Sixth Chapter

85 2 0
                                    

Chapter 6 *Unlucky but lucky damsel*

~KINABUKASAN~

Maaga akong bumangon kasi may gagawin pa ako.. Nauna na ako sa dalawa dahil may ipapasa pa akong papers kay Miss saka tulog mantika din kasi yung dalawa kaya hinayaan ko na muna.

Tapos nun inutusan ako ni Miss na pumunta sa section ni Sunget=______=, icheck ko daw yung mga students para daw okay na pag pinatawag sa kanya-kanyang toka sa resort.. Sa dami-dami ba naman ng section yung pinaka ayoko pang masilayan na pagmumukha ang naiutos sakin?! Great!

"Estacio, make sure na maayos at ready na yun pag pinatawag na ni Miss Mondragon (terror teacher namin slash teacher in charge)" sabi ni Miss Torres

"Yes Miss, ako na pong bahala" saka umalis na ako

Habang nasa hallway ako at naglalakad, siyempre di mawawala ang mga dakilang mapanira ng araw ko. Ang Althea with her Impaktas. Bah, wala na bang magandang scene ang mangyayari ngayon? Umagang umaga mga elemento mula sa ilalim ng lupa kagad ang ibubungad sayo-_____-

"Well well well, loner mode ang feeling leader ah. Umagang umaga haggard?" malandi nyang sabi, psh busalan ko to ng mamon eh.

"Eh sino ba naman ang hindi mahahaggard pag nakita yang mukha mong nangudngod sa polbo?" nakakainis di na lang kaya sila lumayas sa dadaanan ko edi matapos na.

"What?! Ganyan ka na ba bumati ng goodmorning?! Huh! How pathetic"

"Pag ikaw ang babatiin eh wag na lang. Ibala pa kita sa kanyon eh" seryoso kong sabi pero siya kulang na lang labasan ng usok sa ilong at tenga.

"You! I hate you slut!"

"Oy ha, di ako salamin para tawaging mong slut. Jan ka na nga. Masama kang ehemplo sa umaga ko" aalis na sana ako yun nga lang hinatak ako sa braso

"Bwisit ka! May araw ka din saking impakta ka!" wow-_- ako pa ngayon ang impakta ha

"Mukha mo!"

"Maganda!" ang kapal po niya diba?

"Sang banda? Sa Anit? Tumingin ka nga sa salamin nang malaman mo. Dinaig mo pa yung mime sa kapal ng foundation mo. Mukha kang espasol para sabihin ko sayo. Taas ng fighting spirit mo. Grabe!" napakunot noo na lang sya

"Shut your loud mouth! or else.."

"Or else what? Tsang wag mo kong paandaran ng line na yan masyado ng gamit. Lumayas na lang kayo sa harap ko para makadaan ako. Di kayo ang hari ng daan" saka ko sila hinawi at umalis na

"May araw ka talaga sakin! I hate you bitch! I swear!" napailing na lang ako, wala silang magawa sa buhay ha. Sila tong mangiinis sila naman tong pikon. Mga engot.

--------------------------------------------------------------------------------------

Nagdirediretcho na nga ako sa bawat hotel room ng section nila Sunget para makapunta na sila sa lobby. Hinuli ko na yung section nila Sunget at inis pa din ako sakanya, well that's not new. Nung makarating na ako sa room nila nag-doorbell na ako..

"Oh Loriel, goodmorning. May kailangan ka?" si Ced yung nagbukas ng pinto

"Goodmorning din, papasabi ko lang na mag-ready na kayo nila Kent para pag tinawag na ni Miss Mondragon ayos na" sabi ko sakaniya

"Okay, tara pasok ka muna. Nag-bbreakfast sila sa dining " aya ni Ced, pumasok na din ako 

.

.

.

.

.

"Oy, Goodmorning Loriel! Tara kain!" alok ni Kent na kasalukuyang kumakain

It Begins With A Dare(On-Going)Where stories live. Discover now