chapter 13

661 5 0
                                    

Gabriel’s POV

Yon ang una at huling pagkikta namin ni Chonna.

Maatapos ang tatlong taon.

Kung nagbalik sa Cebu si Chonna ay hindi ko na alam.

Nabother naman ako sa mga sinumbat sakin ni Chonna, bakit nga naman hindi ko pala siya kayang ibigin ay

sinamantala ko pa siya sa loob ng movie house?

Para pabaonan lang siya ng magagandang memories?

Alam kong kagagohan ang reason na yon, ang totoo ay ako ang nabigyan ng magandang memories bilang lalaki.

Ngayon ay ako ang may magandang alaala sa mga araw na yon.

“ni hindi man lang nagpaalam sakin si Chonna, Gabriel.. ano ba ang nagyari sa inyong dalawa ang iniwan namin

kayo sa Cybil’s Diner?”

Para kay momy ksi, nasa age na ako para magkaroon ng girlfriend at boto naman siya kay Chonna, maganda daw

siya at hindi pakeyeme.

“nakita ko naman na nang makita mo siya ng gabing iyon ay masayang-masaya ka. Ano pa ba ang kulang sakanya,

anak? I’m sure na kaya lamang siya nagbalik dito sa atin ay dahil sayo? Minsan na siyang nawala, pinakawalan

mo pa”

Sa malaki at magandang garden kami nag-uusap ni momy.

Weekend nga kasi kaya nagvisit ako dito.

Buntong-hininga nalang ang sinagot ko kay momy.

“son, paano kung hindi na siya bumalik?”

“if she truly loves me...”

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagpatuloy pa si momy sa pagsasalita

“kawawa naman siya.. aalis nang matagal.. babalik.. aalis.. muling bigo.. tapos sasabihin mong kung totoong mahal

ka niya,  babalik Na naman siya? At pagbalik naman kaya ni Chonna may maihahandog ka na sa kanya na

panghabambuhay, hindi panandalian lamang?”

“mom, hindi pa ako tapos! Bitin pa ei, Asia pa lamang ang naka-conquer ko sa sports, kahit sa profesion ko

kulang p-a rin! Pupunta pa kong states para makilala sa larangan ng Computer and information technology sa

California...”

“...kung hindi rin lang ako mapabilang sa kampanya ni Bill Gates at magkaroon ng mataas na executive function

doon ay hindi ko maituturing ang sarili ko na successful”

“paano kung hindi mo maabot kaagad yon, tatanda kang binata?”

“well, so be it, momy!”

“pero mahal mo si Chonna, Alam ko!”

hindi na ako kumibo.

Itinutok ko nalang ang mata ko sa papalubog na araw.

Naalala ko i Chonna na mahilig bumanggit ng sunset.

Ito ba ang larawan ng buhay-pagibig ni Chonna na ako ang dahilan?

Laging papalubog na araw, kailanman ay hindi sumikat.

Nalulungkot ako para kay Chonna at para sa aking sarili pero paano ko ba kakalabanin ang aking ambition?

Kung bawat galaw ng aking katawan ay nakatutok lamang sa mataas kong pangarap.

I am nothing kung hindi ako magiging katulad ni kuya Abraham talagang buong mundo ang naconquer.

Dito sa amin barrio ay laging may sugat ang family namin.

Ang isang secreto na hindi na rin gaanong secreto sa mga nakaka-alam dito.

Ito lang ang maari naming isagot sa sugat ng aming pamilya.

Tulad din ng aking kuya, para lamang makontento na maging tao nang mapahanga ang lahat dahil sa na-achieve

niya bilang genius.

Hindi ba pag may mali na gusto mong idelete sa isipan ng mga tao ay gusto mong maging dakila?

Para ang makikita lang nila ay yong accomplishment at hindi ang dumi ng iyong pagkatao na gustong-gustong

titigan ng mga tao?

“Gabriel, talk to me, anak. Sinasarili mo ang lahat. Gusto kong makilala ka ng lubusan para matulongan kita I want

you to be happy”

“at nasisiguro ko sayo, anak. Ang lubos na magpapaligaya sa isang tao ay hindi ang pag-conquer niya ng mundo

kundi kung paano niya makikita ang tunay niyang dapat pahalagahan”

“momy... nasa time frame pa ako ng agenda ko sa buhay. Next year, ako ang kakatawan ng pilipinas sa

swimming competition sa olympics. Next year din. Pagkatapos ng competition sa olympics, magsisimula na ang

kontrata ko s aisang malaking kompanya ng computer-IT sa california. Ang gola ko ay makapag-uwi ng medal na

olympics. Bilang na bilang lamang sa daliri ko ang mga pilipinong nakagawa nito. And I want to be one among the

very few. Kapag nasa california na rin ako bilang isang executive, isang di pa nalamang ang layo ko sa kompanya

ni Bill Gates”

“natatakot ako kapag nabigoka, Gabriel”

“ang kabiguan ay wala sa vocabulary ko, momy”

“wala nga sa vocabulary mo pero reality iyon, iho”

“reality is always based on the capacity of man who dreams, mother. At alam ko ang capacity ko. Napag-isipan

ko na ito sa matagal na panahon, napaghandaan ko na araw-araw. Malaki na ang saisacrifice ko, I’ll be damned

kung mabibigo ako!”

love me backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon