085

807 28 8
                                    

Jisoo's
☆☆☆

"So babes, masarap ba?" tanong sa'kin ni seokmin habang nakain ako.

"Ang ano?" tanong ko sabay kagat sa hotdog.

"Yung hotdog." pagka sabi niyang 'yon agad na napa irap si jiseok na nasa tabi niya lang.

"Lasang hotdog parin naman."

"Ey, babes naman eh~"

"Anong gusto mong sabihin ko? 'Oo seok, ang sarap ng sunog na hotdog' 'yon ba?"

"Sabi ko kasi sa'yo eh! Wag mo lalakasan yung apoy!" singhal ng anak ko sa appa niya.

"Pinag tutulungan niyo kong dalawa!"

"Ang hirap kaya mag prito! Atsaka, antagal ko na ding hindi nag luluto." pag dadahilan ni seokmin

"Okay, sabi mo eh."


[☆☆☆]

"Appa, ano pong ginagawa natin dito sa mall?" tanong ni jiseok kay seokmin

"Mag gro-grocery 'nak tapos mag pla-play sa arcade." agad namang napa kunot yung noo ko, anong grocery? di ba 'to nakain sa bahay nila?

"Babes, sa gusto or gusto mo, dun na 'ko titira sa inyo. Kung ayaw mo, dun tayo sa bahay na binili ko para satin', hehehehe."

Agad kong binatukan si seokmin, "Bakit, sa tingin mo ba titira kami ni jiseok sa iisang bubong kasama ka?!"

"Aray naman babes. Oo, titira kayo, kasama ako. Kung gusto mo hiwalay tayo ng kwarto,"

"Pero huwag naman sana." bulong ni seokmin.

"Eomma, dun na lang tayo tumira sa bahay ni appa." pag mamakaawa sa'kin ni jiseok.

"Pag iisipan ko,"

"Tara na." sabi ko sa kanila sabay una ng pumasok sa grocery store.






"Eomma, itong cereal gusto ko." sabi sa'kin ni jiseok sabay pa kita ng gusto niyang cereal.

"Ask your appa first jiseok." napa tingin ka agad si jiseok kay seokmin, at nag beautiful eyes pa.

"Get everything you want, bibilhin ni appa 'yon." sabi ni seokmin.

"Yehey!" sigaw ni jiseok, at agad na pinag kukuha yung mga gusto niyang pag kain.

"Seoks, lapit ka." sabi ko kay seokmin

"Ikaw baㅡ"

"Inii-spoil mo yung bata!" pabulong na singhal ko sa kanya.


"Aray babes, ang sakit ng pag kurot mo ha!"


"Dapat lang 'yon sa'yo."

"Sorry na, gusto ko lang naman na makitang masaya si jiseok."

"Eomma, appa, nag aaway po ba kayo?" tanong ni jiseok ng makalapit na siya samin at agad na nilagay yung mga kinuha niya sa cart.

"Hindi 'nak!" sabay na sabi namin ni seokmin.

"Okay, sabi niyo eh."


"Dun na tayo sa counter," sabi ni seokmin at tinulak na yung cart.







[☆☆☆]

"Appa! Ang daya mo naman eh!" pag rereklamo ni jiseok kay seokmin


"Anak hindi ako madaya. Sadyang maliit ka pa, kaya hindi mo abot yung ring." sabi ni seokmin at agad na ginulo yung buhok ni jiseok.



"I don't want to play na, Play on your own appa." sabi ng anak ko at nag walk out.

Di ata narinig 'yun ni seokmin, continue lang siya sa pag shoot ng bola sa ring. Sinundan ko naman ka agad si jiseok, nakita ko siya dun sa may 'claw machine'


"Ano ba 'to! Nakaka inis!" sigaw ni jiseok at agad na sinipa yung machine.


"'Nak 'wag ka diyan, madaya yang machine na 'yan. Sayang token mo."


"Naiinis ako eomma, ang daya ni appa." pag susumbong niya sa'kin


"Anak, hindi madaya yung appa mo. Katulad nga ng sinabi niya kanina, maliit ka pa," pag papaliwanag ko sa'kanya.


"But if you really want to win against your appa, i'll help you."


"How?" nag tatakang tanong ni jiseok

"Trust eomma,"


"Let's go, Talunin natin si seokmin." sabi ko sabay karga sa anak ko






"Kanina ko pa kayo hinahanap, saan ba kayo pumunta?" tanong ni seokmin, ng hindi kami tinitignan at focus lang yung tingin sa ring.

"Wala ka na dun." sagot ko sa kanya.


"One last token." sabi niya sabay pasak ng token sa machine.

Binigyan ako ng signal ng anak ko, pinasak ko na din yung token, at nag simula na yung laro.


"Here," bigay ko kay jiseok ng isang bola na agad niya namang na shoot.

"Shoot!" sigaw ng anak ko, sabay kuha sa bolang hawak ko.

"Shoot ulit!" tuwang tuwa na sabi ni jiseok











"Madadaya." sabi ni seokmin ng maka pasok na kami sa kotse.

"Ahahahahaha! That's what you called team work appa." sabi ni jiseok.


"Aish,"


"Buckle up!" sabi ni seokmin bago paandarin yung kotse.



Pikon.





-☆-

SEVENTEEN'S BOOMBOOM!
1st WIN ❤

- Nag rank number #8 ang admirer sa short story

- thank you beri mats

- chale ♡



















Admirer | seoksooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon