Chapter 20

11.4K 269 6
                                    

~Pictures~

Nakatulala ako habang tinatahak ang pinakadulo ng tunnel. Wala sa sariling inabot ko ang siradura ng pinto. Doon lang ako nakabalik sa sarili nang makita kung nasaan ako.

The room is very familiar. Nakita kong hindi nakabukas ang mga CCTVs na nakakabit sa apat na dulo ng silid. Pumasok ako at mabilis na lumingon dahil ang pintong pinasukan ko ay biglang nawala at parang wala talagang pinto ang naroon. Tanging pader na lamang iyon.

No doubt that everything about him is a secret. High technology gadgets and facilities. Everything related to him is a high-end secret. Kung tutuusin ay masyado pa yatang maganda ang mga gadgets nito kaysa sa aming mga sandatang ginagamit.
How can you think to have this long tunnel connected to their building and to their mansion?

This is hella imposible!

Lumingon-lingon pa ako sa buong silid. Kung hindi ako nagkakamali ay ito iyong silid kung saan niya nilalagay ang mga taong ini-interrogate nila. Nandoon pa rin ang nag-iisang silya na nakatayo sa mismong pinakagitna ng silid.

Ang huli kong kita rito ay maraming dugo ang nakakakalat sa sahig. But now this place looks so innocent like there's no brutality in here.

Mabilis kong tinungo ang pinto at nagmatyag doon kung sakaling may taong nasa labas. Nang masiguradong wala ay agad kong inakyat ang hagdan. It was connected on his kitchen. Bawat kilos ko ay minamatyagan ko ang palagid. Ang naroong mga CCTV na nakakapit sa apat na sulok ng kaniyang sala ay nanatili sa kanilang mga gawain.

Walang tao ang naroon kaya ang mga CCTVs lamang ang kailangan kong iwasan. Nagsisimulan na ring dumilim sa labas. Kung iisipin ay puwede na akong lumabas dito ngunit noong napatingin ako sa isa sa mga pintuang naroon ay wala sa sariling lumapit ako roon. Tulad noong una kong punta rito ay naka-lock pa rin iyon. Ngunit noong maisip ko ang kaninang nasa tunnel ay hinanap ko rin ang panel kung sakaling may ganoon iyon tulad noong silid kung saan naroon ang iniisip kong ina nito. Napanganga ako dahil kapareho nga iyon noong silid na iyon nang makapa ko ang dingding na malapit lamang sa door knob.

Agad kong tinipa ang parehong password na katulad sa silid na iyon ngunit nakita ko kaagad ang pulang ilaw. Napamura ako sa sarili. I tried to type the name of his mother but the panel keeps sending me the red light. Tinype ko na rin ang pangalan niya ngunit wala pa rin. Ano naman kaya ang posibling nandito sa loob ng silid na ito?

Pumunta ako sa harap ng kaniyang silid at sinubukang buksan iyon ngunit naka-lock rin. I expertly search the LED panel on his wall. Noong lumabas ay sinubukan ko uling tinype ang pangalan ng kaniyang kapatid. Napataas ako ng kilay dahil bumukas iyon. Kung ganoon ay ano ang nandoon sa kabilang silid at iba ang password?

Ganoon pa rin ang silid niya noong una akong nandito. Ang bango niya ay nagkalat sa buong silid. I remembered the first time here when both of us alone.

"I know something, but every time I look at you it makes me lost and forgot. What's with that naive eyes of yours little girl, huh?"

Anong alam niya tungkol sa akin na hindi ko alam?

Everything from his room is unpredictable. Napunta muli ako sa kaniyang bedside table kung nasaan ang larawan niya at ang babae. This is his twin, Elizabeth.

Napataas ako ng kilay at tinitigan iyon ng mas maigi. She has crimson red eyes and she's very cold the way her eyes look. Ibinaba ko iyon muli at inilagay sa dati nitong pwesto.

Akmang lalabas na sana ako ngunit nang may nakita akong may nahulog na kung ano sa sahig ay napahinto ako. Sa palagay ko ay mula iyon sa piture frame na tiningnan ko.

BCS 2: His Darkest Secret [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon