. Hindi lang sya sumasali. Maraming mababago kay Rain habang tumatanda.

Kumakain kami ngayon at sa pagkakataong ito ay kasama kami ni Rain sa hapagkainan ng lahat dahil pinilit ng future ko na sumabay na kami sa kanila. Tahimik lang si Rain sa tabi ko na mabagal kumain habang nag-iingayan ang lahat. Nag-aasaran at nagkwe-kwentuhan. Ang saya lang nila panoorin. Kapag marami ka talagang kasabay kumain ay nagiging masaya ang lahat.

Narinig kong tumunog ang cellphone ng future Rain pero dahil maingay ay walang nakapansin nito. Nagpaalam saglit ang future Rain sa future ko at lumabas ng dinning area. Napatingin naman ako kay Rain na naubos na ang pagkain.

"Gusto mo pa?" tanong ko sa kanya.

"Gusto ko na lang ng saging." sagot nya. 

Tumingin ako sa lamesa at hinanap ang saging. Nasa harapan ito ni Ryle kaso medyo malayo naman sya samin. Kaya naman sinabihan ko ang katabi ko na si Archie na magpasuyo ng saging. Dahil maingay ay hindi nakarinig yung iba kaya nagpasa-pasa na lang ng pasuyo hanggang sa makakuha kami.

"Kaya ayoko ng maingay." sabi nya nung ibigay ko ang saging. Natawa na lang ako ng bahagya.

Bumalik ang future Rain na seryoso ang mukha.

"Anong nangyari?" tanong ng future ko kaya napatigil yung ilan.

"Wala na si Bullet." nagulat ang lahat sa binalita ni future Rain.

"A-anong ibig mong sabihin, hon?" tanong ng future ko na halatang gulat na gulat. Hindi sumagot si future Rain kaya napaluha ang future ko. Hindi ko alam kung anong relasyon ng sinasabi nila Bullet sa buhay namin para mapaiyak sya.

Make Her Mine AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon