Chapter 6

16 1 1
                                    

All I heard last was a loud punch in the face then I fainted.

Masyadong mahina ang loob ko pagdating sa mga ganito. Well, at least I tried fighting the goon with the best of my skills-- which apparently, wasn't that good either.

Nagising nalang akong nasa sarili kong kwarto na parang walang nangyari. And then there were the twins. Yung isa naiiyak na habang natataranta naman yung isa.

"Ba't kayo naiyak, ha? Ano bang nangyari?"

"Ate naman kasiiii! Huhuhu! Ano bang nangyari ate? Dinala ka kaya nung kuya ni Vane dito pagkatapos kaming tawagan. Sabi na talaga dapat nauna ka nang umuwi kesa samin. Hhuuuuhuhu." Napasapo nalang ako sa ulo. Ako ang nagtatanong e. Aigoo.

"Kumalma ka nga, Jane. Ano bang nangyari? Paano ako nakarating dito?"

"Kakasabi niya lang ate. Hinatid ka rito ni kuya Ross. Yung kuya ni Vane? Nakita niya raw kasing nahimatay ka na. Buti naabutan ka niya. Ginamot pa nga namin mga pasa niya bago siya umalis. Di niya nga lang sinabi kung bakit ka nahimatay. Bakit nga ba, ate?" sagot ni Jean.

"May humila kasi sa akin. Ayun minartial arts ko. Tumba siya e. Galing ko diba? Pero joke lang yun. Ako yung natumba kaya nahimatay ako. Sa pagod. Hehehe." Nabatukan naman ako. Aba't.

"Seryoso nga kasi."

"Wala. Naglalakad lang talaga ako nun. Tapos may biglang humila sa akin. Sinubukan kong makipagsuntukan dun sa humila sa akin kaso di ko kinaya. Ayun. Nahimatay nalang ako bigla. Deretso tulog na rin siguro. Hahahaa. Kapagod kasi." Sinabayan ko pa ng ngiti para di na sila mag-alala kahit na ang totoo niyan e masakit pa ang tagiliran ko.

"Gusto mo bang kumain ate? May pagkain pa. Tinirhan ka namin ni Jane."

"Hindi na. Ayos lang ako. Pahinga na kayong dalawa. Matulog na kayo." Nanlulumong tumango ang dalawa at umalis na.

I heaved an exasperated sigh. Halos lahat ng parte ng katawan ko kumikirot.

Papikit na sana ako nang biglang nag-ring ang phone ko.

Tin.

"Hello?"

"Hoy babaita ka pinakaba mo ako haaa!! Ano tong sinabi sa akin nung kambal na nabugbog ka raw?! Kababae mong tao basagulera ka!!"

"Kalma. Di ako basagulera, okay? Hahahaha. Ano pa bang gagawin mo kung biglang may humila sa'yo diba? Loka talaga 'to."

"Ano??!?!?! BAKIT DI MO SINABI SA AKIN GOSH EDI SANA PINADALA KO NA BODYGUARDS KO WITH YOU! Sabi ko na talaga dapat sumama kami sayo kanina e. Tsk tsk."

"Nah. Saka, nga pala. Baka di ako maka-attend ng acquaintance party, Tin."

"We understand. Kaso. Sayang naman kung hindi ka makasama. Para naman talaga sa transferee students yun like you. Tsk tsk."

"Ganun talaga--"

"AH ALAM KO NA!!!" Napalayo ko tuloy agad ang phone ko mula sa tenga ko. Grabe makasigaw.

"Ano nanaman?"

"Pa-move ko nalang next Friday. Hehehhehe. Para naman may time to rest ka. Nag-pa check up ka ba sa doctor niyan? Baka di ka dinala sa ospital ni Ross ha."

CovertWhere stories live. Discover now