《Chapter 9》

3.5K 151 3
                                    

Kaya nga ako nasaktan dati dahil masyado ako mabait. Na ako lang ang bumubuhay sa relasyon namin, lalo ka kapag malapit na mamatay yung mahal mo.

Oo, hindi ako pinagpalit ni Jericho. Namatay siya sa mismong 3rd anniversary namin. At kasalanan ko ang lahat.

"Bakit ba kasi ganito ang buhay eh. Isa pa nga lang siya pero parang naka sampung syota na ako. Ganito pala feeling na maging heartbroken."

"Ang laki na nga ng problema ko, may dadagdag pang isa? Diba hindi pwede magsabay?"

Ring...Ring...

"Hello?" walang gana kong sagot.

"Hi bestie! Kamusta ka na? Na miss na kita ahh." si Jasmin pala ito. BFF ko siya since kinder at nagaaral din siya dinto sa Elite University kaso busy siya dahil part-time model siya at nandoon siya sa Korea ngayon, kasama ang mga idolo ko.

"Eto, may namumulang eyebags."

"Humuhugot ka na ata? May nakakuha na ba sa puso mo? May pumalit na kay Jericho?"

"Wala akong balak."

"Wag mo sabihin yan, kundi, uuwi ako sa Pinas sige, ano?"

Mas ok pa nga kung umuwi ka.

"Sige. Kailangan din kita." Ikaw soul mate niya bal?

"Uuwi ako diyan sa weekend. May project naman talaga kami diyan at kailangan ko ng ka collab." excited niyang sabi.

"Anong collab? Kakanta ka? Jusko, wag na, diyan ka nalang. Baka mabasag mo yung 3rd floor namin. Hahaha!" kapag kausap ko talaga itong bestfriend ko, gumagaan ang loob ko.

"Kamsamnida, Jasmin! Sarangahe!!" bati ko sa kanya.

"Pa korean ka pa diyan. Jalgayo!"

Tapos na.

Buti naman may makakausap na din ako kahit papano.

Hinug ko nalang muli ang unan kong si Stitch. Siya ang ultimate bestfriend, soulmate at pwede ring bedmate ko HAHA, wala kayong magagawa. Ayoko kay Hello Kitty, bukod sa allergic ako sa pusa, wala siyang bibig, edi boring. Haha. Bitter ang peg!

--

Kalimutan nalang natin ang nangyari kahapon at magsimula ng bago. FRESH!

"Ok ka lang anak?" Tanong ni mama na pumasok sa kwarto.

"Bakit naman hindi Ma?"

"Ganun ba? Parang narinig ko kase na umiiyak ka kagabi?"

"Wala yun Ma. Pinapanood ko lang Episode 18 ng Hwarang. Yung namatay bias ko?"

Natawa naman si mama.

Ma, wala ako sa mood.

"Maganda ba yan? Mapanood nga."

Nanlaki mata ko.

Ang dating kpop basher, anti fan at kdrama hater kong nanay, nanonood ng K-DRAMA?!

"Ma, nasapian ka ba?"

"Bakit mo naman nasabi yan?"

"Diba di ka nanonood ng korean chuchu na sabi mo?"

"Dati yun nak."

"Nay naman-"

"Ang pogi pala ni Song Joong Ki nuh? Sana ako nalang si Song Hye Kyo." Sabi ni mama na may kasamang dreamy eyes.

Hay nako. *facepalm*

"Push mo yan Nay! Libre mangarap."

"Mauna na ako ha? Basta pag may problema ka, WAG ka MAHIHIYANG sabihin sakin." Sabi ni mama at hinalikan ang noo ko.

"Okay ma." Kapag talaga kasama ang nanay, gumagaan ang loob mo.

This is called a Mothers Love.

----------

YOOOOOO!!! Long time hiatus si author haha. Kniwan ko to 230 reads lang tapos ngayon 1.68k reads na! Jinja?!

SHAWTY IMMA PARTY TILL THE SUN DOWN~

Thank you sa mga nagbasa kahit naiwan ko to ng super tagalllll~

Punta kayo Wings tour ^ ^

Mamimigay akong Gen Ad hahha

Bye na labyu all~!!!!! <3 hart hart

7 Arrows 1 Target [HIATUS]Where stories live. Discover now