Chapter 4

8.3K 385 16
                                    


Jin's POV

"Kabadtrip!" malakas na sinuntok ko ang punching bag. Iniisip ko na si Levinson 'yon dahil sa kanya hindi pa rin buo ang pagmamahal sakin ni Sky. Kahit hindi pa din nakakaalala si Sky ay alam kong nababahala pa din sya kaya hanggang ngayon hindi nya pa din maibigay bigay ang pinagkakaingat ingatan nya sakin.

I don't want to rush her pero ito na lang ang last trump card ko para hindi ako iwan ni Sky sa oras na magkaalala sya na hindi mangyayari pero alam kong gagawa ng paraan ang Levinson na yon para hanapin si Sky at kunin sya sakin. Kaya hangga't maaga pa, kailangan magkaroon na kami ng anak ni Sky para hindi sya magbalak na iwan kami ng anak nya. Pero paano mangyayari yun kung ayaw nya naman?

"Arhh!" sinuntok ko ulit ang punching bag sa sobrang pagkainis ko. Napatingin ako sa cellphone ko na tumutunog. Nilapitan ko iyon at sinagot ang tawag.

"Kamusta sya?" 

"Sya talaga ang una mong hinanap 'no?" tinawanan nya lang ako. "She's doing fine nothing to worry."

"Not this time Jin nasa lugar nyo ngayon si Levinson."

"What?!" This is bullshit!

"You heard me Jin. Nandyan sya. Isa lang ang pwede mong gawin. Keep my queen away from that bullshit."

"Kahit hindi mo sabihin ay alam ko ang gagawin ko. Aalis kami dito sa lalong madaling panahon. Hindi ko hahayaan na makuha sya ng Levinson na 'yon." hindi ko na hinayaan pa magsalita sya. Pinatay ko ang cellphone ko at nagmadaling lumabas ng bahay.




Rain's POV

Nakatanaw ako kay Sky o kung tawagin sya ngayon ay Yuhan. Napairap naman ako na ibahin ni Jin ang pangalan ni Sky para lang hindi namin sya makita.

Nakaupo pa din sya sa upuan at halatang malalim ang iniisip. Binantayan ko lang sya sa malayo. Hindi ako umaalis hangga't nakauwi na sya sa bahay nila ni Jin.

Napabugtong hininga na lang ako sa tuwing maiisip ko na magkasama silang dalawa sa iisang bahay, iisang kama. Tinitiis ko ang sakit nararamdaman ko kasabay ng sakit na malaman kong hindi nya ako naaalala. Wala ng mas sasakit pa sa nakalimutan nya ako keysa makipagbarilan ako at madami akong tama. Wala lang iyon kungbaga sa hindi nya ako maalala.

"Aaaahh!!" agad akong napatingin sa sumigaw kasunod non ang pagputok ng baril. Bigla kong nailabas ang baril ko na nasa likod ko dahil may mga terorista ang nagsidatingan at pinagsasaktan nila ang mga taong nakikita nila. May hawak din silang granada.

Bigla ko naalala si Sky. Nung nilingon ko sya sa pwesto nya kanina ay napamura ako nung makitang wala na sya don.

Nagmadali akong hinanap sya dahil baka napano na sya. Ang sarap talagang patayin ni Jin dahil sa lugar na 'to ang napili nyang lugar na pagtaguan nila. Hindi nya ba alam na napakadelikado dito dahil madaming walang sinasantong mga tao ang nakatira dito?

Pinahanap ko din sa dalawang bodyguard ko si Sky. Kahit mahirap mahanap si Sky dahil madaming nagsisitakbuhan na tao para lang makaalis sa lugar na 'to hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya.

"Wag po!" boses ni Sky yon! Nagmadali ako makarating sa kinaroroonan nya dahil mukhang nasa pahamak sya ngayon.

"Shut up bitch!" saktong pagdating ko na sinampal ng kung sinong hayop na 'to si Sky. Nagdilim ang paningin ko at binaril ng walang alinlangan yung nanakit kay Sky.

Lahat sila napatingin sakin nung tumumba yung lalaking binaril ko.

"Let her go." malamig kong sabi habang nakatutok sa kanila ang baril.

Make Her Mine AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon