Chapter 4

17.5K 388 115
                                    

~Massage~

Mahina ko siyang itinulak sa kaniyang dibdib, thankfully ay lumayo naman ito sa akin ng kaunti.

What did he mean by those words?

It sounds deep and mysterious like how he is.

Tumingala ito at humugot nang malalim na hininga. Inayos ko ang pagkakaupo sa kama. Ini-apak ko ang paa sa sahig at nanuot ang lamig niyon sa aking mga paa.

I should tell him na aalis na ako tutal naman ay mag-uumaga na rin. I don't want to stay here. Sa palagay ko kung sakaling magtatagal pa ako rito ay baka malaman na nito ang binabalak ko lalo pa at parang makahulugan ang mga pinagsasabi niya.

I can't easily jump to a conclusion, kung alam na niya ay may ginawa na ito sa akin. Pabor iyon sa kaniya lalo na at narito ako sa kaniyang puder. But he didn't do anything.

Tumikhim ako upang kunin ang kaniyang atensyon. Napatingin ito sa akin habang nakakunot ang kaniyang noo na tila ba ay may malalim itong iniisip.

"Since it's already morning, I want to go home," may pag-alinlangang sabi ko sa kaniya. Biglang dumilim ang kaniyang ekspresyon dahil sa aking sinabi ngunit agad namungay iyon nang yumuko ako at muling tumingin sa kaniya. Ang liwanag na nanggagaling sa lampshade niya ay nakakatulong upang makita ko ang reaksyon ng kaniyang mukha.

"Where is your place? I'm going to drive you," malamig na tugon niya at tumayo na mula sa kama. Umuga iyon at sinundan ko siya ng tingin habang papunta ito sa walk in closet niya. Gusto kong tumanggi ngunit baka mahalata niyang may mali sa akin. O siguro'y ako lamang iyon?

Tumayo ako at inayos ang sarili. I'm still wearing his shirt. Ibabalik ko na lamang ito kapag nalabhan ko na. O 'di kaya ay huwag na. Sa dami ba naman ng damit niya ay hindi na rin naman niya siguro ito hahabulin.

Nag-angat ako nang tingin ng maramdaman ang paglabas niya. Nagkasalubong ang tingin namin habang sinusuot nito ang panibagong damit.

"Let's go?"
Tumango ako sa kaniya at agarang sumunod dito. Medyo maliwanag na rin ang kapaligiran nang makalabas kami ng kanilang building. We went to his car at agad na pinagbuksan ako. Pumasok ako roon at isinara naman niya agad ang pinto at tinungo ang kabila.

Binanggit ko sa kaniya ang lugar kung nasaan ang pansamantala kong bahay. Nalaman naman niya agad iyon. Walang umimik sa aming dalawa habang nasa gitna ng biyahe. I want to open a topic but I'm out of words.
Kapag naman tinanong ko ito ng personal niyang buhay ay baka maghinala pa ito.
Sa tingin ko naman ay wala rin siyang ganang makipag-usap, dahil nanatiling seryoso ang mukha niya at parang ang lalim nang iniisip.

Tumigil sa harap ng penthouse ko ang kaniyang sasakyan.
Sinundan niya ang aking tingin nang tumingin ako mismo sa aking unit. Namatay na ang ilang street lights dahil sa pagliliwanag ng kapaligiran. May mga tao na ring lumalabas at ang iba ay sumasakay ng kanilang bisikleta. Ang karaniwang makikita ko rito.
Bumaling ako sa kaniya at napagtantong nakatingin na pala ito sa akin.

"So, this is your place?" Nagtaas ito ng kilay.

"Yeah," tipid kong sagot mula sa kaniya. Magpapasalamat na sana ako sa kaniya ngunit hindi na tuloy iyon ng nakuha ng interes ko ang sinabi niya.

"Sinong kasama mo, any family? Relatives?"
Nakaramdam ako ng pananayuan ng balahibo ng magtagalog ito. Alam kong nanggaling ito sa Pilipinas ngunit nakakamangha ang marinig siyang magtagalog. Nasanay ako sa kaunting panahon na kasama ko siyang nagsasalita ng english.

"I'm alone, my family and most of my relatives are staying in the Philippines."

Tumango ito at muling napatingin sa aking unit.

BCS 2: His Darkest Secret [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon