Chapter 1:

1.4K 13 0
                                    

Gabriel’s POV

“gabriel!”

Napalingon ako sa malambing na sigaw na nagmula sa likuran ko

nginitian ko nalang ang magandang babae na yon

hinbol niya ako habang papasok sa Bla-bla-bla college, highschool department [secret nalang yong

name ng school na yon]

“gabriel, iginawa kita ng extra sandwich para pareho tayo ng baon!”-chonna

“chonna, nag-abala ka na naman, nahihiya na ako”-ako

Hindi ko naman matanggihan ang inaabot niyang pagkain sakin.

“ikaw naman diba sabi ko e maligaya na akong napagsisilbihan kita in whatever way, sandwich nga

lang ei”

“ano bang palaman nito?”-ako

“anchovies...” -chonna

“...anchovies? sa tagalog ay... dilis”-chonna

Tatango-tango nalang ako at nakangiting inilagay ko sa backpack ang sandwich.

“dilis na delata, imported from portugal”- chonna

Sinasabayan niya ang malalaki kong hakbang

“imported from portugal? Kung ganun ay portuguese speaking pala, hindi magkakaintindihan ng

mga tagalog na dilis”

Ngumiti naman si chonna sa napaka-corny kong joke, dumikit ito sakin habang tuloy kami sa

paglalakad.

“chonna!”        

  Naiilang kasi ako sa ginagawa niya

“parang napadikit lang nang konti, no? Ano may pag-asa na ba ako?”

Pabulong na sabi ni chonna

Maganda naman si chonna sa school uniform na suot niya,pormang-porma, maboobs, maliit ang

baiwang, makapal ang buhok na hanggang balikat kaso ay kulang sa Grace, posible pa ngang

masabing tomboyish, hindi mahinhin.

“chonna! Here you again...”

Sabay kunot sa noo ko

“...sabing hintayin mong ako ang manligaw sayo”-ako

“kailan pa kaya mangyayari iyon, ha gabriel? Makalipas ang sandaang-libong sunset?” sabay pout

ni chonna

“the thing is. Dapat kang lumagay sa lugar, chonna, ako ang lalaki...”

“...at ako ang babaing dapat maghintay ng pagibig??” Dagdag ni chonna sa sinabi kong pinutol

niya.

Nakasimangot nalang siya.

“narito na tayo sa magkatabi nating classroom, chonna, cut it” Bulong ko sakanya

“oo na, sorry na, bati na tayo”-chonna

Nakasmile ito pero fake smile

“okay”-ako

“kakainin mo yong sandwich na bigay ko ha? Huwag mong isi-share kina clarisse at sa iba pang

malandi mong classmates”-chonna

“oo na, ako lang ang kakain, I promise”

“basta ang lupit-lupitmo pa rin, Gabriel”

Bulong niya sakin at pumasok na ng classroom niya

Napailing nalang ako sa sinabi ni chonna.

Bernie’s POV

Ako si bernardjr. bernie ang tawag nila sakin, sa blablabla college din ako nag-aaral.

Nadudurog ang puso ko kapag nakikita kong magkasabay sina Gabriel at chonna.

Tulad ngayon.

Ako ang hindi  guwapong binatang anak ng namatay kung ama na sugarol na si bernardsr na may

matinding gusto kay chonna

Natural lang na may lihim na galit ako kay Gabriel.

Naiinis din ako kay chonna,

bakit niya isinisiksik ang sarili niya sa ulol na Gabriel na yon ei

hindi naman siya pinapansin?

Dapat ako ang pansinin niya dahil ako ang nagmamahal sakanya.

Naalala ko tuloy ang nangyari sa aking ama, nabigo man ito sa pag-ibig kay Ara delos santos na

nanay ni Gabriel.

Minahal ni Ara ay ang ama ni Gabriel.

Mauulit pa ba sakin ang nangyari sa aking ama?

Baka nga maswerte pa kahit paano ang papa ko kaysa saakin,

Siya ay naging maswerte sa pagkuha kay Ara kahit sa loob lang ng isang gabi.

love me backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon