045

870 44 1
                                    

Author's
☆☆☆

Nasa park si Seokmin, para mag pahangin. Dahil ilang linggo na nga siyang di nakakalabas ng bahay nila.

Hanggang ngayon kasi, di nag paparamdam si Yuju. At masama ang kutob niya dun. Alam niyang may binabalak na naman si Yuju.

Napahilamos na lang si Seokmin. "Seok. 'Wag mo muna yun isipin. Relax ka na lang muna." sabi ni Seokmin sa kanyang sarili.

Binaling na lamang ni Seokmin ang atensyon niya sa mga pamilya na masayang nag pipicnic at sa mga batang nag lalaro.

"Anak dahan dahan takbo. Madadapa ka."

"Hindi po papa."

Napangiti na lang si Seokmin. Kung buhay ba anak niya, ganyan din ba sila ngayon?

Na pag desisyonan ni Seokmin na umuwi na lang. Kaya agad siyang tumayo at nag unat unat bago mag simulang lumakad.

"Oh bata, okay ka lang?" tanong ni Seokmin sa batang naka banggaan niya.


Napansin naman ni seokmin na pa iyak na yung bata kaya agad niya itong kinarga at inalok ng ice cream, "Gusto mo ng ice cream?"

Agad namang tumango ang bata. "Anong flavor gusto mo?" tanong ni Seokmin sa batang buhat buhat niya.

"Vanilla." sabi neto. Iba ang taste ng batang 'to. sabi ni seokmin sa kanyang sarili. Halos lahat naman kasi ng bata, ang gusto chocolate.


"Manong dalawa nga pong ice cream, Parehas pong vanilla." sabi ni seokmin at agad na binigay ang bayad kay manong.

"Eto na po sir."

"Salamat." sabi ni seokmin at kinuha na yung dalawang ice cream. Agad naman siyang nag lakad patungo sa malapit na bench.

"Ito oh." abot ni seokmin sa bata yung ice cream.

"Salamat po." sagot ng bata sabay ngiti.

"Sino kasama mo?"

"Si Lola po."

"Saan ang lola mo?"

"Di ko po alam, Nawawala po kasi ako."

"Sige ubusin mo na yang ice cream mo, Hahanapin natin lola mo. Mamaya nag aalala na yun sa'yo."

"Okay po."

Tahimik na kumakain ng ice cream si Seokmin pati na din yung bata. Pero may lumapit sa kanila, na iki-nagulat ni seokmin.

"Jiseok apo! Kanina pa ko nag hahanap sa'yo! Kung hindi kita na hanap lagot ako sa ahm, eomma? appa? mo!" bulyaw ng babaeng nasa harap nila.

"Eomma." yan lang ang lumabas sa bibig ni seokmin.

"Seokmin?!" gulat na tanong ng babaeng nasa harap niya.

"Solji Eomma." sabi ni Seokmin at agad na niyakap si Solji.

"Kumusta ka na?"

"Okay naman po ako." sabi ni seokmin at bumitaw na sa pagkakayakap kay Solji.

"Yung Eomma mo?"

"Okay naman po."

"Ganun ba? Sige una na kami." sabi ni Solji at agad na binuhat si Jiseok

"Sige po, Ingat po kayo."

"Bye po. Salamat sa ice cream!" sigaw ni jiseok habang nakaway. 

Agad namang nag taka si Seokmin, teka 'apo?' Baka naman nag ka anak na kapatid ni Babes? Baka nga.

Admirer | seoksooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon