Chapter 8

7 1 2
                                    

"Lunch break at twelve noon?"

"Deal."

Being too excited causes you a bigger problem. I think that's what it is because I feel like something will happen soon and I can't quite grasp any more thought about it. Gut feel, is what people call it.

"Blanche, lagi ka nalang tulala. Huy!"

"Ah! Sorry, Zai. Ano yun?"

"Wala. Iniisip ko lang kung anong activities na ang nakahanda para sa mini open concert ng school. Three weeks nalang kasi e."

"Open concert? Para saan naman iyon e nakaka-ilang buwan na rin naman pagkatapos ng orientation diba?"

"You have so much more to learn about things going on here, girl. Actually, in the middle of the school year, they usually these types of events. Lalo na ngayon dahil fiftieth founding anniversary na ng school. Para bang foundation week, ganoon. Ang kaibahan lang nito, they do a mini fundraising concert for people in need."

"That's cool. Sinong mga sumasali sa concert, may club ba para doon?"

"Anyone, Blanche! Kahit nga ikaw pwedeng sumali eh! Aayusan pa kita!" Tuwang-tuwang sabi ni Zai habang nakatinging sa akin na parang kumikinang-kinang pa ang mata. Umiling ako at natawa.

"Patawa ka. Hahaha. Kayo ba sasali?"

"Matagal na kaming kasali, naabutan pa nga namin ang unang concert eh! It was very successful and... romantic." Tin sighed as a curve on the side of her lips start to form a smile. Tumingin siya sa akin ng may lungkot sa mata. Napakunot ang noo ko dahil dito.

"Oh? Bakit ganyan kayong dalawa makatingin sa akin?"

"It was the sweetest and the most tragic, I think. For a person who loved another too much. The forty-fifth founding anniversary of Clayton University and its first open mini-concert became memorable for the spectators and most especially, the member of the team.

"Hmm..." Pumalumbaba ako habang nakatingin sa kanila. I'm getting really curious.

"Spill it."

---

"Ready?" Aeri whispered behind me. I slowly nodded as a smile forms on the sides of my lips.

She slowly leaned forward and faced me with a sunny smile. Napakunot lang ang noo ko habang nakatingin sa kanya.

Lumingon ako sa kaliwa ko at nakita ang dalawang tahimik na nag-aaral. Mukhang nahihiya ang dalawa sa isa't-isa dahil sa malayong agwat ng upuang kinapupwestuhan nila. Namataan ko nalang na nasa loob na ng silid si Aeri at nakaharap sa kanilang dalawa. May dala itong palasong may naglalahong usok na mamula-mula. "Wow."

Mukhang napalakas ang pagkakasabi ko noon na napatingin sa akin ang binata at dalaga. Nginitian ko lamang sila at nag-sorry.

"Pwede bang makiupo?" Paalam ko sa kanilang dalawa. Tumango naman sila kaya nagmadali akong pumasok at pumunta sa likurang parte ng classroom. Nginitian kong muli si Aeri saka siya nagsimula.

Wala namang napansin ang dalawa at nagpatuloy sa kani-kanilang pagbabasa. Bigla na lamang umusok ang paligid ngunit parang hindi naman nakikita o nararamdaman ng dalawa. Parang tumigil ang mundo at kaming dalawa lang ni Aeri ang gumagalaw.

Nang mawala na ang puting hangin ay nakita kong nakalutang si Aeri at may hawak na pana, kasama ang palasong hawak niya kanina lang. Pinagsama niya ito at itinutok sa akin ang palaso habang nakangiti ng malaki.

Sinubukan kong magsalita. Walang lumalabas na tunog mula sa bibig ko. Hindi rin ako makagalaw kahit na alam ko kung anong nangyayari. Parang... sleep paralysis. The only difference may be that I'm currently sitting inside a classroom right now, watching what will happen soon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 25, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CovertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon