Chapter 11

13.9K 333 3
                                    

~Plan~

Mabilis kong isinara ang pinto at sumandal doon, hawak ang aking dibdib. Sinusubukan kong pakalmahin ang aking sarili.

Muli akong umaayos nang makabalik sa dati ang aking paghinga.
I rushed over to my bed. Maging sa bedside table. Naghanap ako ng susi o kung ano mang bagay na maari kong gamitin sa pagtakas.

Hindi na ako dapat magtagal dito. Kung ano man ang plano niya'y alam kung hindi maganda iyon. Besides, I don't really know what he's capable of.

"Dammit!"

Halos mabaliw ako sa frustration ng walang mahanap na kahit na ano.
Umupo ako sa gilid ng kama at inihilamos ang nakaposas na kamay sa aking mukha.

Bakit ba hinayaan ko ang lalaking iyon na hawakan ako? Naiinis ako sa sarili. Sobrang naiinis ako na hindi ko mapigilang maluha. Bakit ang bilis kong sumuko ng ganoon? Bakit hindi man lamang ako nag-ingat?

Mabilis kong pinahid ang aking nangingilid na luha nang makitang umikot ang door knob.
Umayos ako sa aking pagkaka-upo bago tuluyang pumasok ang babaeng si Amelia.

Nakita kong may bandage sa kaniyang kamay. Siguro ay iyon ang sanhi nang pagkagat ko rito. Inaasahan kong makikita ang takot niyang mukha sa akin, o 'di kaya ay ang galit para sa akin. Ngunit banayad lamang iyon at animo'y wala akong ginawa sa kaniyang kahit na ano.

Inihinto niya ang tulak-tulak na cart na may lamang pagkain. Tumingin ito sa akin at binigyan ako nang banayad na ngiti.

"Ma'am, you should need to eat."

Tiningnan lamang ako nito. Nang hindi ako sumagot ay nagpaalam na ito sa akin at babalik nalang daw kapag tapos na ako.
Ilang minuto pang nakatulala ako sa pagkaing inihatid niya bago natagpuan ang sariling nilalantakan iyon.

I feel tired. Not physically but mentally.

Tinapos ko ang pagkain sa pag-inom ng tubig. Lutang pa rin ang aking isip. This mission is really tiring.
Maybe... I should need a break after this. Iyon kung matatagumpayan ko ritong makatakas.

Hindi ko alam kung ilang araw na akong nanatili rito. Ang alam ko lamang ay simula na ang pasukan sa Oxford. Lalo lamang ako nanlumong hindi ako nakapasok. Wala ni isa man ang nakakaalam sa akin kung nasaan ako.

It's even frustrates me, kapag iniisip kong nakatatak sa buong posting area ng site ang larawan ko at may nakalagay na 'missing agent'.

Hindi na muling nagpakita pa sa akin si Cloude matapos ang pangyayaring iyon. The only one who's going on this 'cell' is Amelia. Naghahatid ito ng pagkain sa akin at minsa'y naglilinis din.

We don't talk that much. At hindi rin naman ako interisadong makausap siya. I even planned to escape here. Iyong pagpasok pa lamang niya'y susunggaban ko na. Ngunit agad nawala sa isip ko iyon nang makitang maraming nakabantay sa labas. At ang isa pa'y nanatili akong nakagapos.
But the difference was, I am chained in my left ankle at the bed.

Napatingin ako sa pagpihit ng pinto. Iniluwa noon si Amelia na may dalang vacuum.
Nginitian niya ako bago isinara ang pinto.

"Ma'am, I'm going to clean your room."
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay nagsimula na ito sa kaniyang gawain.
Naikuyom ko ang sariling kamay. How long they want me to be here? I'm so bored and all. Ni hindi man lang nila ako hinayaang makasilip sa labas!

"How long do you want me to keep here?" Malamig na tanong ko sa kanya na ikinahinto niya. She looked at me, confused.

"Ma'am?" Kita ko ang kaguluhan sa kaniyang mukha. Nang hindi ako sumagot ay pinatay nito ang vacuum. Siguro'y para pagtuonan ako ng pansin.

BCS 2: His Darkest Secret [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon