chapter 20

1.1K 23 6
                                    

Gabrielo’s POV

Natigilan sandali si Bernie sa mga narinig niya.

Pumikit ako at isang hindi gaanong malakas na suntok lamang ang pinatama ko kay Bernie jr. At nahiga na sa lupa.

Hinarap  ko si Eric at tinulongan makatayo.

“ikaw pala si Eric na mapapangasawa ni Chonna. Pare, mahalin at pakaingatan mo siya. I love her, pero ikaw na

ang mahal niya. Wala nang manggugulo sa inyo ngayon pangako ko sayo. Have a good life with her oka?”

At lumakad na ako palayo

bukas na rin ang biyahe ko papuntang america

okay na rin at nakilala ko na ang maswerteng lalaki na mapapangasawa ni Chonna.

I will go on wi9th my life, kahit pa ang puso ko ay nawasak na.

“Santi Gabriel!”

May tumwag sakin, paglingon ko si Eric, sumonod pala siya sakin.

“may dapat kang malaman”

Kumonot ang noo ko, anong ibig niyang sabihin?

“wala akong permission ni Chonna pero bahala na... hindi dapat patagalin pa ang mali mong paniniwala”

“spill it, man. Masyado mo akong sinu-suspense”

“nangyari ang gustong mangyari ni Chonna, pero sa ibang paraan. Look, kinommission lang yiya ako na

magpapanggap na Boyfriend niya ako at mapapangasawa niya. Alam ko ang lahat tungkol sainyo dahil

magkaibigan kami at closefriend niya ang girlfriend ko sa Cebu. Alam ng girlfriend ko ang palabas naming ito.

Ayaw nang bumalik dito ni Chonna na gaya pa rin nang dati, inalok niya ayo ang kanyang pagibig. Takot na

siyang mabigo sa ganoong paraan. Kaya iniba niya ang strategy, kuwan... kunwari nga ay magnobyo kami at

magpapakasal lang ng simple. Kung talaga daw na mahal mo siya ay hahadlangan mo ang kasal namin at ikaw na

ang magpapakasal sakanya”

Napatanga lang ako sa mga sinabi na yon ni Eric.

“she’s crazy! At paano kung hindi ako humadlang? Kahit hindi ka niya mahal at may nobya ka na, pakakasal pa

rin siya sayo?”

“hindi na sympre. Ang usapan namin, siya ang hindi sisipot sa kasal namin, bigla na lamang siyang mawawala at

uuwi na rin ako sa girlfriend ko sa Cebu, ganun lang”

“she’s really crazy!!”

“because he loves you very much Gabriel”

Nakangiting sabi ni Eric.

Unti-unti na rin ako napangiti.

“yeah.. right”

Chonna’s POV

Hindi na ako mapakali sa bahay.

Hindi pa rin dumarating si Eric na kanina pa nagpaalam na may bibilhin lang daw sa bayan.

Hindi man lang siya nagdala ng sasakyan dahil gusto niyang maglakad lang para makatingin-tingin at

makapamasyal sa paligid.

Nakaka-awang Eric, namimiss na niya kaagad si nicole, ang girlfriend niya sa Cebu.

Nahihirapan na si Eric sa pagpapapel na nobya ako kunwari.

love me backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon