chapter 11:

635 9 0
                                    

Gabriel’s POV

Mabilis na lumipas ang tatlong taon.

Ganap na akong expert sa IT, Junior Executive na nga ako sa isang malaking kumpanya sa makati.

Weekends na nga lang ako umuuwi sa Santiara.

At active member pa rin ako ng national swimming team na makikipag-compete sa olymic games sa Europe.

Nagshine na ako ng sobra sa Asian Games.

Kay dami na akong nakuhang Golden Medals sa iba’t ibang swimming competetion.

Preo hindi pa rin ako kuntento, kay layo-layo pa ako sa nakuhang kasikatan ni kuya Abraham.

Ganun din sa malaking accomplishment niya na hinangaan ng buong mundo.

Minsan ko rin naaalala ang babaing halos isang dekada na akong minahal.

Ngayon ba ay hindi na ako mahal ni Chonna Jopcson?

‘dalaga pa kaya siya? Ano kaya kung puntahan ko sa Cebu?’

Alam ko na, na nasa Cebu nagsettle ang pamliya Jocson.

Ang hindi ko alam ay ang status ni Chonna, baka may anak na?

‘whoa! Bakit naman bigla kong pinagkaka-abalahan ng isip ang babaing yon?’

Naalala ko  ang home made sandwich na binibagay saakin ni Chonna.

Hanggang ngayon ay hinahanap-hanap ko pa rin ang lasa ng sandwich na iyon.

Kahit nga sa fine-dining reataurants ay hindi ko makita ang lasang hinahanap-hanap ko.

Karma ba na hindi ko pinahalagaan noon ang loving gestures ni Chonna?

‘oh come on Gabriel, dahil lang sa sandwich ay nagsesemento ka na dyan? Ang corny mo’

Hindi nga pala ako madistruct.

Global recognition ang aking target, hindi ko dapat malimutan.

Hindi ko na aalamin ang kalagayan ni Chonna sa Cebu.

Ganito pa rin ako loner.

 walang barkada lalong walang nobya hanggang ngayon.

Wala lang enjoy lang ako by my lonesome.

Nagpupunta ako sa ina’t-ibang coffee shops, nagsa-shopping mag-isa nanonood ng sine na walang kasama.

Basta ang importante ay nakafocus ako sa aking mga goal na makilala sa global community.

Bago matapos ang 2-3 years ay dapat nang nakabase na rin ako sa America, kasama na ako sa mga

pinagkakatiwalaang tauhan ni Bell Bates, ang computer genius ng mundo.

Napakataas ng aking pangarap na hindi dapat masira ng anuman o ng sino man.

“gabriel, anak, may surprise ako sayo!”

Bigla akong sinalubong ng momy habang palabas ako sa aking bagong car.

Galing kasi ako sa Manila at nagvisit lang ako sa santiara.

“ano pong surprise, momy?”

Humalik ako sa pisngi ni momy

“kaya nga surprise ei, mamayang gabi mo malalaman kung ano, Gabriel pupunta tayo sa Cybil’s diner sa Bayan,

8pm. May 2hours ka pa para magrelax”

Matagal ko ng natanggap ang kasalanan ng momy, mahal na mahal ko pa rin  siya.

“heto po pala ang pasalubong ko sa inyo, momy”

Iniabot ko ang paper bag na namamantikaan.

“pancit-canton espesyal? Bagong luto at binili mo sa bayan, sa paborito kong pansiterya?”

Hyper na hyper masyado si momy sa pasalubong ko sa kanya.

“yes momy, ako mismo ang nagpaluto, hinintay ko ng 20 minutes, hindi ako nainip dahil alam ko masisiyahan ka

na naman”

“ay! Sinabi mo pa, iho. By the way mamaya ay ikaw na naman ang  masisiyahan sa surpresa ko. I’m sure”

“clue naman dyan, Momy. Ano o sino ang surprise mo?”

“secret” biro ni momy

“two hours nalang at malalaman mo”

Ang sabi ni momy magbihis na daw ako ng very classy bago kami tutuloy sa Cybil’s Diner.

Sigurado akong tao at hindi bagay ang surprise saakin ni momy.

Gusto kong kabahan gusto ko ring ma-excite.

Nahulaan na kaya ni momy ang matagal kong pinapangarap na makita muli?

Na walang iba kundi ang dalagang walang katulad sa sarap ang mga home made sandwiches.

“narito na tayo sa Cybil’s Diner, Gabriel, I’m sure nasa loob na ang surprise ko sayo”

Hindi na ako makakahintay, halos hatakin ko na si momy papasok sa loob para makita ko na ang surpresa sakin

ni momy.

At talagang nasurprise naman ako, dahil naroon na nga ang taong kaytagal ko nang pinanabikan ko.

“Chonna Jocson!”

‘Lubdub-lubdub’ tumibok ng malakas ang puso ko.

“Santi Gabriel. I miss you so much”

Hindi rin nakapagpigil si Chonna sa feelings niya sakin.

Mahal na mahal pa rin niya ako.

love me backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon