Chapter 6

9.7K 432 63
                                    


Sky/Yuhan's POV

Nagising ako sa sikat ng araw na tumama sa mukha ko. Napatingin ako sa katabi ko na mahibing na natutulog habang nakabukas ang bibig. Natawa ako ng mahina dahil ang cute nya. Kahit na siguro na may panis na laway sya ang ganda nya pa rin tignan.

Pinilit kong lingunin ang orasan para malamang kung anong oras na pero masyadong mahigpit ang pagkayakap sakin ni Rain.

Tulog ba talaga 'to? Ang lakas eh.

"Don't move." nagsitaasan ang balhibo ko sa buong katawan ko na magsalita sa sa tainga ko. Nakakagulat naman 'to.

"Titignan ko lang kung anong oras na." sabi ko sa kanya. Dumilat sya pero isang mata lang.

"Alas sais, maaga pa. Tulog pa tayo." hinila nya ako lalo sa kanya. Hindi ko maiwasan mamula na mapunta ako sa dibdib nya. Gosh! Bakit dito pa sa malalaki nyang hinaharap?

"Pe-pero nau-uhaw ako." palusot ko para lang makatakas sa dibdib nya.

"Then drink my milk." nagtaka ako sa sinasabi nya. Nanlaki ang mga mata ko na hinubad nya ang tshirt nya at tumumbad sakin ang malulusog at malalaking dibdib nya.

Napaiwas agad ako ng tingin sa kanya. For sure pulang pula ang mukha ko ngayon.

"Baby." nilingon ko si Rain pero imbis na ang mukha nya ang makita ko, ang dibdib nya ang tumumbad sakin.

"Waaaahh!" sa sobrang gulat ko, naitulak ko sya at nahulog sya sa kama. Mukhang hindi pa nga sya nasaktan dahil tawa sya nang tawa. "Nakakainis ka naman eh!" sabi ko sa kanya at nag-pout.

Umupo sya sa sahig at nginitian ako. Napansin ko na nagdudugo na naman ang sugat nya kaya mabilis pa sa segundo akong lumapit sa kanya.

"Ma-masakit ba? Sorry nakalimutan kong may sugat ka pala. Sorry." maiyak iyak na sabi ko. Ang tanga ko naman na hindi maisip na may sugat sya.

Hinawakan nya ang pisngi ko at hinalikan ako sa noo. Namula ako sa ginawa nya.

"I'm okay, wag kang mag-alala."

"Sure ka ba? Nagdudugo yung sugat mo. Ipalinis na natin yan kay Dra. Oh." nag-aalang sabi ko.

"Kaya ko na linisin ang sugat ko." tumayo sya kaya tumayo na rin ako. "Pwede bang ikaw magluto ng almusal natin? tayo lang nila Dra. Oh ang nandito. Hindi marunong si Dra. Oh at mag-lilinis naman ako ng sugat. Medyo matatagalan kaya ikaw na muna magluto?" tumango ako.

"Sure kang hindi masakit ah." napangiti sya.

"Kaya kong i-indian ang limang tama sa katawan ko. Kaya itong isang tama lang, wala lang 'to sa kinalakihan kong lugar." medyo nagguguluhan ako sa sinasabi nya pero siguro tatanungin ko na lang sya mamaya.

Bigla naman napadako ang tingin ko sa hubad nyang pang itaas. Namula ako at napaiwas agad ng tingin. Bakit ba hindi pa sya magbihis?!

"Ang cute mo talaga, baby." nagpout ako dahil tinawanan nya na naman ako.

"Bakit ba baby ka ng baby dyan?" takang tanong ko sa kanya. Pero imbis na sagutin nya ako, nginitian nya lang ako at hinalikan ulit sa noo.

"Ayaw mo ba?" namula ako.

"Hi-hindi naman sa ganon." napayuko ako. Sa totoo lang hindi ko alam kung ano nararamdaman ko sa tuwing tinatawag nya ako sa ganon. Mas masarap pakinggan kapag sya yung nagsasabi hindi yung katulad kay Jin na normal lang pakinggan sa kanya. Kay Rain kasi, may something na nagpapatibok agad ng puso ko sa tuwing magsasalita sya. Hays ano ba 'tong pinag-iisip ko?

Hinawakan nya ang pisngi ko kaya napatingin ako sa kanya. Nagulat ako na bigla nya akong hinalikan sa labi. Hindi agad ako nakakilos at tila nanghina ang tuhod ko sa ginawa nya. Mabuti na lang hinawakan nya ang bewang ko kundi tutumba ako sa sahig.

Make Her Mine AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon